Hindi mapigilan ni Dustin ang kanyang mga luha sa pagpatak, habang tinititigan si Rihanna, na naglalakad sa gitna ng aisle. Nanlalabo ang mga mata nito habang nakangiti sa kanya. “This is it,” usal niya sa sarili. Nagtagumpay siya na matuloy ang kasal nila. Matagal niya itong pinagplanuhan, at kahit gumastos man siya ng malaki, ang mahalaga matuloy ang kasal nila ni Rihanna. Kahit asawa niya, hindi alam na meron palang double wedding na nagaganap. Ang isang bride ay si Raiza na nagpanggap bilang Rihanna at si Soleil na nagpanggap bilang Mr. Stuart. Sinadya niyang ipakalat ang oras at lugar ng kasal nila ni Rihanna, dahil alam niyang lalabas ang mga kalaban niya. Nagpagawa siya ng kamukha ni Rihanna at Mr. Stuart, upang sila ang maging focus ng atensyon ng mga kalaban niya. At ngayon, alam niyang kasalukuyan ng hinuhuli ang mga ito ng buong Black Lion. “Bro, nag change mind ka na ba? Kanina pa naghihintay ang asawa mo na sunduin mo sa gitn ang aisle.” Napabalik siya sa kanyang sarili
ONE MONTH LATERHabang abala siya sa pag-iimpake ng mga gamit na dadalhin niya, nahagip ng gilid ng kanyang mata si Drake na nakatayo sa pintuan ng kanyang silid. Nagtataka niyang binalingan ito.“Kuya, may kailangan ka ba?” tanong niya rito at muling itnuon ang sarili sa pagtutupi ng mga damit nila ni Dustin at pinapasok sa loob ng maleta. Naramdaman niyang mabigat ang mga paa ng Kuya niya na pumasok sa kanyang silid at umupo sa couch. Hindi maipinta ang mukha nito habang nakatingin sa kanya.“Talaga bang doon na kayo mag stay sa New Hampshire?” malungkot nitong tanong.“Kuya, hindi naman porket doon kami titira, hindi na kami babalik rito, baka nakalimutan mo, zillionaire ang asawa ko, kahit na araw-araw gawin kung balkonahe itong Wales mula sa New Hampshire, pwede kong gawin iyon." Nakangiti niyang sagot at saka idinagdag. "Gusto lang namin ni Dustin na roon tumira sa New Hampshire, dahil nandoon ang main branch ng DC Bank Corp. Isa pa nagustuhan ko rin ang nabili namin ni Dustin na
DRAKE DANIEL SMITHSMITHCOM CORPORATION (CONFERENCE ROOM)Walang ekspresyon ang kanyang mukha habang nakikinig sa monthly reports ng kanyang mga manager na naka assigned sa bawat departamento. Lumilipad ang utak niya sa kung saan-saan. Hindi niya alam kung ano ang kanyang nararamdaman sa mga oras na ito. Laging bumabalik sa ala-ala niya ang mukha ng batang karga ni Freya kanina. Naglakas-loob na sana siya na puntahan ang apartment na tinitirhan nito, ngunit hindi niya inaasahan na mayroon na itong isang taong gulang na anak na lalaki. Gusto na sana niyang maniwala na sa kanya ang batang iyon, dahil pinagbiyak sila ng bunga, ngunit nadismaya siya ng malaman na may kinakasamang lalaki ito sa loob ng apartment. Nakuyom niya ang kamao, dahil sa naalala niyang eksena kanina. Nagmumukha lang siyang tanga na pumunta roon para lang ma realized na wala na pa lang pag-asa sa kanila ni Freya. “And currently, the sales revenue of Ulysses advertising company has decreased by 20%, due to…”“Due to
Si Gavin na nakatayo sa labas ng VIP room, ay nagulat ng biglang binigay sa kanya ng kanyang boss ang bouquet ng bulaklak. Isang taon na siyang personal body guard nito. Galing siya sa Black Lion at personal na pinili nito at hiningi mula sa Master Dustin niya. Dahil ito na ngayon ang bagong boss niya, dito na rin niya binuhos ang buong atensyon niya upang pagsilbihan ito. Minsan hindi pa siya nasanay na nakikita ng lahat ang mukha niya dahil sanay siyang natatakpan ito ng maskara sa tuwing nasasabak sila sa laban. "Anong gagawin dito boss?" Tanong niya. "Dalhin mo, may pupuntahan tayo." Hindi na umimik si Gavin. Maingat na lang niyang dinala ang bouquet at sumunod sa mga hakbang ng kanyang boss. "Saan tayo boss?" Tanong ni Gavin, ng makapasok na sila sa loob ng sasakyan. "NDS Media Corp.,” seryoso niyang sagot, habang nakatingin lang sa labas ng bintana ng kotse. Nalaman niyang ito ang kumpanya ni Freya dahil tito ang pinakabagong kumpanya na sumikat kaagad sa loob lang ng isang
