"Sir Eduardo, nandito na po pala kayo."
Napatingin ako kina Mama't Papa na kakalabas mula sa gate ng aming bahay. Napatingin ako sa lalaking kaharap ko. Siya ba si Sir Eduardo?
"O anak, nariyan ka pala. Ito pala si Sir Eduardo, ang aking Boss sa trabaho," nakangiting pagpakilala ni Papa sa lalaking kaharap ko.
Hanggang ngayon, patuloy pa rin akong kinakabahan dahil kanina pa ito nakatingin sa akin. Napalunok ako ng ilang beses at napahinga nang malalim para pakalmahin ang aking sarili.
"Natatakot yata ang anak mo sa 'kin, Enzo."
Nanlaki ang mga mata kong tumingin sa kaniya nang sabihin niya iyon kay Papa. Agad akong napaiwas ng tingin nang malamig niya ulit akong tingnan.
"Pasensya na po sa anak ko, Sir Eduardo. Ngayon lamang po kasi kayo nakita at nakilala ni Almhera. Kaya ganiyan po ang akto niya."
Napatingin ako kina Mama't Papa pero hindi ko maiwasang mapasulyap sa Boss ni Papa nang patuloy kong maramdaman ang tingin niya sa akin.
Biglang tumibok nang mabilis ang puso ko dahil sa sinabing 'yon ni Clinthon. Seryoso ba siya? Ang bilis naman yata para manligaw siya sa 'kin. Napakunot ang aking noo nang bigla itong humalakhak at napahawak pa ito sa kaniyang tiyan. Nagtataka ko siyang tiningnan nang naluluha na ito sa kakatawa. Anong nangyayari kay, Clinthon? Fishball lang naman 'yong kinain niya pero parang nasiraan na siya sa pag-iisip."Nakakatawa ang mukha mo, Almhera." aniya habang natatawa. "Nagbibiro lang naman ako tungkol sa panliligaw. Ang gusto ko lang ay makipagpakilala ng pormal sa 'yo at makipagkaibigan."Parang umalingawngaw sa pandinig ko ang huling katagang sinabi niya. Gusto niya lang pala makipag-usap sa akin para makipagpakilala ng pormal at makipagkaibigan. Biro lang pala 'yong sinabi niyang panliligaw sa akin. Subalit ba't ganito ang nararamdaman ko? Biglang bumigat ang pakiramdam ko at may kaunting kirot sa puso ko nang marinig na biro lang 'yon. Napipilitan akong tumawa, nagkuk
Ba't may mga alaalang akong nakikita na hindi naman pamilyar sa akin? Paulit-ulit kong tanong sa sarili habang nakatanaw sa nakabukas na bintana ng kwarto ko rito sa ospital. Gabi na't magandang tanawin ang mga ilaw na nasa labas ng ospital. Lumabas muna sina Mama't Papa para asikasuhin ang paglabas ko ngayon dahil maayos na rin naman ang pakiramdam ko.Ngunit hanggang ngayon, hindi pa rin nawawala sa isipan ko ang nangyari sa akin kanina sa parke. Bigla lamang lumabas ang isang alaalang 'yon sa isip ko. Malalim akong napabuntong-hininga na kahit isa'y wala akong makuhang sagot. Subalit bigla kong naalala ang isang boses na bumulong sa akin bago ako mawalan ng malay."Hindi mo dapat maalala ang mga memoryang dapat mo nang makalimutan."Umalingawngaw sa pandinig ko ang sinabing 'yon ng isang lalaki. Pilit kong inisip kung kaninong boses 'yon pero alam kong hindi si Clinthon 'yon. Malaki ang boses ng lalaking nagsalitang 'yon sa tainga ko. Pakiramdam ko, may nalal
Sunod-sunod tumulo ang mga luha ko dahil sa katagang binitawan ni Mama. Sa buong buhay ko, ngayon niya lang ako sinigawan ng ganito at napagsalitaan pa ng masama. Nakalimutan ko lang naman inumin ang gamot ko, ba't grabe na agad ang galit ni Mama? Kahit sina Giovanni at Christine ay nagulat din sa pagtaas ng boses ni Mama. "Amanda! Ba't mo naman sinigawan ang anak natin?!" galit na wika ni Papa kay Mama nang makapasok ito sa kwarto. Parang nahimasmasan naman si Mama dahil sa sinabi ni Papa. Dali-daling lumapit si Mama sa akin saka ako niyakap. "Anak, I'm sorry. I'm sorry anak, hindi ko sinasadyang pagtaasan ka ng boses at pagsabihan ng masama." Hinawakan ni Mama ang magkabilang pisngi ko saka niya pinunasan ang mga luha ko gamit ang kaniyang hinlalaking daliri. "Sobra akong kinabahan dahil sa nangyaring 'to sa 'yo, Almhera. Hindi ko kaya 'pag may masama pang mangyayari sa 'yo," sabi ni Mama saka ito napayuko. Nanginginig ang kaniyang balikat nang umiy
Dahan-dahan akong napamulat ng aking mga mata nang tumama sa mukha ko ang sinag ng araw. Napaupo ako mula sa pagkakahiga at inilibot ang aking paningin. Napahinga naman ako nang makita kong nasa sariling kwarto ako ngayon. Napakapit ako sa kumot nang bigla akong mahilo. Mariin akong napapikit nang makitang umiikot ang buong paligid. Napahawak ako sa likod ng aking ulo nang may maramdaman akong kaunting kirot doon. "Gising ka na pala, Almhera " wika ni Mama nang pumasok ito sa aking kwarto. Lumapit agad ito sa akin nang makitang nakahawak ako sa aking ulo. "Ayos ka lang ba, anak?" tanong niya sa akin habang tinulungan niya akong mahiga ulit sa kama. Naramdaman ko na naman ang marahang paghaplos niya sa pisngi ko. "Kumusta ang pakiramdam mo, anak?" rinig kong tanong ulit ni Mama. Napamulat naman ako ng aking mata at nagpasalamat na lamang ako nang hindi na umiikot ang buong paligid. "Maayos lang po ako, Mama. Nahilo lang po ako nang bumangon ako
