Pagdating sa venue, halos lumuwa ang mga mata ni Dharylle sa tumambad sa kanya. Saktong 6:30 sila dumating ni Topi. Madilim na ang paligid ng venue. Tanging mga ilaw na hugis buwan lang ang nag-uunahan sa pagkislapan upang magbigay liwanag sa buong paligid. Pinagsawaan niyang igala ang paningin sa buong paligid. Saka pa lang niya napansin na malapit pala ang venue na ito sa tabing dagat. She took a step forward. With every step she takes, a crystal ball with a light inside moves around. Sa sobrang pagkamangha niya para na siyang iiyak. Naaaliw siya sa bawat hinto ng crystal ball sa pag ikot may mensahe itong pinaparating sa kanya. Kinuha niya ang rose handkerchief at pinahid ang luha na nagsisimula na sa pagpatak. HIndi niya inaasahan na napaka-intimate at romantic ng anniversary date na hinanda sa kanya ng asawa. Sinundan ng kanyang mga hakbang ang direksyon kung saan naroon ang lahat ng crystal balls na nagpapalitan sa pagbibigay ng liwanag sa paligid. Excited siyang mabuo ang m
Samantalang sa loob ng ospital sinuntok ni Seidon ng ilang beses ang sementadong wall nang makita ang sitwasyon ng kanyang ina habang nakahiga ito sa hospital bed. Isa na itong malamig na bangkay. “I’m sorry, bro. Hindi ko rin alam kung paano nakapasok ang suspek sa silid ng iyong ina upang patayin siya.”Hindi pa man nasagot ni Seidon ang kaibigang chief nang biglang may dumapo na mabigat na kamay sa kabilang pisngi niya.SLAP! PAK!“D–Dad?” Puno ng pagkasuklam at galit ang nakikita niya sa mga mata ng ama. "You are such a disgrace to our family, Seidon!"Dahil sa narinig, naninigas ang panga ni Seidon na humarap sa ama. Ginalaw niya ang panga upang mapigilan ang anumang emosyon na maaring tumulak sa kanya upang umiyak."Because of that arrogant wife of yours, you let your mom die!" Galit nitong sigaw at dinuro siya."Don't involve my wife in our issue, Dad." Nakatiimbagang niyang sagot sa ama. Maging ang kamao niya nakahanda na rin anumang mangyari. sa pagsapak sa ama.“Ha! Paano
Sa mga ganitong oras, si Dharylle hindi na kayang bilangin ang bilis ng heartbeat niya. Kanina pa siya kinakabahan. Ilang beses niyang tinawagan si Seidon ngunit hindi sumasagot. Alas dyes na ng gabi. Ang kaninang excitement niya sa dinner date nila ay nawala lahat dahil sa kabang nararamdaman niya. Hindi naman excitement itong nararamdaman niya. Tinawagan niya si Jethro.“Jethro, nasa ospital pa rin ba kayo ngayon?”“Ako Ma’am nasa ospital pa rin. Pero si Boss mga isang oras nang umalis. Hindi nga ako hinintay eh. Bakit wala pa rin ba siya?”Nahawakan ni Dharylle ang dibdib dahil sa narinig. “W..wala pa rin siya. Hindi ko na siya makontak.” Bumagsak ang luha niya.“Huh? Sandali Ma’am, susundan namin siya.” Natarantang sagot ni Jethro.Nanginginig ang kamay ni Dharylle na tinawagan ang Kuya niya. Dapat kanina pa niya ito ginawa. Ilang ring pa ang ginawa niya bago siya nito sagutin. “Kuya,”“Dharylle?” Halatang namamaos ang boses ng Kuya niya. Parang nanggaling ito mula sa himbing na p
“Seidon, lumaban ka, paano na lang ang kumpanya kapag nawala ka?”Napalingon si Jethro nang marinig na may humihikbi sa likuran niya. Nakita niya si Donya Sonia na pinipilit pahirin ang luha kahit wala naman lumalabas sa mga mata nito. Napaismid siya. Kanina lang parang gusto ng mga itong patayin ang Boss niya. Ngayon halata naman na kaplastikan lang ang ipinakita ng mga ito dahil nakaabang ang media sa loob at labas ng ospital. Lahat ayaw magpahuli sa balita tungkol sa sitwasyon ng batang CEO. "Tsk..tsk..mabuti pa ang maskara mapagkamalan pang totoo, ngunit ang mga kamag-anak ng boss niya purong peke lahat."May binubulong ka ba?"Lumingon si Jethro sa Donya. "Wala naman Donya Sonia. Nagdadasal lang ako na sana iligtas ng mga Doctor si Boss dahil kailangan siya ng Albrecht."Hindi sumagot ang Donya. Nagpatuloy lang ito sa pagpahid ng pekeng luha. Saka palang na napansin ni Jethro na halos lahat ng kamag-anak ng Boss niya na pinalayas niya kanina nandito pala lahat nakaabang sa laba