Pabalik-balik siya sa loob ng kanyang opisina, hindi alam kung ano ang gagawin. Kanina pa niya hawak ang cellphone, ngunit hanggang titig lamang siya sa mga numero ni Drake. Idadayal niya ito, at muling papatayin kapag sinusumpong siya ng pride niya. Mula pa kanina iyon ang paulit-ulit niyang ginagawa, ngunit sa tuwing naalala na naman niya ang daddy niya na baka malaman nito ang nangyari kanina sa Presscon, tiyak na ilalayo sila ng anak niya sa lugar na ito. Nagsimula na siyang magbagong buhay. Inaamin niyang hindi pa niya nakalimutan si Drake, at hanggang ngayon ito pa rin ang lalaking tinitibok ng kanyang puso. Ngunit kapag iniisip niya ang mga nakaraan na nangyari sa kanila, at ang lahat ng mga sinabi nito sa kanya, dumarating siya sa point na gusto na niya itong kalimutan. Sinulyapan niya ang anak na kasalukuyang natutulog sa crib sa loob ng kanyang opisina. Kahit saan siya magpunta, mapa-business meeting man or kahit anong okasyon wala siyang pakialam basta lagi niya itong kasama
Tipid lang siyang ngumiti rito, kahit na gustong-gusto na niya itong halikan at yakapin ng mahigpit. Sobrang sexy nito sa kulay red nitong suot na fitted dress at hinayaan lamang na nakalugay ang mahabang buhok. Sobrang saya niya dahil sa wakas nagkita ulit sila. “No, its okay, I waited for you, knowing full well that you'd be late,” sagot niya dahilan upang makita niya ang pamumula ng pinsgi nito na halatang nahiya dahil sa sinabi niya. Lihim siyang napangiti dahil lalong gumanda ito kapag namumula. Hinila n’ya ang upuan para rito at hinintay muna itong makaupo. Umikot na rin siya sa kanyang upuan at umupo na rin sa harapan nito. “Ahmm, Drake, hindi rin ako magtatagal, dahil kailangan ako ni Nathan, alam kong iiyak iyon kapag hindi niya nararamdaman ang presensya ko.” ramdam niya ang pakikiusap nito sa kanya at naiintindihan naman niya dahil anak niya rin si Nathan. “Okay, “ tipid niyang sagot “Ang tungkol doon sa pinag-usapan natin kanina..” “Let’s eat first,” agaw niya sa sasa
Mabilis ang kanyang mga hakbang na nilisan ang Skyview Hotel. Pagpasok sa loob ng sasakyan, agad siyang tinanong ni Gavin."Saan tayo boss?" Tiningnan niya ang boss mula sa front view mirror. Busy ito sa pagtipa sa cellphone niya. "Hello Tim, saan kayo?" tanong ni Drake ng sagutin na nito ang tawag. Si Tim ang alalay niya na kinuha rin mula sa Black Dragon, ang siyang pinasubaybay niya sa bawat galaw ni Freya."Sinusundan ang sasakyan ni Ma'm Freya, boss," sagot din nito mula sa kabilang linya."And, where is it?" naiirita niyang tanong."Pabalik po sa kanyang condo sa Strata North Wings."Matapos marinig ang sagot nito agad niyang pinatay ang tawag at binalingan si Gavin."Strata North Wings," utos niya. Tumango si Gavin at sinimulan ng paandarin ang kotse.Trenta minutos ang nakalipas, pumarada ang kanilang sasakyan sa harap ng Strata North Wings Condominium. Matagal munang nagmasid si Drake mula sa loob ng sasakyan. Tiningnan niya ang hanggang 50th floor na taas ng condominium. M
Iwinaksi na muna niya ang katanungan sa isipan niya. Sandali niyang tinago ang sulat na iyon sa bulsa ng pantalon niya. Nagmamadaling kinuha niya ang pares ng kulay pulang silk short sleeve pajama nito at ipinasuot iyon, kay Freya. Matapos niya itong bihisan, sinuri niya ng maigi ang mga pasa sa katawan nito. Nagtaka siya na pumunta ng banyo at sinuri ang loob. Wala naman siyang nakita na kaduda-duda na pwedeng pasukin si Freya, dahil mataas naman ang bintana ng banyo at walang pwedeng daanan dahil nasa 40th floor ang unit nito. Tumingala siya at nakita niya ang nakaawang na access panel na halatang binuksan dahil hindi maayos ang pagkatakip nito. "Tangina!" Napamura siya sa naisip. Nagdikit ang dalawang makapal na kilay niya ng maisip na posibleng dito dumaan ang taong may gawa nito kay Freya. "Mahuhuli lang kita, tangina!" Tumigas ang buto ng panga niya, dulot ng paggiling ng kanyang mga ngipin. May nagtangka sa buhay ni Freya. Hindi niya alam kung ilang beses na nangyari ito sa bab