thank you po sa palaging pag aabang ng kwento ni drake at freya. daily update po ito, pero hindi fixed kung ano oras ipublish. sana masilip nyo rin ang bagong story ko, ang Amazing Twins: Mommy we found our scumbag daddy. maraming salamat po.
Pak! Pak! Pak! Halos nagkasugat-sugat na ang mukha ni Roldan Ramirez ng paulanan siya ng suntok sa mukha ng kanyang Kuya na si Bansoy, ang lider ng Wolf Gang. “Kuya, tama na po, hindi ko po alam kung ano ang kasalanan ko sa inyo!” parang iiyak siya habang tinatakpan ng dalawang kamay niya ang kanyang mukha upang protektahan ito sa mga susunod pang suntok ng Kuya niya. Maraming siyang mga tauhan na nakatayo sa palibot at nakatingin lang sa kanya sa takot na kapag tinulungan siya, ang mga ito naman ang pagbuntunan ng galit ng kanyang kuya. “Magtatanong ka pa, Ogag ka! Kakalabas mo lang ng kulungan, binigyan mo na kaagad ako ng sakit ng ulo!” sigaw ni Bansoy at muling sinipa si Roldan sa tiyan, dahilan upang mamilipit ito sa sakit. “Hindi ko nga po alam kuya, bakit, ano ba ang kasalanan ko?” muling tanong niya. “Kanino ang batang pinadukot mo sa mga tauhan ko!? Nagpipigil sa galit si Bansoy at baka makalimot siya at mapatay niya ang kanyang kapatid. "Anak ni Drake Briones 'yon kuya.
“Soleil, nakalabas na ba ang Doctor?” tanong agad ni Dustin ng dumating sila sa loob ng hospital. Hindi alam ni Soleil kung paano sagutin si Dustin, dahil nakita niya si Freya. Nag-aalala siya na baka hindi makakabuti para rito ang sasabihin niya. Lumipat ang tingin niya kay Rihanna at bumaba sa tyan nito. Gustong bumuka ng bibig niya ngunit wala siyang lakas ng loob upang magsalita. Nang maalaala niya ang sinabi ng Doctor, nag-ipon siya ng lakas ng loob upang sabihin ang kalagayan ni Drake.“Master, kausap ko ang Doctor kanina, sinabi niyang 20% lang ang survival rate ni Boss Drake, dahil tumagos ang bala sa puso niya, kasalukuyan siyang comatose ngayon at hindi maganda ang heartbeat. Pero may posibilidad na tumaas ang chance of survival niya kung sa Cleveland po siya dadalhin since maraming magagaling na heart surgery specialist doon.” “Sabihin mo sa piloto, ihanda ang private jet. Ngayon mismo, kokontakin ko ang Cleveland.” utos kaagad ni Dustin. Hindi na siya nagsasayang ng oras
Matapos bumaba ng sasakyan ni Freya, dali-dali siyang umakyat ng kanyang opisina. Naabutan pa niyang nagkakagulo lahat ng kanyang empleyado habang nakatayo sa harapan ng kanyang opisina. Nang makita siya ng mga ito, mas lalong lumakas ang bulong-bulongan sa paligid niya. “Do we have a problem?” tanong niya sa mga ito, dahilan upang tumahimik ang lahat at nanatili lanng nakatingin sa kanya. Hanggang sa may isang matapang na unang nagsalita. "Madam President, I've decided to resign from my position and would like to collect my final paycheck. I don't want to wait for something horrible to happen to me before I decide to leave.” “Miss President, me too, I want to leave,” “Add me to the list of employees who are leaving, Miss president.” Sumakit bigla ang ulo ni Freya, ng halos lahat, ng mga empleyado ay nagpaalam ng umalis sa kanyang kumpanya. Ngunit wala siyang magagawa. Ang katulad ng mga ganito uri ng empleyado ay hindi niya kailangan sa kanyang kumpanya. Pinagtibay niya ang kanya
"Jusko, Freya, saan ka ba nanggaling? Bakit basa ka, anong nangyari sa 'yo?" Bakas ang pag-alala sa mukha ni Rihanna ng makita si Freya na pumasok sa loob ng palasyo at maraming putik ang mga paa nito. Tiningnan niya ang oras na nakasabit sa wall. Almost 12 midnight na ng dumating ito. Sinadya niyang hintayin ito kahit antok na antok na siya."Si Nathan?" Imbes na sagutin siya ni Freya, si Nathan ang tinanong nito sa kanya."Nasa loob na ng silid nyo ni Drake. Sinamahan muna ng yaya niya na in-assign ko para magbantay sa kanya. Ako na ang nag timpla ng gatas ni Nathan kaya busog na rin iyon," sagot niya habang hindi pa rin maalis ang tingin sa itsura nito."Ganun ba, maraming salamat Rhi," nakangiting sagot nito sa kanya at nagsimula ng tumungo sa silid nito.Nakailang hakbang pa lang so Freya ng marinig niyang nagsalita muli si Rihanna."Hindi mo pa sinagot ang tanong ko kanina. Anong nangyari sa 'yo?"Muli na namang nagbabadya ang mga luha ni Freya. Kahit siya, hindi rin alam kung a