Ang tagpo ng madaling araw na iyon ay hindi nakaligtas sa mga mata ni Rhayan. Magdamag din siyang nanonood mula sa kanyang cellphone upang malaman ang status ni Seidon. Walang cctv footage sa loob ng surgery room kaya hindi niya malalaman kung ano ang totoong status nito. Kung hindi pa lumabas ang doctor mula sa surgery room hindi rin niya malalaman ang status ng bayaw niya.Sinulyapan niya ang kapatid. Tulog pa rin ito. Nagising na ito kanina ilang oras after ipanganak ang kambal ngunit pinili niyang sabihin sa Doctor na patulugin ulit ito. Ayaw niyang umabot sa punto na maghysterical ito para lang puntahan si Seidon.“Dad,” tawag nya sa ama na ngayon malalim pa rin ang iniisip. Mula ng dumating ito kanina, hindi na maipinta ang mukha nito. Halatang maraming iniisip. Binalingan siya nito.“Anak, puntahan mo ang Skylan. Ako na ang bahala sa kapatid mo rito. Make sure na rin na safe lahat ng mga kapatid mo.”Mahinang tumango si Rhayan. “I’m sorry Dad, mukhang nailagay ko pa yata sa k
Hindi makuha ni Larry kung ano ang pinupunto ni Soleil. Hanggang sa mag ring ang cellphone niya. Nagtaka siya dahil isang himala na tumawag ang Director General nila. Agad niyang sinagot. “Sir–”“Larry..saan ka?” Hindi pa man natapos magsalita ni Larry nang inagaw na ng Boss niya ang kanyang pagsasalita. Lumayo muna siya ng ilang hakbang upang hindi marinig ang kanilang pinag-uusapan.“Nasa ospital, Sir. Kasalukuyang in-imbestigahan ang kaso ni Donya Victoria Albrecht.”“Sino ba ang prime suspect?”“Si Dharylle Crawford, Sir. Siya ang nakita na pumatay sa Donya.”“What do you think the main reason kung bakit gagawin ni Dharylle iyon sa ina ng kanyang asawa?”“Ayon sa pag-iimbestiga namin matagal nang may alitan ang dalawa. Laging pinapahiya ng Donya si Dharylle at ito ang nag-udyok sa babae upang patayin ang matanda, Sir”“Larry, sa tingin mo sapat na basehan na iyon upang gawin iyon ni Dharylle?”“Iyon lang ang nakikita kong dahilan para gantihan niya ang matanda, Sir.”And you su
"Boss, may I know why you suddenly changed your mind?" Binuksan ni Atty Bennet ang hawak na attache case at may kinuha sa loob niyon.“If you can't manage the one month I'm asking, just let me know, Atty.” Halatang nairita si Seidon sa abogado niya kaya iba ang kanyang sinagot.Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Atty Bennet. Kahit pa matagal na siyang nasa serbisyo bilang personal na abogado ni Seidon Albrecht hindi pa rin niya makuha ang timpla ng mood nito. Magtataka pa ba siya? Simulat sapul naging Client niya ito lagi na itong pabago-bago ng desisyon. Sa asawa lang yata nito hindi nagbabago ang nararamdaman. “ I can still manage, Boss.” sagot na lang niya at iniba ang topiko. “Siya nga pala. Dala ko ang ebidensya kung sino ang babaeng nagpanggap bilang asawa mo upang patayin ang iyong ina.” Binigay niya ang dokumento na may kasamang ilang litrato.Nag-iba ang ekspresyon ng mukha ni Seidon. Inunat niya ang kamay upang tingnan ang mga pictures. Hindi maganda ang pagsalub
Si Seidon isang mata lang ang nagawang ipikit nang makita ang Father in law niya.“Seidon,” tawag ni Dustin. Hinila nito ang wooden chair at umupo sa harap ng kama ni Seidon.Umamin ang mga mata ni Seidon dahil nagdilat na rin ito tanda ng pagsuko sa kanyang pagpapanggap. “D..Dad.” mahinang wika niya.“Kumusta ang pakiramdam mo?” seryosong tanong ni Dustin.Pinilit ni Seidon ang bumangon. “There’s no need to do that. Hindi ka pa fully recovered.”Mahinang bumalik siya sa paghiga. “I’m sorry Dad.” Una siyang humingi ng tawad dahil sa pagpapanggap niya. “Kumusta si Dharylle?”“Ano pa nga ba ang inaasahan mong mangyari sa anak ko gayung akala niya na comatose ka?” Sinuri ni Dustin ang pinsala na natamo ng katawan ni Seidon. “Anong nangyari?”Ilang beses muna na naglunok ng laway si Seidon. Hangga't maaari sana ayaw niyang ibahagi ang problema niya sa pamilya ng asawa niya.“Seidon, alam ko ang nararamdaman mo dahil ganyan din ang ugali ko. Ngunit sa pagkakataong ito hindi mahalaga ang