Share

Ika dalawampu’t dalawang kabanata

Hindi namalayan ni Vernice ang pag-bukas ng pintuan ng opisina maging ang pagpasok ni Zac. Nailapag na’t lahat ng binata ang kanyang attache case sa ibabaw ng table ay hindi pa rin gumagalaw ang dalaga mula sa kanyang kinauupuan at nanatili lang itong tulala sa kawalan ng hindi man lang kumukurap ang kanyang mga mata. Dahil hanggang ngayon ay iniisip pa rin niya ang nangyari sa kanya kagabi, ang kamuntikan na pagkakagahasa sa kanya ni Alex.

Nag-aalala na lumapit si Zac sa dalaga dahil batid niya na may problema ito, isang hakbang na lang ang kanilang pagitan ng mapakô siya sa kanyang kinatatayuan. Dinagsa ng matinding takot ang dibdib ng binata habang nakatitig sa dibdib ni Vernice dahil hindi maayos ang pagkakasara ng suot nitong polo kaya malaya niyang nakikita ang isang marka sa dibdib nito. Hindi siya tanga para hindi maunawaan kung ano ang ibig sabihin ng markang iyon.

Nagdilim ang mukha ni Zac at mahigpit na naikuyom ang kanyang mga kamay, sa isang iglap ay tinawid niya ang kani
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status