“Pre, kumusta ang pag-apply mo, natanggap ka ba?” Tanong ni Vincent sa kaibigan niyang si Josh, kasalukuyan silang naglalakad sa isang makipot na eskinita, ito ang kanilang shortcut pauwi sa kanilang mga bahay.
"Wala, Pre, puro waiting, kaya pati ang bulsa ko ay butas na sa kakawaiting. Wala na ba silang ibang alam sabihin kundi wait for the call's company, tsk, gasgas ng eardrum ko sa mga linyahan na 'yan." Naiinis na sagot ni Josh, sinubukan nilang maghanap ng trabaho ngunit dahil sa kakulangan sa edukasyon ay hindi sila pinalad na matanggap sa lahat ng kumpanya na kanilang inapplayan. Parehong bagsak ang kanilang mga balikat at uuwi ng bahay na wala man lang napala. Malungkot na nagpatuloy sa paglalakad ang dalawa habang bitbit ang isang plastic envelope na naglalaman ng kanilang mga requirements. Maya-maya ay biglang hinatak ni Josh si Vincent upang magkubli sa gilid ng pader. "T- hmp!" Hindi na naituloy ni Vincent ang sana'y sasabihin nito ng mabilis na takpan ni Josh ang bibig ng kaibigan gamit ang kanang kamay nito upang hindi na ito makagawa ng anumang ingay. "Ssshhh..." si Josh habang ang hintuturo nitong daliri ay nasa bibig, sumesenyas na huwag siyang maingay. Bigla namang nanlaki ang mga mata ni Vincent ng makita nito ang tinitingnan ng kaibigan kaya naunawaan na niya kung ano ang nais mangyari ng kanyang kaibigan. Inalis na ni Josh ang kamay sa bibig ni Vincent at kapwa pinanood kung paano makipaghalikan si Marjorie sa isang lalaki na nakatalikod sa kanila kaya hindi nila makilala kung sino ito. "Bro, kawawa naman ang kaibigan natin harap-harapang niloloko ng malanding babae na 'yan!" Nanggigil na pahayag ni Vincent sa mahinang tinig habang matalim na tingin ang ipinupukol sa dalawang tao na walang humpay sa paghahalikan kahit na may ilang tao na dumadaan sa paligid, walang pakialam ang mga ito kahit pinagtitinginan na sila. Matinding galit ang makikita sa mukha ni Josh dahil sa panloloko ni Marjorie sa bestfriend niyang si Vernice. "Oh, mga bro, kumusta ang lakad n'yo?" tanong ni Carlo habang nakaupo ito sa isang bangkong plastic. Kasalukuyan itong nakatambay sa harap ng tindahan ni Aling Chona. "Sa hilatsa ng mga mukha n'yo parang alam ko na ang sagot, ah!" Nakangising sabi ni Carlo na tila may planong mang-asar. Kaagad na dinampot nito ang gitara at sinimulang kantahin ang “Alaws Arep” by siakol. “..Maghahanap ng trabaho Kahit ano papasukin ko... Di matanggap kahit waiter Mukha raw akong holdaper... Alaws arep lagi sa araw araw Dehins tuloy ako makapanligaw Uuwi na lang ako sa amin Magdadasal na lang ng ama namin yeah...” Nang-aasar na kanta ni Carlo kaya lalong hindi na maipinta ang mukha ng dalawa, mabilis na nilock ni Josh ang ulo ng malokong kaibigan sabay batok naman dito ni Vincent habang si Carlo ay tawa ng tawa. “Gago! Atleast kami may pangarap, eh ikaw? Wala ng pag-asa ang ekonomiya sayo!” Bulyaw ni Vincent bago umupo sa tabi ni Carlo. "Yun! buo na naman ang barkada." Nakangiting pahayag ni Vernice na kararating lang galing trabaho. Nang makalapit ito ay hindi makapaniwala na tumitig sa mukha ni Vincent at Josh. "P**cha, bro, tinalo n'yo pa ang namatayan, Ah!" Nang-aasar na sabi ni Vern bago sumandal sa isang poste na nasa gilid ng tindahan saka pinagsalikop ang dalawang braso sa ibabaw ng kanyang dibdib. "Talagang magmumukha kang namatayan sa oras na malaman mo ang mga nakita namin, huh!" Si Vincent na nanatiling seryoso