Share

Chapter 30

"Welcome to Mr and Mrs. Monteferrante House Warming Party!"

Tinaas ko ang wine glass na hawak ko, "Lets have a tose for that."

Katatapos lang ng Wedding reception namin dito kaninang hapon, at ngayong gabi naman ang house warming namin. Inisang celebration nalang namin para tipid sa gastos at para isang puntahan nalang.

Naramdaman ko ang pag higpit ng yakap sa akin ni Chelsy,  "I love you, hon," mahinang bulong niya sa akin.

Napangiti ako at dumukwang para dampian ng halik ang noo niya, "I love you too."

"Daddy!"

Sabay kani ni Chelsy napalingon kay Syrah na ngayon ay nakatayo sa harapan namin. She's still wearing her pink gown at yung white stockings at shoes niya. Nag talo pa nga silang mag ina kanina dahil sa stockings na iyan.

"Syrah, hubarin mo na yung stockings mo, hindi ka ba naiinitan?" Tanong ni Chelsy kay Syrah. Nandito kasi kami ngayon sa kwarto ni Lily, dahil balak ni Chelsy na palitan siya ng damit ngayon.

Ngumuso naman na si Lily sa kanya, "Pero mommy, ayoko po. Gusto ko pa rin suotin ito ngayon."

Tinignan siya ng mariin ni Chelsy at namewang na, "Syrah," mariin na sabi niya kay Syrah.

"Daddy," lumingon sa akin si Syrah at mukhang malapit na siya umiyak.

"Sebastian," mariin na sabi ni Chelsy sa akin.

Nag aalangan naman akong tumingin kay Syrah pati kay Chelsy na seryosong nakatingin sa akin. Napabuntong hininga ako, at hinakawan sa balikat si Syrah.

"Huwag na natin tanggalin yung stockings niya, buksan nalang natin yung aircon sa baba para malamig," suhestiyon ko at agad na ngumiti sa akin si Syrah.

"Really dad?" Yumakao sa bewang ko si Syrah, "Thank you po," pagkasabi niya non ay tumatakbo na siya umalis ng kwarto.

"Ikaw, kaya nagiging ganyan iyang anak mo, dahil kinukunsinti mo eh," dinuduro pa ako ni Chelsy habang sinasabi niya iyon.

"Come on, she's a kid, mag babago naman iyan paglaki niya," inabot ko siya para mahapit ko siya sa bewang.

Umirap si Chelsy sa akin kaya natawa ako ng bahagya, "Ewan ko sayo."

"Hon, tara doon tayo sa may living room, nandoon mga kaibigan natin eh," aya sa akin ni Chelsy at ngintian niya ako.

Tumango ako sa kanya ng nakangiti, kaya nag lakad kami papunta sa living room habang nakapulupot ang braso ko sa bewang niya.

Chelsy is just wearing her simple white dress na above the knee ang haba, at silver sandals, habang ako, I'm just weaeing my white button down polo, at nakafold ang sleeves hanggang sa siko ko.

"Hi newly weds," bati ni Carla sa amin pag kaupo namin sa sofa.

Inabutan ni Carla si Chelsy ng isang cocktail, pero tinanggihan niya iyon at kumuha nalang ng tubig. Hindi lang ako at si Carla ang nakapansin non, pero halos lahat sa amin na nandito ay napansin iyon.

"Is ther something wrong?" Bulong ko kay Chelsy sa tainga niya.

"Wala naman," umiiling na sagot niya sa akin.

Biglnag napasinghap si Gertrude kaya napatingin kami halos lahat sa kanya. Nakatakip ang kamay niya sa bibig niya habang malalaki nag mata niyang nakatingin kay Chelsy.

"Don't tell me....." sabi niya at sinegundahan naman siya ni Carla.

"Kyaaah! Kelan pa?" Carla said at dumukwang pa palapit kay Chelsy habang ang siko niya ay nasa center table.

Narinig ko ang pag tikhim ni Chelsy, "Last week pa."

Sabay na napasigaw ng mahina sila Gertrude at Carla, at maging ang ibang mga babae na kaibigan ni Chelst sa UP, ay nagsisisigaw rin. Well, kulang sila ng dalawa dahil wala si Azure at Hosea, malamang.

"Anong nangyayari?" Halos sabay sabay naming tanong mga lalaki.

Napasampal sa noo si Abigail, "Hay nako, mga lalaki nga naman oh."

Mula sa gilid ng mata, kitang kita ko kung paano napapailing si Chelsy habang nakangiti. Mas lalong kumunot ang noo ko dahil sa inaasta nila.

"Chelsy, sabihin mo na nga sa asawa mo para hindi nag sasalubong ang kilay niya," biglang sabi ni Alysia kaya naaptingin sila sa akin, "Tignan niyo oh. Kulang nalang maging isa ang kilay niyan eh," dugtong pa niya.

Napatingin ako kay Chelsy habang nakakunot ang noo ko at iniintay siya na sabihin ang dapat niyang sabihin. Ngumiti siya ng tipid sa akin, bago niya binaba ang baso ng tubig niya sa center table.

