Mag-isa akong nakatayo sa likod ng naka-saradong pintuan at naghihintay kung kailan ito bubuksan habang sa kanang kamay ko ay hawak ko ang isang puting mikropono. Kanina pa ako kinakabahan dahil ito ang unang pagkakataon na kakanta ako sa harap ng aking pamilya. Maya-maya ay narinig ko ang isang tunog ng piano at sinimulan na nitong tugtugin ang aking kakantahin. Sa pagbubukas ng pintuan ay nagsimula na rin akong umawit...(The moon represent my heart song by Teresa Teng)Ni wen wo ai ni you duo shen,(You asked me how deep my love is for you) —Wo ai ni you jifen.(I love you to the utmost).Wode qing ye zhen,(My feeling is also true),Wode ai yezhen,(My love is also true):Yueliang daibiao wode xin.(The moon represents my heart).Mula sa malamig na simoy ng hangin ay sumasabay ang isang malamyos na awitin na tumatagos sa puso ng lahat. Ang buong paligid ay nababalot ng matinding emosyon higit ang emosyon na nararamdaman ko. Kasing ganda ng sikat ng araw ang ngiti ng lahat at hi
Hindi magkamayaw ang mga kababaihan na makalapit si isang sikat na artista na nakaupo sa unahan habang sa harap nito ay isang mahabang lamesa. Kulang na lang ay makaihi sa sobrang kilig ang mga ito habang naglalaway na nakatitig sa mukha ng gwapong si Hanz Zimmer. Isa siyang half Filipino and half Canadian hollywood actor na labis na hinahangaan ng mga kababaihan. Isa-isang lumapit ang lahat upang magpapirma ng mga hawak nilang gamit na related sa aktor na si Hanz. Habang pimipirma ang binata sa larawan na hawak ng kanyang fan’s ay biglang tumahimik ang lahat. Dahil sa pagsulpot ng isang matabang babae. Matalim na tingin ang ipinupukol sa kanya ng mga tagahanga ng binata lalo na ang mga babaeng nasagi niya dahil sa pagpu-pumilit na makarating sa unahan kung saan nakaupo ang hinahangaan niyang binata.Ang ilan ay nakadama ng takot sa kanya kaya kusa ng tumabi ang mga ito upang magbigay-daan para sa kanya. Nang makarating sa unahan ay tahimik na ibinaba niya ang isang pirasong papel sa
2002Taong 1970 nang magpatupad ang bansang Tsina ng “one child policy” dahil sa lumalaki nitong populasyon. Binalot ng matinding takot ang lahat ng mamamayan dahil sa batas na ipinatupad ng kanilang bansa. Nang mga panahon na iyon ay marami ang sapilitan na ipinaabort ang kanilang ipinagbubuntis at ang iba ay ipinaampon ang kanilang mga anak na babae sa ibang banyaga dahil sa takot na magmulta sila ng malaking halaga o maparusan dahil sa pagkakaroon ng higit sa isang anak.Mas pinapahalagahan ng bawat mag-asawa ang pagkakaroon ng anak na lalaki sapagkat ito ay magdadala sa pangalan ng kanilang angkan at maghahatid ng malaking swerte sa kanilang pamilya. Mula sa malayong probinsya ng Hainan sa China ay isa ang pamilya ni Aiguo Zhōu sa mga naghahangad na magkaroon ng anak na lalaki. Kasalukuyang nagdadalang tao ang kanyang asawa na si Tiffany at ngayong buwan ay nakatakda ang pagsilang nito sa kanilang panganay na anak. Bawat araw na lumilipas ay ibayong kabâ ang nararamdaman nilang ma
Salot (lyrics by Siakol)“…Pagkagising ko sa umaga…Balita sa dyaryo ang nakitaWala pa ring pinag ibaKarahasan ang makikita…Anong klaseng pamumuhayKaguluha’y wala na bang humpay…Ako’y napadaan sa isang kanto…“AaaaMarami ang nag kakagulo…Tsimis pala ang kanilang puntoPaninira sa kapwa tao…”Habang patuloy ako sa pag-awit ay abala ang aking mga daliri sa pagtipâ sa string ng gitara, sumasabay sa pagkanta ang aking mga kaibigan kaya ibayong saya ang dulot nito sa pakiramdam.Ang ilan sa mga kaibigan ko ay mukhang may tama na ng alak ngunit patuloy pa rin sa pagtagay ang mga ito habang ako ay huminto na sa pag-inom dahil hanggang limang tagay lang ang kaya kong inumin. Mahina kasi ang tolerance ko sa alak at mabilis akong malasing.Araw ng Linggo ngayon kaya nandito kami sa harap ng bahay nina Josh na halos nasa gilid lang din ng kalsada. “Hanggang ngayon ay wala pa ring sinaing? B****t na buhay ‘to!” “Oh! Bakit umuwi ka pang h***p ka!”“Hoy! Lumayas kayo dito kung wala kayong p