ang expression ng kanyang mukha. Ngunit bigla itong natigil sa pagsasalita ng sikuhin ito ni Josh. "Babe!" Narinig nilang sigaw ni Marjorie, naglalakad ito palapit sa kanilang kinatatayuan at halos iisang tao na lumingon ang lahat sa dalaga. Biglang lumapad ang ngiti ni Vern ng makita ang kanyang nobya, nang makalapit ito ay pumulupot kaagad ang mga braso nito sa katawan ni Vernice saka mapusok na hinalikan ito sa mga labi. Mula sa gilid ay nagpupuyos sa matinding galit sina Vincent at Josh dahil alam na nila ang tinatago nitong baho, habang si Carlo ay walang muwang sa mga nangyayari. "Aling Chona, isang bilog nga d'yan." anya sa tindera ng tindahan, kaagad namang dumampot ng isang alak ng Gin ang may edad na babae at inabot ito kay Josh bago nagsulat sa kanyang mahabang listahan. "Babe, maiwan na muna kita dito, pero sumunod ka kaagad sa bahay ha, kasi may bisita tayo." Malambing na saad ni Marjorie habang nakapaskil ang isang matamis na ngiti sa mga labi nito. Isang magaan na halik ang ginawa nito bago tuluyang umalis sa kanilang harapan, ni hindi man lang nagawang batiin ang kanyang mga kaibigan. "Pare, mukhang malaki yata ang problema mo, ah?" natatawa na sabi ni Vern na ang tinutukoy ay ang hawak ni Josh na alak. Binuksan ito ni Josh gamit ang kanyang matibay na ngipin at ng mabuksan ito ay kaagad na inabot ito sa dalaga. Nagkatinginan naman sina Carlo at Vern na parehong nagtataka dahil sa kakaibang ikinikilos ng kanilang mga kaibigan. "Para sayo talaga 'yan bro, oh, kunin mo at magmumog ka para matanggal ang bacteria d'yan sa bibig mo." Si Josh na nanatiling seryoso ang mukha kaya batid nila na hindi na ito nagbibiro.. " Vern, may kailangan kang malaman, kanina, nakita namin si Marjorie na nakikipaghalikan sa isang lalaki, Bro, niloloko ka ng girlfriend mo." Si Vincent habang nakatitig ng diretso sa kanyang mga mata. Sa pagkakataong ito ay batid ni Vernice na seryosong usapan na ito dahil nakikita niya sa mga mata ng kaibigan ang determinasyon at walang balak na bawiin ng mga ito ang kanilang mga binitiwang salita. Ramdam din ng dalaga ang labis na pag-aalala ng mga kaibigan para sa kanya. Sandaling katahimikan ang namagitan sa kanilang lahat at halos walang naglakas loob na magsalita sa kanila na kapwa nagpapakiramdaman. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Vernice bago ito ngumiti sa mga kaibigan ngunit ang ngiti na 'yun ay hindi umabot sa kanyang mga mata at kapansin-pansin ang biglang pagtamlay nito. "Kumusta na nga pala ang paghahanap ninyo ng trabaho?" maya-maya ay tanong ni Vernice, batid nila na nais nitong ibahin ang usapan kaya hinayaan na lang siya ng kanyang mga kaibigan. Napa Kamot sa ulo si Vincent habang si Josh ay wala sa sarili na tinungga ang hawak na alak, umiiling na dumukot sa kanyang bulsa si Vernice at naglabas ng dalawang libuhing papel at inabot sa dalawa. "Don't worry, makakahanap din kayo ng trabaho." Anya sa mga ito habang nakalahad ang perang hawak nito sa kanilang harapan. Tinanggap naman ng dalawa ang pera at isinilid iyon sa kani-kanilang mga bulsa, sanay na sila sa isa't-isa kaya hindi na uso sa kanila ang salitang hiya. Vernice Point of view "So, paano bro, uwi na ako, maiwan ko na muna kayo dito." Pagkatapos sabihin iyon ay tinalikuran ko na sila, habang naglalakad ay nahulog ako sa isang malalim na pag-iisip. Magagawa kaya ni Marjorie ang iwan ako? For almost five years na relasyon namin ay