“AYUN! “
Napalingon si Brendon sa pinanggalingan ng malakas na tinig.
“Yong gagong ‘yon ang gumago sa akin sa loob ng selda.” Itinuturo siya ng lalake.
Maputi na ang buhok ng lalake. Humigit kumulang sa animnapung taon na ang idad.
Kumilos ito upang sugurin siya. Nasa mga mata ang labis na galit na sa wari ay handa siyang patayin sa gulpi.
Nangiti si Brendon. Sa tingin niya ay hindi kakayanin ng matandang lalake na pasugod sa kanya ang lakas ng kanyang kabataan.
Mayabang niyang iniliyad ang kanyang dibdib. Inilagay ang kanyang mga kamay sa kanyang balakang at hinintay na makalapit sa kanya ang matandang napopoot.
Nang bigla niyang maalala ang eksenang naganap sa selda 13, kung saan nakakulong ang lalaking iniutos ng kanyang ina na kanyang takutin, at bantaan na huwag ng tangkain pang tumakas sa kulungan dahil siguradong kamatayan lang ang sasapitin nito.
“Si Domingo Sabado!” Nasabi niya na biglang nahintakutan.
Agad siyang kumaripas ng takbo.
“HOY!” Narinig niyang sigaw nito.
Kumakalabog ang puso sa takot na tinulinan pa niya ang pagtakbo, na wari ay nakikipagkarera ng sprint running sa Olympics.
“Huwag kang pahuhuli sa aking hayup ka,“ narinig niyang hiyaw ng humahabol sa kanya, “durug ka sa aking gago ka oras na maabutan kita.”
Mabilis siyang nagpasikut-sikot. Walang takot na tinalon ang mga sasakyang nagdaraan.
“Siguradong paglalamayan ako kapag inabutan ako ng matandang ‘to.” Ang nasa isip niyang hindi man lang lumilingon upang hindi mabawasan ang bilis ng kanyang pagtakbo.
Hanggang sa makarating sa parking place ng isang shopping mall.
Nagpasikut-sikot sa mga sasakyang naroon, naghahanap ng sasakyang puwede niyang buksan upang magamit sa pagtakas kay Domingo Sabado.
Namataan ang isang sasakyang kilalang-kilala niya, pati ang nagma-may ari niyon.
Ang sasakyan ni Joanne Javier!
Ang sasakyang kabisadung-kabisado niyang distrungkahin.
*** ****
NAGWAWALA sa galit si Joanne.
“Paano nawala ang kotse ko sa parking space nang hindi n’yo nalalaman?” Nanggagalaiting tanong niya sa guard at tagabigay ng tiket sa parking space ng Shopping Mall.
“Ma’m, iniabot po sa akin ng nagmamaneho ng inyong sasakyan ang parking tiket n’yo,” inilabas ng taga-tiket ang. "heto po.”
Maliwanag na nakasulat sa tiket na iniwan niya sa glove compartment ang numero ng parking space na pinarkingan niya ng kanyang kotse, at nakasulat din doon ang numero ng plaka ng kotse niyang nawawala.
Isang tao ang agad niyang naisip, “si Brendon,” nasambit niya na sinundan ng pagmumura, “hayup talaga’ng hayup na ‘yon. Ni hindi man lang ako hinintay!” agad niya itong tinawagan.
“Bakit mo kinuha ang kotse ko nang walang sabi-sabi?” Sita agad niya.
“Emergency!” Sagot ng kanyang tinawagan.
“At ano namang emergency ‘yon?” Singhal niya sa kausap sa telepono.
“Nandito ko sa hotel. Puntahan mo ‘ko rito at dito ko na ipapaliwanag sa ‘yo ang lahat.” Pag-iwas ni Brendon na magpaliwanag.
“Pa’no naman ako pupunta d’yan, e, dala mo’ng kotse ko?” Pagtutungayaw ni Joanne.
“Mag-rent ka na lang ng car or mag-taxi ka!”
“Hayup ka talagang Brendon ka! Lagi ka na lang may dalang problema sa ‘kin!” Gigil na saad ng babae bago tinapos ang pag-uusap nila ng kausap sa phone.
Ang hindi niya namamalayan ay lihim na nakamasid sa mga kilos niya si Owen Garcia, ang anak-anakan ni Gemma Garcia.
*** ****
NAKARATING sa hotel na kinaroroonan ni Brendon si Joanne.
“Baka dito sila nagmi-meet ni Russell Rossell” Ang nasa isip ni Owen na lihim na binuntutan ang sasakyang naghatid kay Joanne.
Palihim at maingat niya itong sinundan. Ngunit nawala ito sa kanyang paningin at hindi malaman kung saang elevator nagpunta.
“Hey, Russell,” pagbati sa kanya ng isang babae, “si Joanne ba ang hinahanap mo,” tanong nito.
“Ha...e… nakita mo ba siya?” Pabiglang naitanong niya.
“Sa seventh floor, room 704,” pagbibigay alam nito sa kanya, “ikaw pala ang katagpo niya rito, ha?” kumindat ang babae na may halong malisya.