Nag siayusan naman ng upo kami at iniintay na mag salita si Chelsy.

"I'm one week pregnant."

"Yown!"

"Nux, nauna honeymoon kaysa sa kasal!"

"W-what?" Nauutal kong tanong at napabaling sa akin si Chelsy.

"I said," kinulong niya ang mga palad niya sa mukha ko, "I'm one week pregnant, hon."

Parang tumigil sa pag ikot ang mundo at tanging kaming dalawa lang ni Chelsy ang nandito. I kissed her lips at hindi ko inaasahan na pagkatapos ko siyang halikan ay tumutulo na pala ang mga luha ko.

"Awww, umiiyak si daddy," rinig kong sabi ni Gertrude at ang pag tawa niya pagkatapos niya sabihin iyon.

"Lets cheers for that," anunsyo ni Nathan habang nakataas ang wine glass niya.

"Cheers!"

Mga 12 midnight na ng matapos ang House Warming party. Nag siuwian na ang mga bisita namin dito sa bahay, at nag simula na mag linis ang mga kasambahay namin dito.

Kaninang 10 ay nakatulog si Syrah dito sa may kitchen area. Nakasubsob ang mukha niya sa may island counter. Binuhat ko nalang siya saka ko siya inakyat patungo sa kwarto niya.

"I'm so happy," I encircled my arms around her waist hugging her from behind.

Nandito kasi kami ngayon ni Chelsy sa terrace ng kwarto namin. Nakatingin kami pareha sa mga bituin at sa buwan na maliwanag na nasa kalangitan.

"You surprised me, hon," sabi ko at nilagay ang baba ko sa balikat niya.

I felt her caressed my hands na nakalagay sa tiyan niya, "That's my plan," tinagilid niya ang ulo niya para masilip ako, "To surprise you, and to see your reaction. You're reaction a while ago is priceless."

Hinalikan ko siya sa pisngi niya and I started to caress her tummy, "Hi baby, I'm your daddy. I love you so much baby," nag angat ako ng tingin kay Chelsy, "Mahal na mahal ka namin ni mommy, and we can't wait to see you here."

Kinabukasan ay naalimpungatan ako dahil sa biglaan na pagkabangon ni Chelsy.

"Hon?" Tawag ko at sinundan ko siya sa banyo.

I saw her vomiting on the toilet bowl. Nag aalala akong lumapit sa kanya at hinawakan ang buhok niya para hindi ito humarang sa mukha niya.

"Are you okay?" Malumanay kong tanong habang hinagaod ko ang likod niya.

Narinig ko ang pag flush ng toilet kaya inabot ko ang tissue na nasa sink. Kumuha ako ng tissue para punasan ang bibig niya.

Tumayo naman siya para mag gargle, kaya tumayo na rin ako. Sumandal ako sa sink habang tinitignan siya

"Are you okay? Gusto mo ba pumunta sa hospital?" Tanong ko sa kanya at agad namna siyang umiling.

"No need," sagot niya at tinapon ang tissue sa basurahan, "Vomiting is normal para sa mga buntis."

Tumango naman ako sa kanya, "Matulog na ulit tayo."

Mga pass 9am na kami nagising ni Chelsy. Nauna akong nagising kaysa sa kanya, pero hindi pa ako nakakabangon ng tuluyan nang magising din siya.

Pagkababa namin pareho, naabutan namin si Syrah na nanonood ng cartoons sa tv, habang nag luluto ang mga maids sa kitchen area.

"Good morning, baby," bati ko kay Syrah at naupo sa tabi niya.

Agad namna niya akong niyakap sa bewang, "Good morning dad," tinignna niya si Chelsy na nakaupo sa kabilang side niya, "Good morning mom," bati nito sa kanya at hinalikan ito sa pisngi.

Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Chelsy, at tumango ako sa kanya ng nakangiti.

"Syrah, can we tell you something?" Malambing na sabi ni Chelsy kaya umayos ng upo si Syrah.

"Ano po iyon?" Kunot noo na tanong ni Syrah at nag pabaling baling nag tingin niya sa amin dalawa.

"What do you think of you being a big sister?" Tanong ni Chelsy sa kanya.

Ngumuso si Syrah at tumingala pa, "Uhm, okay lang naman po sa akin. Aalagaan ko naman po yung kapatid ko at hindi ko naman po siya ipapahamak," sagot niya at tinignan kami pareho, "Bakit po?" Tinignan ni Syrah si Chelsy ng matagal, "Are you pregnant, mommy?"

Napatango nalang si Chelsy sa tanong ni Syrah sa kanya. Naunahan kasi eh.

"Talaga po?" Bakas sa boses niya ang tuwa at excitement.

Nilagay ko nag kamay ko sa ulo niya, at ginulo ang buhok niya ng bahagya, "Yes baby, you will be a big sister soon. Magiging ate ka na."

"Yehey!" Pumapalakpak na sabi ni Syrah.

