Share

KABANATA 41

" Kung ganoon, siya pala ang nakatatandang kapatid ni Maximo, " ani Isabella habang nakatitig sa lumang larawan na nakakabit sa dingding. " Matias ang pangalan niya, tama po ba? "

Marahang tumango ang mayordoma na buntong hiningang ngumiti nang alisin ang tingin sa lumang larawan ng pamilyang Castellano. Ito ang huling kuha ng larawan kung saan kompleto pa ang miyembro ng pamilya at sa kalumaan nito, halos kumupas na rin ang kulay ng litraro.

" Kamukhang-kamukha ni Matias ang kaniyang ama ngayon, " sambit ng mayordoma na hindi maiwasang maging emosyonal sa pagbabalik ng taong matagal nawalay sa kanila. " Kay tagal hinanap ng Doña Luisana ang kaniyang panganay at tiyak akong matutuwa siya kapag nalaman niyang umuwi na si Matias dito sa mansyon. "

Taon 1979 nang mamatay ang padre de pamilya ng Castellano at kasabay nito ang biglaang paglaho ng panganay na anak na si Matias sa hindi malamang dahilan. Bigla na lamang itong hindi umuwi ng mansyon isang araw nang maihatid sa huling hantung
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status