“A…e… s-sige. Thanks.” Pag-iwas na agad ni Owen.
Nagmamadali nitong pinuntahan ang elevator at agad pinindot ang numero 7 upang makarating sa seventh floor.
“Buti na lang at wala akong nakasabay,” bulong niya sa sarili, “magkakahirapan sa paliwanag kapag may nag-urirat sa ‘kin ng kung anu-ano.”
ROOM 704
“Bakit ka basta nagpunta rito,” usig agad ni Joanne kay Brendon, “Paano kung may nakakita sa ‘yo? Kung may nakakilala sa ‘yo?”
Hindi pinansin ni Brendon ang pag-aalala ni Joanne. Agad na inabot niya sa babae ang kopa ng alak kasabay sa paghalik sa bibig nito.
“Masisira ang mga pinaplano natin kapag nabisto ni Russell ang tungkol sa atin.” Pag-aalala pa rin ni Joanne.
“Huwag mong intindihin ang Russell na ‘yon,” puno ng kayabangang saad ni Brendon, “tanga ‘yon. Manang-mana sa ama niyang kayang-kayang paikutin ng mama ko,” panlalait pa nito sa mag-amang Rossel, "uminom ka muna!” utos iyon.
Walang pag-aalinlangang inubos ni Joanne ang alak na nasa kopa.
“Bakit mo ba itinakbo ‘yung kotse ko?” tanong niya sa kay Brendon na muling nagsasalin ng alak sa kopa na kanya pa ring hawak, “ano na naman ba’ng problema mo?”
“Wala! Nakatuwaan ko lang.” Pagsisinungaling ng lalake.
Hindi na muling nakapagsalita ang babae ng siilin siya ng halik ni Brendon, matapos niyang muling sairin ang alak sa kopang hawak.
Halik na gumapang sa kanyang leeg, humagod sa kanyang balikat at bumaba sa kanyang dibdib.
Mas naiibigan ni Joanne ang paraan ng pakikipagtalik ni Brendon. Ang matapang at walang pasintabing paggalugad ng mga palad nito sa lahat ng bahagi ng kanyang katawan.
Na nagpapakilig sa kanya. Nagpapainit sa bawat himaymay ng kanyang laman.
“Brendon…”
Waring hindi narinig ng lalake ang halos padaing na bulong niya. Nagpatuloy ito sa pagtatanggal ng kanyang saplot, habang ang mainit nitong palad ay patuloy na pinaiinit ang tila nagsisimula nang magbaga niyang katawan.
Nalaglag ang suot niyang damit sa kanyang paanan.
At katulad ng inaasahan ni Brendon, walang suot na panloob ang babaing laging handa sa “pakikipaglaban”.
“I love it!” Ibinulong ng lalake sa kanyang tainga, kasabay sa mahinang pagbuga ng mainit nitong hininga.
Napalunok ang babae. Sabik na hinintay ang inaasam nitong ibang pang gagawin ng lalaking kaharap.
At hindi siya nabigo sa kanyang inaasahan.
Bahagyang bumaon ang kanyang kulay pulang mahahabang kuko nang sinimulan nito ang paghalik sa kanyang kahubaran.
Alam niyang luluhod ang lalake sa kanyang harapan, at bibigyan siya nang mas matinding kasiyahan.
"Brendon..." Naibulong niya na puno ng pananabik.
Nang…
KRRRINNGG…
Sabay na napalingon ang dalawa sa pintuan .
“Room service!” ang narinig nilang wika ng tinig ng nasa labas ng pinto.
Inis na agad iniwan ni Brendon si Joanne upang buksan ang pinto. Ang gusto niya’y singhalin ang kung sino mang iyon na umantala sa nag-iinit na nilang mga katawan ni Joanne.
“Ipinadala po ng hotel manager ang pinaka-espesyal na alak ng hotel, para kay Mr. Russel Rossell,” natigilan si Brendon, “kayo po si Mr. Russel Rossell, right?”
“Ha? Ah… Oo! Oo, ako nga si Russell,” pagsisinungaling agad ni Brendon, “sige. Iwanan mo na ‘yan!”
Halos ipagtulakan na niya ang service crew ng hotel, na hindi niwasang tingnan ang babaing walang saplot na suot na nasa likuran ng inakala niyang si Russel Rossel.
**** ***
SHOCKED!
Napangangang hindi malaman ni Owen kung ano ang kanyang mararamdaman habang pinapanood ang video ni Joanne at Brendon, na palihim na kinunan ng service crew na kanyang binayaran.
...Na hindi agad niya napilit kumuha ng video sa pamamagitan ng kanyang cellphone..
“Sir, matatanggal ako sa trabaho, kapag nahuli akong kinuhanan ng video ang client ng hotel. Baka makulong pa ako!” Pagtanggi ng service crew sa ipinagagawa niya.
Inayos niya ang pagkakalagay ng kanyang cellphone sa bulsa ng polong suot ng service crew, kung paano makukunan ang nasa loob ng hotel room nang hindi mapapansin ng taong naroon.