ni minsan hindi ako nakaramdam ng anumang kakaiba sa girlfriend ko, until now. Kaya hindi ko alam kung dapat ko bang paniwalaan ang sinabi ng mga kaibigan ko. At kung sakaling totoo man 'yun ay hindi ko yata kakayanin na mawala sa akin si Marjorie dahil buong buhay ko ay sa kanya lang umiikot. "Babe!' Pagdating ko sa pintuan ng apartment namin ni Marjorie ay sumalubong sa akin ang magandang ngiti nito, lumapit siya at naglalambing na yumakap sa akin. Mahigpit ko naman itong niyakap ngunit natigilan ako ng makita ko ang isang lalaki na nakaupo sa single sofa na may dalawang dipa ang layo mula sa aking kinatatayuan. Iba ang pakiramdam ko sa isang ito at parang kay bigat ng loob ko sa lalaking 'to. "Oh, Babe, si Alex nga pala pinsan ko, Alex si Vernice boyfriend ko." Masayang pakilala ni Marjorie sa aming dalawa, kaagad namang tumayo ang pinsan ni Marjorie saka naglahad ng palad sa aking harapan. Kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag ng malaman ko na magpinsan ang dalawa. Bakit ba napapadalas na yata ang pagiging nerbyoso ko? anya sa aking isipan parang gusto kong batukan ang aking sarili. "Kumusta, pare." Bati ko sa kanya bago tinanggap ang kamay nito, matamis siyang ngumiti sa akin at masasabi ko na napakafriendly ng dating nito ngunit ang hindi ko nagustuhan ay ang pagpisil niya sa aking palad at hindi maganda ang dating nito sa akin. "Babe, okay lang ba kung makituloy muna dito pansamantala ang pinsan ko? wala kasi siyang matutuluyan dito sa Manila, isang buwan lang naman, kasi seaman si Alex at next month ay sasakay na siya sa barko." Nakikiusap na tanong sa akin ni Marjorie, ayoko sanang pumayag ngunit hindi ko naman matanggihan si Marjorie. "Yun lang ba? sure, no problem." Ani ko bago hinalikan sa labi ang aking nobya na kaagad naman nitong tinugon. "Ehemm.." narinig kong tumikhim ng malakas si Alex na tila inaagaw ang aming atensyon. Ito ang ayoko kapag may kasama sa bahay may asungot kaya nakadama ako ng inis pero hindi ko ipinahalata sa kanila. "Babe, sasaglit muna ako sa bahay namin kukunin ko lang yung laptop na naiwan ko doon." Paalam ko sa kanya at tinalikuran na ito. Sa tingin ko ay dito na ako laging matutulog dahil kahit na magpinsan pa rin ang dalawa ay wala akong tiwala sa lalaking ito..."Nang tuluyang makaalis si Vernice ay kaagad na isinarado ni Marjorie ang pintuan. "Woah! Ang ganda naman ng boyfriend mo?" tila nang-aasar na saad ni Alex kaya naiinis na hinarap ito ng dalaga. "Huwag mong pakialaman si Vernice ko, kung hindi ay hihiwalayan kita." Galit na banta niya kay Alex, natatawa namang lumapit ito sa dalaga at mahigpit itong niyakap. “Bakit ko naman gagawin ‘yon alam mo naman kung gaano kita kamahal.” Si Alex bago naglalambing na hinalikan sa leeg si Marjorie habang ang kamay nito ay naglalandas paakyat sa kanyang hita. Huminto ang kamay ng binata sa pagitan ng mga hita ni Marjorie at hinaplos ang kaselanan nito.“Ano ba Alex baka biglang bumalik si Vern.” Saway ng dalaga ngunit ang binata ay ayaw paawat dahil masyado itong mapusok. Nagmamadali na ibinaba nito ang stocking ng dalaga kasama ang panty, isinunod nito ang kanyang pantalon na bahagya lang ibinaba at mabilis na pinadapa ang dalaga sa ibabaw ng lamesa na malapit sa kanila.Kita sa mukha ni Marjorie