Lumilipad ang aking isipan habang nakatingin sa propesor naming abala sa pagtatalakay sa harap. Hindi mawala-wala ang katanungan sa aking isipan dahil sa kinuwento nina Giovanni at Christine sa akin kanina. Bakit kahit isa'y wala akong maalala? Napahawak ako sa aking ulo at mariing napapikit, pinipilit inaalala ang mga sinabi ng mga kaibigan ko. Subalit natapos lang ang aming klase, kahit isa'y wala akong maalala.Hindi ko maiwasang makaramdam ng pagtataka nang pumasok ako sa MHU kanina. Matinding kaba ang aking naramdaman nang malaman ko mula kay Giovanni at Christine na higit isang buwan na akong 'di nakapasok sa paaralan. Akala ko'y magagalit ang aking propesor sa una kong klase ngayong umaga dahil sa rami ng absent ko sa kanyang asignatura. Ngunit nagulat na lang ako na hindi siya galit sa akin at pinapasok na lang ako sa klase."Miss Dela Vega, can I talked to you in my office?"Bago pa man ako makalabas sa aming silid-aralan, nagitla ako nang tawagin ni Ma
"Ang buwan sa kontrata mo Almhera ay madagdagan ng isang buwan," panimula ni Ma'am Benie nang makapasok ako sa kaniyang opisina. "Imbes na tatlong buwan ang natitira sa pagtatrabaho mo rito sa Café of Memories, magiging apat na buwan ito. 'Yan ang naging desisyon ni Mrs. Park dahil higit isang buwan din na hindi ka nakapagtrabaho mula sa aksidenteng nangyari sa 'yo," dugtong niya. Napatango-tango naman ako bilang tugon sa sinabi ni Ma'am Benie. Kasalukuyan akong nakaupo sa harap ng mesa niya sa kaniyang opisina. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na dito pala nagtatrabaho si Sedrick. Kailan pa kaya siya nagtatrabaho rito? "Mabuti na lang talaga nang mag-apply dito si Sedrick no'ng unang linggo mo sa ospital dahil sa insidenteng nangyari sa 'yo. Hindi kami nahirapan dahil siya ang sumalo sa trabaho mo," wika ni Ma'am Benie na parang nabasa ang katanungan sa isip ko. Agad akong bumalik sa pagtatrabaho nang matapos akong kausapin ni Ma'am Benie. "Kum
Hindi ako makagalaw sa aking tinatayuan at parang naging istatuwa ako. Patuloy pa ring nakalapat ang labi ni Clinthon sa akin habang ito'y nakapikit. Samantala ako, dilat na dilat at hindi ko alam kung ano ang maaari kong gawin. Gusto ko siyang itulak nang sobrang lakas dahil kinuha niya ang iniingatan kong first kiss. Ibibigay ko sana 'to sa lalaking mapapangasawa ko. Ngunit paano ko na 'yon magagawa kong kinuha na ni Clinthon 'yon? Akala ko lalayo na siya nang tuluyan ngunit napatigil ako sa paghinga nang bahagya lang itong lumayo sa mukha ko at sandali tinitigan ang mga mata ko. Nagulat ako nang biglang hinapit ng isa niyang kamay ang baywang ko papalapit sa kaniya at ang isa niya namang kamay ay hinawakan ang aking batok upang halikan ako ulit. Pilit kong tinulak ang d****b niya nang madiin ang pagkakahalik niya sa aking labi. 'Di tulad kanina, nakadampi lang ang kaniyang labi sa akin. Napatigil ako sa pagtulak nang hawakan niya ang kamay ko. Unting-unti
Araw ng linggo, sinundo ako nina Giovanni at Christine sa bahay. Napagdesisyonan naming tumambay sa Tree House. Namamangha akong naglibot sa loob nang tree house dahil sobrang ganda't linis pa rin ito. Sobrang tagal din naming 'di nakapagtambay dito. Tumungo kaming tatlo sa balkonahe ng tree house at doon presko kaming umupo sa upuang gawa sa kahoy. Napaawang ang mga labi kong nakatanaw sa magandang tanawin ng lawa. Sumasalamin ang sinag ng araw sa umaalong tubig nito. Sariwang hangin naman ang dumadapo sa balat ko sanhi upang makaramdam ng kaginhawaan sa sistema ko. Matagal na ring hindi ko naranasan ito. Ang makapagpahangin at hindi muna mag-isip ng mga problema. Ilang araw na ring bumagabag sa isipan ko ang mga katanungang ba't nawalan ako ng alaala. Napalingon ako kina Giovanni at Christine nang akbayan nila ako bigla. Pareho ko silang nasa gilid at ako naman ang nasa gitna nila. Agad kong inilagay ang dalawang braso ko sa kanilang baywang. "Nakaka-miss a