Hainan, Province of China "Years have passed, mr. Zhōu, and you got almost a million dollars from me, I think it's time for you to pay what you’ve owed me.” Ani ng isang lalaki sa seryosong tono na may matigas na expression sa mukha. Nakasuot ito ng isang mamahaling suit habang naka de kwarto na nakaupo sa single sofa. kasalukuyan silang nasa loob ng opisina ni mr. Zhōu, hindi maikakaila ang labis na karangyaan sa hitsurá nito dahil sa matikās at puno ng dignidad na pangangatawan ng lalaki na naglalaro sa edad sixty. Makikita mula sa asul niyang mga mata na tila nauubusan na ito ng pasensya sa kanyang kausap. “Please, Mr. Hilton, I beg you, just a little more time to pay you.” Nagsusumamo na wika ni Mr. Zhōu ang ama ni Aiguo. Labis siyang nagulat sa biglaang pagdating sa kanilang bansa ng business tycoon na si Mr. Cedric Hilton. Inaasahan naman talaga niya ang pagsulpot nito sa kanyang opisina, ngunit hindi niya sukat akalain na mapapaaga ang pagbisita nito. “It’s been years, since
“Pre, kumusta ang pag-apply mo, natanggap ka ba?” Tanong ni Vincent sa kaibigan niyang si Josh, kasalukuyan silang naglalakad sa isang makipot na eskinita, ito ang kanilang shortcut pauwi sa kanilang mga bahay. "Wala, Pre, puro waiting, kaya pati ang bulsa ko ay butas na sa kakawaiting. Wala na ba silang ibang alam sabihin kundi wait for the call's company, tsk, gasgas ng eardrum ko sa mga linyahan na 'yan." Naiinis na sagot ni Josh, sinubukan nilang maghanap ng trabaho ngunit dahil sa kakulangan sa edukasyon ay hindi sila pinalad na matanggap sa lahat ng kumpanya na kanilang inapplayan. Parehong bagsak ang kanilang mga balikat at uuwi ng bahay na wala man lang napala. Malungkot na nagpatuloy sa paglalakad ang dalawa habang bitbit ang isang plastic envelope na naglalaman ng kanilang mga requirements. Maya-maya ay biglang hinatak ni Josh si Vincent upang magkubli sa gilid ng pader. "T- hmp!" Hindi na naituloy ni Vincent ang sana'y sasabihin nito ng mabilis na takpan ni Josh ang bi
Nang tuluyang makaalis si Vernice ay kaagad na isinarado ni Marjorie ang pintuan. "Woah! Ang ganda naman ng boyfriend mo?" tila nang-aasar na saad ni Alex kaya naiinis na hinarap ito ng dalaga. "Huwag mong pakialaman si Vernice ko, kung hindi ay hihiwalayan kita." Galit na banta niya kay Alex, natatawa namang lumapit ito sa dalaga at mahigpit itong niyakap. “Bakit ko naman gagawin ‘yon alam mo naman kung gaano kita kamahal.” Si Alex bago naglalambing na hinalikan sa leeg si Marjorie habang ang kamay nito ay naglalandas paakyat sa kanyang hita. Huminto ang kamay ng binata sa pagitan ng mga hita ni Marjorie at hinaplos ang kaselanan nito.“Ano ba Alex baka biglang bumalik si Vern.” Saway ng dalaga ngunit ang binata ay ayaw paawat dahil masyado itong mapusok. Nagmamadali na ibinaba nito ang stocking ng dalaga kasama ang panty, isinunod nito ang kanyang pantalon na bahagya lang ibinaba at mabilis na pinadapa ang dalaga sa ibabaw ng lamesa na malapit sa kanila.Kita sa mukha ni Marjorie
Vernice Point of view “… Tagaktak na ang pawis ko at halos kapusin na ako ng hininga ngunit hindi pa rin ako nangahas na huminto sa pagtakbo. Nang mga sandaling ito ay nababalot ng matinding takot ang puso ko wala akong ibang ni nais kung hindi ang makalayo at matakasan ang higanteng ahas na humahabol sa akin mula sa likuran. Patuloy akong tumatakbo kahit na hindi alam ang aking patutunguhan, gusto ko ng umiyak ngunit pinilit kong maging matapang upang makaalis sa sitwasyong kinakaharap. Habol ko na ang aking hininga at pakiramdam ko anumang oras ay bibigay na rin ang aking katawan. Hindi ko alam kung paano akong napunta dito sa Parāng at kahit isang tao ay wala kang makikita. Ang tanging natatanaw ko lang ay ang madilim na paligid at isang mahabang daan na napapaligiran ng mga kakahuyan. Mas binilisan ko pa ang aking pagtakbo upang hindi ako abutan ng dambuhalang ahas na bigla na lang sumulpot sa aking likuran. Nakakapangilabôt ang mga pangyayari at halos magkulay suka na ang aking