Kasalukuyang nagpapalinis si Alexandra ng kanyang kuko sa Salon De Luxe ng magring ang kanyang telepono at si Vince ang tumatawag. "Kumusta ang pinapagawa ko sa'yo?" Bungad agad nito sa kanya. "Ayos na 'yon. Sigurado akong tagumpay ang plano," nakangiting sagot ni Alexandra kay Vince. "Tang'na! 'Yan na naman tayo sa pakasigurado mo! Ayoko ng maulit ang nakaraang plano ko na pinalpak mo lang!" Naiinis na kinamot ni Alexandra ang tainga niya dahil sa biglang pag sigaw ni Vince, sa kanya. "Oo nga, malinis ang trabaho ko! Sigurado ako niyan! Pumalpak lang naman ako nakaraan dahil hindi ko alam may iba pa palang kalaban si Drake. Malay ko ba na sa ganoong araw at oras din sila aatake!" Katwiran niya rito. "Siguraduhin mo lang talaga Alexandra, malaki na ang binayad ko, kapag pumalpak ka pa ngayon, ikaw ang sisingilin ko!" "Ang dami mo namang dakdak, Vince. Pupunta ako mamayang gabi diyan sa unit mo. Alam kong kailangan mo lang ng init ng katawan ko," puno ng kalandian na wika ni Alex
"Put*ng Ina Vince, ano na naman ang ginawa mo!?" Bulyaw ni Chairman Aldeguer sa anak, parang gusto na niyang sapakin ito. "T..teka Dad, bakit?" Nagtataka na tanong ni Vince habang nakatingin sa galit na anyo ng ama."Magtatanong ka pa!? Iyan! Tingnan mo ang malaking project na dapat sana sisimulan na ngayong araw ngunit binasura ng mga investors dahil sa utos ng SmithCom!" Sabay hampas ng kanyang ama ng mga dokumento sa mukha niya. Paano naman pag initan ng SmithCom ang kumpanya nila gayung comatose ngayon si Drake? tanong niya sa sarili."Ngayon, nakapag nilay ka na!? Alam mo bang sa ginawa mo, ang pinakahuling proyekto na pag-asa natin upang makabangon, ay naging bato pa!?" Galit na galit ang kanyang ama habang nakapamewang sa harapan niya."Dad, alam mo naman na pinag-iinitan tayo ng SmithCom di ba?""Dahil yan sa kagagawan mo, Gago ka!" Singhal ulit nito sa kanya dahilan upang mapaatras siya sa kinatatayuan ng akma siyang suntukin ng kanyang ama."Putang anak ka Vince, punong-puno
ONE MONTH LATER"Welcome back bro," nakangiting bati ni Dustin kay Drake, habang hinihintay ang pagpark ng private jet nito mula sa runway."Thanks bro," tipid na ngiti ni Drake at bakas sa mukha ang excitement. Ngayong nandito na siya sa Wales pakiramdam niya nabuhay lahat ng lakas niya. Nagagalak na talaga siyang makita ang kanyang mag-ina. "Diiiiii..!" umangat siya ng mukha, pagbaba niya ng private jet narinig niya kaagad ang malamyos na boses ng babaeng mahal niya. Karga nito ang kanilang anak na pakiramdam niya isang taon siyang nawala dahil bigla itong lumaki. Mahigit isang buwan lang siya napalayo sa mga ito ngunit tila marami ng nagbago. Kumaway siya at patakbong sinalubong ang kanyang mag-ina. Magbago man ang lahat isa lang ang tinitiyak niyang hindi magbago—at iyon ang pag-iibigan nila ni Freya. "Miiii.." mabilis niyang niyakap si Freya. Kinuha niya si Nathan at niyakap rin ito. Sandaling nag-usap ang mga mata nila Freya, at ramdam nila ang pagka sabik sa bawat isa. "I miss
“Ano ang kailangan mo?” galit na tanong ni Mr. Stanley sa kanya, pagpasok niya sa opisina nito. Kahit hindi siya nito inalok ng upuan, siya na ang kusang nag welcome ng sarili niya at umupo sa upuan sa harapan ng table nito. “Mr. Stanley, nandito ako, upang hilingin sa’yo na gusto kong pakasalan ang anak ko mo.” “Huh, at sa tingin mo ganun lang kadali iyon? Huwag kang umasa na papayag akong maikasal sayo ang anak ko. Lagi kong sinasabi kay Freya, kahit na ikaw pa ang pinakamayamang lalaki dito sa Wales, wala akong interest na ipakasal sayo ang anak ko, kaya nag-aaksaya ka lang ng pagpunta mo rito!” tutol agad nito sa gusto pa sana niyang sabihin. “Alam kong tutol po kayo sa akin para sa anak ninyo Mr. Stanley. Ngunit maari ko bang malaman kung bakit ganun na lang ang galit mo sa akin? Nagmamahalan po kami ng anak ninyo. Basbas nyo na lang po ang kailangan namin para matuloy ang pagmamahalan namin dalawa. Gaano ba kahirap para sayo na ibigay sa amin iyon?” “Itatanong mo pa? Ng dahil