Share

Tenth Trip: Is she sick?

CLINTHON'S POV

Pasipol-sipol akong pumasok sa Training Room namin ng mga judo athletes. Sumilay ang ngisi sa aking labi nang maalala ang mukha no'ng pangit. Almhera pala ang pangalan no'n? Tsk. Sayang talaga ang magandang pangalan, napunta pa sa pangit na tao.

"Ganda ng araw natin, Bro a. Siguro may ka-date kang chicks kagabi. Kaya ganyan na lang kaganda ang ngiti mo."

Bigla akong sumeryoso nang bumungad ang pagmumukha ng baliw kong kaibigan na si Andrew. Ang loko, parang timang kong makangiti sa harap ko.

"Alam mong hindi ko hilig ang makipag-date, 'di tulad mo Andrew," walang gana kong sabi at nilagpasan ito.

Dumeretso ako sa aming locker at iniligay roon ang dala kong bag. Ang loko kong kaibigan nakasunod naman sa likod ko.

"Alam ko naman 'yon, Bro—" napatingin ako sa kaniya nang bigla itong natigilan sa pagsasalita. "Anong nangyari riyan sa kamay mo? Ba't may benda 'yan? Napaaway ka ba?" nag-alala niyang tanong sabay kuha ng kaliwang kamay ko.

"Hindi ako nakipag-away, Andrew. K
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status