Share

Pagkabundol

HININTAY ko muna'ng sunduin ni Mr. President ang aking anak bago ako pumasok sa trabaho. Balak ko sana'ng sumama sa kanila ngunit naisip kong baka magkatagpo lang ulit kami ni Iñigo. Ayaw ko muna siya'ng harapin ngayon lalo pa't wala pa akong naiisip na magandang paraan upang masabi sa kanya ang katotohanan tungkol kay Sammuel.

Ilang sandali pa'y naroon na ako sa opisina ngunit hindi pa man ako tuluyan'g nakakaupo sa aking swivel chair ay bigla naman'g tumunog ang aking cellphone.

Dali-dali ko itong kinuha sa aking bag at nang makita kong si Mr. President ang tumatawag ay agad ko itong sinagot. Subalit gayo'n na lamang ang aking panlulumo matapos kong marinig ang kanyang tinuran.

''Sam, nabundol si Sammuel at critical ang lagay niya ngayon!''

Hindi ako nakakibo. Animo'y isa akong kandila na nauupos sa aking kinatatayuan. Pakiwari ko'y nagdidilim na ang buong paligid. Hanggang sa tuluyan na nga akong nawala sa aking ulirat at maging ang pagbagsak ko sa sahig ay hindi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status