Vernice Point of view “… Tagaktak na ang pawis ko at halos kapusin na ako ng hininga ngunit hindi pa rin ako nangahas na huminto sa pagtakbo. Nang mga sandaling ito ay nababalot ng matinding takot ang puso ko wala akong ibang ni nais kung hindi ang makalayo at matakasan ang higanteng ahas na humahabol sa akin mula sa likuran. Patuloy akong tumatakbo kahit na hindi alam ang aking patutunguhan, gusto ko ng umiyak ngunit pinilit kong maging matapang upang makaalis sa sitwasyong kinakaharap. Habol ko na ang aking hininga at pakiramdam ko anumang oras ay bibigay na rin ang aking katawan. Hindi ko alam kung paano akong napunta dito sa Parāng at kahit isang tao ay wala kang makikita. Ang tanging natatanaw ko lang ay ang madilim na paligid at isang mahabang daan na napapaligiran ng mga kakahuyan. Mas binilisan ko pa ang aking pagtakbo upang hindi ako abutan ng dambuhalang ahas na bigla na lang sumulpot sa aking likuran. Nakakapangilabôt ang mga pangyayari at halos magkulay suka na ang aking
Pagbukas ko ng pintuan nang aking kwarto ay mabilis na nasalo ng kanang kamay ko ang isang bagay na paparating sa aking mukha. “Nice one kuya!” Malakas na sigaw ni Xavien ang isa sa makulit na triplets. Sa tabi nito ay si Xavi at Xion na patuloy na nag-aasaran habang bumababa ang mga ito ng hagdan. “How many times do I need to tell you, Xavien, don’t turn the house into a playground!” Naiinis kong sermon sa makulit kong kapatid bago binato pabalik sa kanya ang bola nito na kaagad naman niyang sinalo. Sa kanilang triplets ay ito ang pinaka makulit, at ayon kay daddy si Xavien daw ang nagmana kay Mommy pagdating sa kalokohan na mahigpit namang tinutulan ni Mommy.“Could you please stay away from me? Nakakairita ang mukha mo at ayokong makita ‘yan!” Naiinis na sabi ni Xavi kay Xion, kaya nang-aasar na tumawa si Xion bago sinagot ang kakambal.“Stupid, Iisa lang ang mukha natin, so kung may problema ka sa sarili mo ay huwag mo akong idamay.” Nang-aasar na saad ni Xion kaya halos hindi na
Zaci Hilton’s Point of view“Sir, everything is ready, and you have thirty minutes before your meeting with the client starts.” Magalang na saad ng aking secretary, halata ang pagiging malambing nito sa tuwing nakikipag-usap siya sa akin.Hindi ko alam kung sinasadya ba nito o natural na sa kanya ang ganung way ng pananalita.Isang mabilis na sulyap sa direksyon nito ang ginawa ko bago marahang tumango bilang tugôn. Nanatili siyang nakatayo sa may pintuan at matamang naghihintay sa aking paglabas, inayos ko na ang aking sarili bago dinampot ang cellphone na nasa ibabaw ng table.Tumayo na ako mula sa aking swivel chair at taas noo na naglakad palabas ng opisina. Ang bawat empleyado na madaanan ko ay yumuyuko, tanda ng kanilang paggalang sa nakatataas sa kanila.Nanatiling seryoso ang aking mukha habang naglalakad sa hallway ng lobby, halos nasa akin ang lahat ng atensyon ng mga kababaihan.Makikita sa mukha nila ang labis na paghanga at halatang kinikilig ang mga ito habang nakatitig
Zac Point of view “Kababakasan ng takot ang mukha ng aking Sekretarya habang palipat-lipat ang tingin nito sa akin at sa mukha ng babae. Halatang natataranta siya na wari mo ay hindi maintindihan kung ano ang dapat niyang gawin sa mga oras na ito.Muli siyang lumingon sa akin at tumitig sa akin ang mga mata niyang nanlilisik sa galit. Halatang matindi ang pagkamuhi nito sa akin na wari mo ay isang lalaki na inagawan ng nobya.Akmang lalapit sana ang babae sa akin upang muli akong suntukin ngunit mabilis itong nahawakan ng aking mga tauhan sa magkabilang braso. Makikita sa mukha nito na wala siyang sinasanto kahit na mas matangkad ako kaysa sa kanya at higit na malaki ang katawan ko kumpara sa katawan nito. Dahil may kapayatan ang katawan ng babae, ika nga slim.“V-Vernice!” Nag-aalala na tawag ni Marjorie sa pangalan nito, ngunit ang babae na tinawag nitong Vernice ay hindi man lang natakot, mukhang wala itong ideya kung sino ako at kung ano ang kaya kong gawin sa kanya.“Bitawan nyo
