Share

28. Share Bed?

[Olivia]

GALIT na galit na nagwawala siya sa kwartong pinagamit sa kanya ni Graciela. Hindi niya maintindihan kung bakit pumalpak ang plano niya. Tumayo siya at lumabas ng kwarto para hanapin ang kasambahay na inutusan niya.

"Hoy, ikaw." Turo niya sa kasambahay na si Mercy.

"Bakit po?" Nakayukong tanong nito. Halatang ayaw makasalubong ang galit n'yang tingin.

"Binigay mo ba talaga kay Grant ang juice na pinabibigay ko sa kanya?" Nanlalaki ang mata na tanong niya habang may pagdududa na nakatingin kay Mercy.

Walang mali sa plano niya kaya naman ito lang ang maari niyang pagdudahan. "O baka naman ikaw ang uminom!" Gigil na bintang niya.

Agad na umiling ang kasambahay na si Mercy. "Hindi ko po ininom. Sa katunayan ay nakita ko 'yong ininom ni Sir Grant. Kung gusto niyo ay maaari mo siyang tanungin. Nagsasabi po ako ng totoo." Nakayuko na paliwanag ni Mercy.

Natigilan siya.

Gigil man ay pinili niyang kumalma. Walang salita na tinalikuran niya ang kasambahay na si Mercy.

Samantala.....

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status