THANK YOU SA PAG-AABANG NG STORY. JUST WANNA ASK, ANO ANG PINAKANAGUSTUSHAN N'YO SA STORY NI LOVE GAME? ANG CHAPTER NA ITO, AY PARA SA LAHAT NG NAGBIBIGAY NG GEMS. MARAMING SALAMAT PO SA INYONG LAHAT..
"Master, parating na po ang chopper, " narinig niyang wika ni Mr. Stuart mula sa earpiece na suot niya."Copy," mabilis niyang sagot habang isinuot ang bullet proof vest kay Rhayan at Rihanna upang may proteksyon ang katawan ng mga ito sakaling lumabas sila. Dalawa lang ang bullet proof vest na nakita niya sa loob ng sasakyan, kaya minabuti niyang ipa-suot ito sa mag-ina niya.Bang! Bang!“Ahhh! Daddy, I’m scared. Are we going to die?” umiiyak na tanong ni Rhayan ng tumama ang bala sa tinted glass window ng kanilang sasakyan. Niyakap ni Rihanna ang anak, upang maibsan, ang takot na nararamdaman nito. Puno ng pag-alala ang kanyang mga mata habang nakatingin kay Dustin.Mabuti nalang at isang Alpine’s armored Bentley Bentayga bulletproof car ang kanilang sinakyan, kung nagkataon, kanina pa tinamaan ng mga bala ang mag-ina ni Dustin, sa loob. Sinadya niyang ito ang gamitin, dahil kakambal ng pamilya niya ang panganib sa daan. Protektado sila ng sasakyan na ito against bullet such as 7.62
Halos dalawampung Dragon Knights na ang napatay nila, ngunit patuloy pa rin sa pagdami ang grupo ng ng mga ito na hindi nila alam kung saan nanggaling. Tila ba alam na ng mga ito na dito sila sa dadaan sa rooftop. “Tangina,” mura ni Dustin sa sarili. May traydor talaga sa mga tauhan niya, at alam ng mga kalaban ang bawat plano at galaw niya. Sa oras na malaman niya kung sino ang traydor, maghanap na ito ng butas ng karayom na pwedeng pagtaguan, dahil siguraduhin talaga niyang siya mismo ang papatay. Gulat ang mga Dragon Knights, dahil sa dami nila, ngunit nahihirapan pa rin silang lapitan ang mag-ina. Ito lang naman ang inutos sa kanila. Ngunit hindi nila inaasahan na ganito pala kalupit kapag lumaban si Dustin. Ang alam nila, pinuno ito ng Black Dragon, which is kaya na rin nilang pantayan, dahil, lahat ng training ng Black Dragon, itinuro na rin sa kanila ng mahabang panahon. Ngunit nakapagtataka dahil lahat sila, halos nakaramdam ng panghihina sa bawat tama ng mga sipa nito sa k
Palaisipan para kay Dustin ang sinabi ng assassin, wala siyang kaalam-alam na buhay pa pala si Shane, gayung pinatay na ito ng mga tauhan niya. Talagang may mali, at iyon ang aalamin niya kya Scarlet Blade. “Saan ngayon si Lady S na sinasabi mo,” muling tanong niya rito. Hindi pa man sumagot ang assassin na tinanong niya, ng bigla na lang sumabog ang ulo nito. “Fuck!” mura ni Dustin ng matalsikan ng dugo ang damit na suot niya, kahit ang mukha niya, nahilamos rin ng maraming dugo galing sa sumabog na ulo ng assassin na kausap niya. Sinulyapan niya ang iba pang mga kasamahan nito na hindi pa niya tinanong. “Kung balak mo pa na magtanong sa amin , ikinalulungkot ko, wala kang makukuhang impormasyon galing sa amin. Kung gusto mo kaming patayin, gawin mo, aamin man kami at sa hindi, kamatayan pa rin ang naghihintay sa amin.” After the assassin's words, Dustin scowled at him. He already understood what he meant; they all had a microchip implanted in their skulls to explode when they br
Pagpasok sa loob ng private jet, agad na kinuhanan ni Rihanna ng pamalit na damit si Dustin. Ayaw naman niyang makita ng mga magulang niya, ang sitwasyon ni Dustin na nakakalat ang dugo sa damit. Baka isipin ng mga ito kung ano na naman ang nangyari sa kanila.Maingat na pinahiga ni Dustin si Rhayan sa malambot na kama sa loob ng private jet habang natutulog la rin ito."Luv, magpalit ka muna ng damit," saad ni Rihanna nang makalabas na si Dustin mula sa cabin ni Rhayan.Nakapamulsa na tinitigan ni Dustin ang asawa, habang kinukuha ang Plain White long Sleeve polo mula sa kamay nito. Bumaba ang kanyang tingin sa tiyan nito, bigla siyang na-excite na makita itong lumalaki."Bakit?" Kunot ang noo na tanong ni Rihanna. Hindi siya sumagot, bagkus puno ng pagmamahal niya itong niyakap ng mahigpit."Thank you, wife. Sa lahat ng yaman na binigay ng Diyos, ikaw ang pinakamahalaga para sa akin. Araw-araw akong nagpapasalamat sa kanya dahil sa lahat ng babae na dumaan sa buhay ko, ikaw ang nagm
