TATLONG araw ng hindi gumigising si Sammuel. Lumalala na rin ang kanyang kondisyon. Kaya't sa mga sandaling ito ay halu-halo'ng emosyon ang aking nararamdaman. Ilang araw at gabi na rin akong walang tulog at pahinga. Pakiwari ko nga ay mukha na akong drug addict lalo pa't kahit ako ay hindi ko na kaya'ng i-describe ang ang aking pagmumukha.Maghapon-magdamag ay nakadilat lamang ang aking mga mata sa kadahilanan'g inaabangan ko palagi ang pag gising niya.'' 'Nak, gumising ka na diyan. Miss na miss ka na ni mommy. Gusto na kitang mayakap at makausap eh.'' Pagkausap ko sa kanya habang patuloy pa rin'g nag-uunahan sa pagpatak ang aking mga luha.Biglang bumukas ang pinto ng ward. Kahit nanlalabo ang paningin ko ay sinikap ko pa rin ang mag-angat ng tingin."Sam!'' tinig iyon ng presidente.''Salamat at bumalik ka na tito.'' puno ng pag-asang sambit ko. ''Nakumbinsi mo ba siya tito?'' kaagad kong naitanong sa presidente na ang tinutukoy ko ay si Inigo.''Yeah. Kaya huwag ka ng u
ILANG beses na akong nag-usal ng panalangin habang hinihintay ang paglabas ng doctor ni Sammuel. Naroon na ang anak ko sa loob ng OR at kasalukuyan ng sinasalinan ng dugo. Habang magkatabi naman kami ngayon ni Jordan sa upuan. Ginagap niya ang kaliwa kong kamay at hindi naman ako tumanggi. Dahil kahit papa'no ay nakaramdam ako ng bahagyang pagkapanatag nitong aking kalooban.Halos isang oras din kami'ng naghintay bago lumabas ang doctor.''Doc. how's my son?'' kaagad na tanong ko nang tuluyan itong makalabas ng OR.''He's fine now. Puwede niyo na siyang dalawin once na maibalik siya sa ward.''''Thank you doc.''Ngumiti lang ang doctor at pagkatapos ay nagpaalam na.''Thank you lord, ligtas na si Sammuel.'' Nakangiting sambit ko. Dahil sa labis na kasiyahan ko ay walang pasabi na nayakap ko si Jordan.Makalipas ang ilang minuto ay naroon na nga sa ward ang anak ko kaya naman nagpaalam na rin si Jordan dahil ayaw niya raw na mag pang-abot pa sila ni Iñigo.''Salamat uli
NAPABALIKWAS ako sa higaan dahil sa sunud-sunod na pagkatok at pagsigaw ni Nicole sa labas ng aking silid.Tinatamad na bumangon ako at pupungas-pungas na pinagbuksan ko siya ng pinto."Ano ba 'yon? Ba't ang ingay mo?" naiirita'ng tanong ko rito."Nasa sala si Inigo. Kanina ka pa niya hinihintay na lumabas ng silid eh.""Huh? Bakit daw? Ano na naman ang kailangan niya sa'kin?""Hindi ko alam, Sam. Puntahan mo na lang kaya para makalayas na 'yon." Giit pa niya."Oo na! Magsusuot lang muna ako ng bra bago ko siya harapin." Nakairap na sambit ko."Sige na, bilisan mo lang!" Anang kaibigan ko bago ako tinalikuran.Nagmamadali'ng inayos ko ang aking sarili at pagkatapos ay halos takbuhin ko ang patungo'ng sala.''Where is Sammuel?'' pambungad na tanong saakin ni Iñigo.Nabaling ang tingin ko sa mga dala niyang prutas at pagkain ngunit hindi ako nagkomento.''Natutulog.'' Tipid kong sagot.''Kanina ko pa kayo'ng hinihintay rito, Sam.'' Seryosong sambit niya.''So? Sino ba kasi an
PAGDATING ko sa coffee shop ay naroon na nga si Jordan. Papasok pa'lang ako ay tanaw na tanaw ko na ang malapad niyang ngiti. Kaya naman hindi ko maiwasan ang mapangiti rin habang naglalakad papalapit sa kinaroroonan niya.''Kanina ka pa ba?'' kaagad na naitanong ko.''Actually, mga five minutes pa 'lang naman.'' Aniya na hindi pa rin napapalis ang ngiti sa labi.''Sorry kung pinaghintay kita. Si Nicole kasi ay umandar na naman ang pagiging detective kaya hindi agad ako makaalis.'' Natatawang pahayag ko.''It's okay. Siya nga pala, nag-order na rin ako.""Oh, thanks Jordan. Alam na alam mo talaga kung ano ang favorite kong kainin sa coffee shop na 'to. " Nakangiting wika ko."Syempre naman!" puno ng pagmamalaki sa tinig nito.Maya-maya lang ay dumating na nga ang inorder niyang pagkain. Kaya naman nagsimula na kami'ng kumain at sinimulan ko na rin ang pagkukuwento sa kanya."Uhm...Jordan, alam kong ang dami mo ng isinakripisyo para sa'min ni Sammuel." Panimula ko. Ako na
