Share

27. Olivia's Plan

[Olivia]

TUMINGIN muna siya sa paligid bago umakyat sa itaas. Tiyak na nag iinit na ngayon ang katawan ni Grant dahil sa gamot na inilagay niya sa inumin nito.

Alam niya na darating ngayon si Kiara. Kaya naman itinaon talaga n'yang gawin ang plano ngayong araw.

"Tingnan nalang natin kung ano ang magiging reaksyon mo kapag nakita mo kami ng mapapangasawa mo." Mahinang sabi niya na tila sarili ang kausap. Tanging roba lang ang suot niya.

Bakit pa siya magdadamit kung huhubarin din naman niya.

Pagdating sa tapat ng kwarto ni Grant ay hindi na siya kumatok. Dahil hindi naman naka-lock 'yon ay pumasok agad siya. Nagtataka man siya kung bakit patay ang ilaw ay hinayaan na lamang niya 'yon.

Pagkasara ng pinto ay nangapa si Olivia sa dilim. Halos mapunit ang ngiti sa labi niya ng bumangga siya sa isang tao, na alam niyang si Grant. Hindi na siya nagsayang ng oras. Agad na yumakap siya sa malaking katawan ni Grant at saka hinalikan ang labi nito.

Nabuhay ang init sa katawan ni Olivia ng guma
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status