Bagsak ang mga balikat na pumasok ako sa loob ng bahay, gusto kong magwala at mag-sisigaw dahil sa matinding sakit na nararamdaman ko. Hindi ko matanggap na niloko ako ng babaeng minahal ko ng buong buhay ko. Halos hindi ko na makita ang aking dinadaanan dahil nanlalabo na ang mga mata ko dahil sa mga luhang nagbabadya ng pumatak.Natigilan ako ng mabungaran ko ang aking ama na nakatayo sa maliit naming sala’s halatang may hinihintay ito.“Panahon na para bumawi ka sa ating angkan, kung gusto mong makamit ang kanilang kapatawaran at lubusan kang tanggapin ng ating pamilya ay kailangan mong sundin ang nais nila.Tumawag ang lola mo, maghanda ka dahil nalalapit na ang kasal mo. Sa susunod na linggo ay susunduin ka nila dito.” Walang ganang saad ni Papa, kahit na balikot pa rin ang tagalog nito ay malinaw kong naunawaan ang lahat ng kanyang sinabi. Pagpasok ko pa lang ng bahay ay ito na kaagad ang bumungad sa akin. Hindi maikakaila ang pagkadisgusto nito sa akin dahil kasing lamig ng ye
“Wow, Par! Tibâ-tibâ ka ngayon ah, anong nakain mo at naisipan mong gumimik? At sa mamahaling bar pa!” Hindi makapaniwala sa tanong ni Josh habang nakaakbay sa akin, abot hanggang tainga ang ngiti nito at makikita ang matinding kasiyahan sa kanyang mukha. Habang si Vincent ar Carlo ay tila sabik na makapasok sa loob ng bar.“Don’t tell me mayaman ka na ngayon? Huh.” Si Carlo na panay ang ikot ng mata nito at hindi magkamayaw sa pagtanaw sa mga naggagandahang babae sa paligid. Halos walang tulak kabigin sa kanilang lahat at talagang tutulo ang laway mo dahil sa magandang hubog ng kanilang mga katawan. Lalo na ang mga dibdib nito na parang puwît ng bata dahil litaw ang malusog na pisngi nito kaya maging ako ay napapalunôk ng wala sa oras. “Hoy’ napaghahalatang manyakis kayo, kulang na lang ay hubaran ninyo ang mga babaeng dumadaan sa inyong harapan.” Sermon sa amin ni Josh at ang gago na feeling inosente pa na akala mo’y santo ngunit ang mata naman nito ay hindi mapakali sa kakatingin m
“Lalong magagalit sayo ang papa mo sa oras na malaman niya ang kinasangkutan mong gulo. Vernice, kababae mong tao naki-kipagsuntukan ka sa mga lalaki? Ano na lang ang sasabihin ng mga tao sa akin na mali ako ng pagpapalaki sayo?” Nanggigigil na sermon sa akin ni Nanay Elsa habang sinisikap nito na huwag magtaas ng boses. “Eh, Nay Elsa hindi naman po kasalanan ni Vernice ang lahat, nadamay lang s’ya sa away nung mayabang na lalaki.” Sabat naman ni Josh na pilit akong pinagtatanggol upang tigilan na ako ni Nay Elsa.“Isa ka pa! Pareho kayong matigas ang ulo at walang pinaniniwalaan, eh kung ‘yung panahon na inaaksaya n’yo sa pagba-bar at pag-iinom ng alak ay naghahanap kayo ng trabaho di sana may pakinabang ang bansa sa inyo.” Pati tuloy sila ay nadamay sa misa ni Nanay Elsa kaya mas pinili nina Josh, Vincent at Carlo ang manahimik na lamang.“Ikaw naman Vernice naturingan kang may pinag-aralan pero kung kumilos ka ay tinalo mo pa ang mga tambay na ‘to! Ewan ko ba sa inyong mga kabataan