MATAPOS kong i-parking ang aking kotse ay naiinis na ibinaba ko ang ibang gamit na naroon sa loob ng sasakyan. Nauna kasi'ng makarating sa mansiyon sina Iñigo kaya naman heto at mag-isa lang yata akong maghahakot nito.''Bwisit na lalaki 'yon! Wala man lang yata'ng balak na tulungan ako rito.'' Hindi ko maiwasan'g maibulalas ang mga katagang iyon.Pinakahuli kong ibinaba ay ang bag na may laman'g mga personal hygiene ko at halos maibato ko 'yon kay Iñigo nang matanaw kong papalapit pa 'lang siya ngayon sa kinatatayuan ko.''Kung kailan tapos na ako rito ay saka mo lang naisipan na lumabas!'' kaagad na singhal ko sa kanya nang tuluyan na siyang makalapit.''Tsk...bakit, bawal na bang ma-late? Nagagalit ka pa eh, heto na nga at tutulong na ako sa'yo.'' sarkastikong sambit niya.''Hindi ko na kailangan ang tulong mo! Kaya ko na 'tong hakutin.'' Maawtoridad na sambit ko.''Okay. Sabi mo eh.'' Aniya at mabilis na akong tinalikuran.Sa sobrang inis ko ay sinigawan ko siya. '' Hoy I
GABI na nang makauwi ako sa mansiyon ng mga Bartolome. Balak ko sana'ng dumiretso na lang sa aking silid. Subalit napahinto ako sa paghakbang nang maulinigan ko ang boses ni Ellie''Mabuti naman at dumating ka na! Gutom na gutom na ako pero ayaw pa akong pakainin ni dad dahil kailangan daw na hintayin ka pa namin.'' Puno ng hinanakit sa tinig ni Ellie.''Ellie!'' sita ni Iñigo sa anak niya.''Oh...i'm sorry Ellie kung pinaghintay ko kayo. Nakalimutan ko rin kasi'ng ipaalam sa daddy mo na kumain na ako bago umuwi rito.'' Pagsisinungaling ko para lang asarin ang malditang bata na ito.''See? Pinaghintay niya lang tayo sa wala dad!" ani Ellie at pagkatapos ay padabog na tumayo at iniwanan ang ama sa hapag kainan. "Nawalan na ako ng gana'ng kumain." Bulong nito bago pumanhik at tinalunton ang patungo sa kanyang silid.Tiim bagang na sinundan na lang ng tingin ni Iñigo ang spoiled brat niyang anak."Sorry ulit Iñigo. Hindi ko alam na hinihintay niyo pala ako." Muling paghingi
SINADYA kong magpagabi ng uwi sa mansiyon para hindi na kami magkita pa ni Iñigo. Subalit sa kasamaang palad ay hindi rin umobra ang ideyang naisip ko. Dahil si Iñigo pa mismo ang nagbukas sa'kin ng pinto.''Alas nuwebe na.'' Walang buhay na sambit niya habang nakatingin sa kanyang wristwatch.''Alam ko, Iñigo. May inasikaso lang kami ni Nicole kaya hindi ako nakauwi agad.''''Really? Magkasama kayo ni Nicole?'' sarkastiko niyang tanong.''Eh ikaw, ba't hindi ka pa natutulog?'' pag-iiba ko ng usapan habang nakatingin ako sa wine glass na hawak niya.''Tsk...hindi pa ba halata na hinihintay kita'ng makauwi? Kanina pa akong nag-aalala sa'yo. Ilang beses kitang tinawagan pero hindi ka naman sumasagot. At nang tawagan ko naman si Nicole, sinabi niyang alas sais pa 'lang ay naghiwalay na kayo.''''Sorry.'' Tanging nasabi ko.''Pagak itong natawa at talaga nga'ng mababakas sa mukha ni Iñigo ang labis na pag-aalala saakin.''Sorry? 'Yon lang ba ang sasabihin mo, Sam?''''Oo!''
NAGULAT ako nang pagdating ko sa parking lot ay naroon si Jordan nag-aabang sa'kin.''Hey, why are you here?''kaagad na tanong ko sa kanya.''Ouch, ang sakit naman ng pambungad na tanong.'' Reklamo nito. ''Kukumustahin ko lang naman sana 'yong kaibigan ko eh.''''Okay lang naman ako Jordan. Nagulat lang ako sa biglaan mong pagsulpot.''''Tara, magkape muna tayo bago ka umuwi.''Nakangiting alok niya saakin.''I-I'm sorry, pero kailangan ko kasi ngayon na umuwi ng maaga eh.''''Ano ba 'yan? Malapit na 'ko sa'yong magtampo. Simula ng lumipat ka sa mansiyon ay hindi na kita nakakasama.'' Malungkot niyang pahayag. Ang kaninang ngiti niya sa labi ay unti-unti ng napalis.''Jordan, napag-usapn na natin 'to di'ba? Promise, next time babawi ako sa'yo bilang kaibigan. Hindi lang talaga ako pwede ngayon. Kailangan ko kasi'ng bumawi kay Iñigo. Masyado ko siyang ini-stress nito'ng mga nakaraang araw eh.'' Paliwanag ko na agad naman niyang naunawaan.''Okay. Basta next time huh