Share

One Hundred Six Trip:

Hindi mawala-wala ang ngiti sa labi ko habang naglalakad pabalik sa aming silid-aralin. Hanggang ngayon, nagpapasalamat ako sa Panginoon dahil binayayaan niya ako ng mababait na mga kaibigan.

Napatingin ako sa hawak kong sandwich. Bago kami maghiwalay nina Giovanni at Christine kanina, binilhan pa muna ako ni Giovanni ng sandwich. Kung hindi ko lang siguro alam ang totoong pagkatao niya, baka pati ako ay nahulog na rin sa kanya dahil sa pagiging maalaga niya.

Nawala ang ngiti sa labi ko nang maalala ang FoxyLuscious Group. Siguradong madagdagan ang galit nila sa akin dahil kanina sa Cafeteria. Ba't kasi ginawa 'yon ni Giovanni sa harap pa ng mga kaiskuwela namin? Napabuga ako ng hangin at tuluyan nang pumasok sa aming silid-aralan.

Agad kong kinain ang sandwich nang wala pa ang mga kaklase ko sa loob. Ilang minuto ang lumipas, sunod-sunod na silang nagsipasukan sa aming silid-aralan. Nakayuko lang ako sa aking upuan nang marinig ko ang mga bulungan nila. Tungkol na naman sa akin
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status