Share

Engaged

NAGULAT ako nang bigla na naman'g sumulpot si Jordan sa office ko habang mag-isa akong kumakain ng pananghalian.

''Hi Sam!''

''Oh, ikaw pala 'yan Jordan! Nanggugulat ka naman. Bigla-bigla ka na lang sumusulpot eh!'' bahagya ko itong inirapan, dahilan upang panggigilan niya ang aking pisngi.

''Kumusta ka Sam?'' tanong nito saakin.

''Okay lang naman. Saan ka ba galing at ilang araw kang hindi nagpakita?''

''Bakit? Na-miss mo ba ako?'' nakangising wika nito.

''Hoy! Hindi no'h! Nagtataka lang ako at hindi ka napapadpad dito.''

''Sus, palusot ka pa diyan eh! Okay lang naman na sabihin mong nami-miss mo 'ko eh. Kasi sa totoo lang ay nami-miss na rin kita kaya dinalaw na kita rito.''

''Hmm...ang dami mong alam! Bumalik ka na nga lang sa kompanya mo at marami pa akong kailangan'g gawin dito sa opisina.'' Pagtataboy ko sa kanya ngunit hindi man lang ito natinag sa kanyang kinatatayuan.

''Ayoko nga! Gusto pa kita'ng makasama eh.''

''Jordan! Ano na naman ba 'tong drama mo? Wala ako sa mo
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status