Months came at ngayon nga ay malalaman na namin ang gender ng baby. Syrah is with us right now, dahil weekend naman at wakang pasok.

"It's a boy, Mr and Mrs. Monteferrante. Congratulations!" Anunsyo ng ob-gyne sa amin.

Pagkatapos namin mag pacheck up ay dumeretso kami sa mall para kumain ng lunch. Sandali lang kaming kumain ng lunch sa Army Navy, bago kami pumunta sa Baby world para bumili ng mga baby things.

"Dad, tignan mo po oh," sabi ni Syrah at tinaas niya ang kamay niya na may hawak na blue shoes.

Kinuha ko iyon sa mga kamay niya, "Pero malaki ito para sa kanya, hindi pa niya ito magagamit," sabi ko sa kanya at nag kibit balikat lang ito sa akin.

"He can use that po pag lumaki na siya," sagot niya at nagkatinginan naman kami ni Chelsy at parehong napangiti.

"We will buy this, and I'm sure he will be happy if he knew that you were the one who picked this for him," nakangiti sabi ni Chelsy kay Syrah at nilagay ang sapatos na kinuha ni Syrah sa push cart namin.

Natapos kami mamili ng mga gamit na pang baby. Mula sa crib, bottles, at mga damit ay natapos na namin bilhin. Balak namin na sa kwarto namin ni Chelsy ilalagay ang crib, pero lalagyan na namin ng mga gamit ang isang kwarto na walang laman para sa second child namin.

"Ano kaya ipapangalan natin sa kanya?" Tanong ko habang nakaupo kami pareho ni Cheksy dito sa kama namin.

9 months pregnant na siya, at hanggang ngayon ay wala pa rin kaming naiisip na pangalan para sa baby namin.

Sinandal ni Chelsy ang ulo niya sa balikat ko, "I don't know," tumingala siya sa akin, "What should we name him?"

"Lucas Kevin?" Suhestiyon ko at nanahimik kami pareho ni Chelsy.

"Bright?" Suhestiyon ni Chelsy at nakangiti akong tinignan.

Natawa ako ng bahagya, "Ikaw ah, naadik ka ata doon sa Thai series na pinapanood niyo ni Syrah recently."

Nangingiti naman siyang tumango sa akin, "Slight lang hon," yumakap siya sa leeg ko, "But, what do you think?"

"Hmm," I hummed. Nag baba ako ng tingin sa kanya at nakita kong nakatingin din pala siya sa akin habang nakangiti, mukhang nag papacute pa.

"Okay," I sighed, kaya agad na ngumiti ng nas malapad si Chelsy sa akin, "But, lets just name him, Bright Kevin, is that okay?"

"Basta may Brigh, ayos na sa akin!" She said at agad na siniksik ang mukha niya sa leeg ko.

"I love you," bulong niya at hinalikan pa ang leeg ko, "Thank you."

"Sebastian!!!!!!!"

Agad akong na alarma at nagmamadaling umakyat sa kwarto namin nang marinig konv sumigaw si Chelsy.

"W-why...... oh shit!" Taranta kong sabi nang makita kong pumutok na ang panubigan niya.

Agad ko siyang binuhat para maibaba, "Manang! Pakihanda po ang mga gamit ng baby, at sumunod po kayo sa hospital ko!" Anunsyo ko bago ako lumabas ng bahay.

Sumunod sa akin si Syrah at agad niyang binuksan ang pinto ng shotgun seat, bago siya pumwesto sa backseat at pinaharurot ang sasakyan papunta sa hospital ko.

Dineretso ko agad siya sa ER, pero sabi sa akin ng nurse na ideretso na sa labor room.

"Misis, kalma po tayo. Maya maya po ay dadalhin ka na po sa delivery room," malumanay na sabi ni doc kay Chelsy at tanging tango nalang ang naging sagot niya.

Pinupunasan ko ang noo ni Chelsy dahil pinagpapawisan na ito. Paulit ulit na tinitignan ni doc ang centimetres hanggang sa maging 10 centimetres ito at dinala siya sa delivery room na.

Buhat buhat ko si Syrah habang pareho kaming nakatingin sa ointotng delivery room. Dumating na sila manang dala ang mga gamit ng bata.

Nang lumabas si doc ng delivery room, agad ko siyang nilapitan.

"It was a successful delivery. Muntik namin siyang i-cs, pero buti nalang kinaya niya mag normal delivery," sabi ni doc sa akin kaya nakahinga kami ng maluwag.

"We will just transfer your wife sa private room, para makapag pahinga siya. Tapos yung mga gamit ng baby," Inabot ko kaagad ang bag na may laman ng gamit ng bata.

"Aayusan lang namin siya, then pwede namin siyang dalhin sa kwarto mamaya. Excuse me," paalam ng doctor sa amin kaya tumango ako sa kanya.

"Daddy, baby Bright is here!" Masayang sabi ni Syrsh at niyakap niya ang leeg ko.

Welcome to the world, Bright Kevin M. Monteferrante!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status