Kasalukuyan silang magkaharap sa hapunan sa loob ng palasyo ng maalala ni Rihanna na tanungin ang kanyang ama. “Dad, di ba sabi mo, mag best friend kayo ng daddy ni Dustin? Nandoon po ba kayo sa hospitall noong mga panahon na ipinanganak siya at nanganak din si mommy, kay Kuya Daniel?” Sandaling nag-isip ang hari bago sumagot. “Sa naalala ko, naunang nanganak ang mommy mo kay Daniel. Siniguro kong nilagay ng nurse si Daniel sa Nursery room. Nagkataon naman na tumawag sa akin si Santiago, ang daddy ni Dustin. Manganganak na raw ang asawa niya, kaya doon niya rin sa hospital dinala ang asawa kung saan ang mommy mo nanganak. Ang nakapagtataka lang dahil, nang e-request ng mommy mo si Daniel, dahil gusto niya itong makita, wala na raw ito sa loob ng nursery room. Syempre nagulat ako, paanong nangyari na nawawala si Daniel, kitang-kita ko na doon siya dinala. Pero si Dustin lang ang naiwan sa loob at wala na si Daniel.” mahabang paliwanag ni King Rhiannon. “Ang nakapagtataka lang po k
“Luv, dahan-dahan lang ha, ‘wag lang yung masyadong masakit.” mahinang saad nito habang papalapit sa kanya.Agad naman piningot ni Rihanna ang tainga ni Dustin ng makalapit na ito sa harapan niya.”Array, Luv, naman, masyado mo na akong sinasaktan,” reklamo nito.“Bakit, gusto mong umangal?” nagtitimpi na tanong ni Rihanna. Nainis siya sa ginawa nito kanina.“Hindi, panalo ka na,’’ sagot agad nito. “Ano tapos ka na ba?” dagdag nitong tanong.“Bakit?” tanong ni Rihanna.“It's my turn,” pagkasabi, agad niyang binuhat si Rihanna at inakyat sa kwarto nila.Napapa-iling na lang ang dalawang matanda dahil sa kakulitan ng mag-asawa. Muling binalingan ni King Rhiannon ng makahulugan na tingin si Donya Alice. Mukhang nahulaan nman ng huli ang mga titig nito.“Ay naku, Rhiannon, ‘wag ako, mga matatanda na tayo para gayahin pa ang ginagawa ng mga anak mo.” Tumayo na si Donya Alice, at hinahanap ang kanyang cellphone. Tinatawagan niya si Drake, ngunit hindi ito sumasagot. Naka off ang cellphone nit
Isinandal ni Drake ang likuran sa headboard ng kama, habang nakatitig sa babaeng katabi niya. Tulog pa rin ito, hindi niya akalain na birhen pa ito nang makuha niya. Nasabunot niya ang buhok. Naguguluhan siya ngayon, kung ano ba talaga ang nararamdaman niya. Maraming tumatakbo sa isipan niya at nagpapadagdag lalo ng sakit sa kanyang ulo. Masyado siyang maraming nainom kagabi, at hindi na siya nakapag-isip ng maayos. Pakiramdam niya nag take-advantage siya sa sekretarya niya, porket alam niyang may gusto ito sa kanya. Tumagilid paharap sa kanya si Freya at niyakap ang baywang niya habang nakaidlip pa rin ito. “Freya,” mahinang tawag niya. Alam niyang gising na ito, ngunit ayaw pa nitong magmulat ng mata. “Sorry,” sa wakas naisatinig niya. Hindi niya alam kung humihingi ba siya ng sorry dahil ginalaw niya ito na kahit walang pagmamahal na namamagitan sa kanila, or humingi siya ng sorry, dahil hindi niya kayang panagutan ang nangyari sa kanila. Gulong-gulo talaga ang utak niya. Nasa kala
Abala si Rihanna sa pag-tipa ng mga codes laptop niya, ng biglang bumukas ulit ang pintuan ng kanyang opisina at ini-luwa ang fresh na fresh na mukha ng kanyang asawa. Nakakunot ang noo niya ng makita ito.“Luv, bakit ka nandito?”Napangiwi si Dustin dahil sa bungad na tanong ng asawa niya. “Luv, talaga bang ganyan ka? Sa tuwing pumupunta ako rito ‘yan kaagad ang tinatanong mo? Your my wife, hindi pa ba sapat na dahilan ‘yan kung bakit ako nandito?”“Dustin, alam mo parang ikaw na yata ang naglilihi ngayon, isang tanong lang iyong akin, dami mo nang sat-sat.” Doble na yata ang bunganga mo ngayon.” sermon ni Rihanna habang patuloy sa pagtipa sa laptop niya.Pumunta si Dustin sa kanyang likuran at hinalikan ang batok niya, dahilan upang panayuan siya ng balahibo.“Dustin ano ba, nawawala ako sa focus.” saway niya rito.Tiningan ni Dustin kung ano ang ginagawa niya, nagtataka itong nagtanong. “Bakit kaninong system na naman ba ‘yang kinakalkalikot mo?”“Kay Kuya Drake, nagresign kasi siy