“Sabihin mo lang na ipinabibigay kay Russel Rossell ang espesyal na alak na ‘yan,” pagpapaliwanag niya sa service crew, “basta ‘wag ka lang nerbiyosin at walang papalpak sa ipinagagawa ko sa ‘yo.”
Inilagay niya sa kamay ng service crew ang limang libong piso, kabayaran sa ipinagagawa niya.
“Alam kong malaking tulong ‘yan sa pamilya mo,” saad niya, “at sagot kita kapag nagkaproblema ka sa ipinagagawa ko sa iyo. Marami aikong konekson.”
"Pero..." Pagdadalawang isip pa rin ng service crew.
"Sinabi kong ako'ng bahala sa 'yo, e! O, ayan, ten k na 'yan," pagpipilit pa rin ni Owen na sinabayan ng paglalagay ng panbagong limang libong piso sa kamay ng kausap, "go! Gawin mo na'ng pinagagawa ko sa 'yo. Baka mainis mo na ako, e, ako pa ang gumawa ng isyu na ikakapahamak mo. Go!" Isang patulak na tapik sa balikat ang ibinigay niya sa inuutusan, na napilitan nang sumunod sa kanyang utos.
Huminga muna nang napakalalim ang lalake, bago humakbang papunta sa pinto ng room 704. at isinagawa ang ipinagagawa ni Owen.
Wari'y nabunutan ng tinik ang lalake na lapitan siya at iabot nito sa kanya ang kanyang cellphone.
“Ano nga pala ang pangalan n’yo, Sir?” Tanong ng service crew sa kanya.
Nginitian ni Owen ang nagtanong, “Russell Rossell,” pagpapakilala niya.
Biglang nagkulay suka ang service crew. Nanlalaki ang mga matang tinitigan siya.
“K-Kayo po si Russel Rossell,” nanginginig ang tinig na tanong nito, “e, ss-sino ‘yung …”
Nakatawang iniwanan na ni Russell ang service crew, na hindi na hinintay na tapusin ang sinasabi nito.
At sa mga sandaling iyon lamang niya naunawaan ang dahilan ng biglang pagkatigagal at pamumutla ng service crew nang magpakilala siya bilang si Russell Rossel.
“Hayup na babae,” nagngingitngit na nasambit niya, “nilalagyan pala ng ipot ng manenok ang ulo ng doppelganger ko!”
Hindi niya matanggap na ginagago lang ng kung sinong babae ang kanyang doppelganger. Ang lalaking aangkinin niya ang pagkatao sa nalalapit na panahon.
Dear readers, please comment. Tell me kung ano ang nagustuhan o ang inayawan ninyo sa aking isinulat para sa inyo. I need your comments to be able to write better chapters (and better scripts for the future) for your entainment. EM DEE C
PAK! Malakas na lumagapak ang palad ni Solenne sa pisngi ni Brendon. Pakiramdam niya ay umugong ang kanyang tainga at wari ay nakakita siya ng biglang sinag ng liwanag na hindi niya malaman ang pinagmulan, sa tindi ng sampal na kanyang tinanggap. “Ma, Bakit?” Tanong niyang nagtataka. “Nagtanong ka pa,” ganting tanong ni Solenne sa anak, “di ba’t ang sabi mo sa akin ay nanginig na sa takot ni Domeng? Na kailanman ay hinding-hindi niya tatangkain man lang na tumakas sa bilibid.” Naumid ang dila ng sinampal. “O, ayan,” isinalpak ni Solenne ang pahayagan kay Brendon, “balita na sa buong Pinas na nakatakas na naman ang hayup na matandang ‘yon!” Inihagis ni Brendon ang pahayagan. Inis na ibinagsak ang sarili, paupo sa silyang naroon sa receiving area ng bahay. “Sa kilos at arte mo ay parang alam mo nang nakatakas na nga ang Domingo Sabadong ‘yon,” saad ng ina, “ibig sabiin ginawa mo akong tanga na paniwalang-paniwala na nakakulong ang impaktong 'yon sa selda, pero yon pala ay nasa p
Natatarantang hindi malaman ni Owen ang gagawin. Hindi siya makakapayag na mabisto ni Russell ang pagiging doppelganger nilang dalawa. Nagmamadaling sapilitan niyang inaalis ang ang kamay na nakakapit sa kanyang braso, na ayaw bumitaw sa kanya. “Bakit? Saan ka na naman pupunta?” Tanong ni Shelley sa nagmamadaling makalayo. “Men’s room,” sagot ni Owen, “nakasama yata sa akin ‘yung kinain ko,” paga-alibi na niya, “k-kumukulo ang tiyan ko. Parang… parang…” “Okay, sige na,” wika ng naiinis na babae, sabay sa pagbitiw sa brasong kinakapitan, “baka nga dito ka pa nga magkalat, nakakahiya!” dagdag na sabi. Napailing ito habang tinatanaw ang halos magkandarapa sa pagtakbong si Owen na inaakala niyang si Russel. Na binangga ang totoong Russel na kanyang makakasalubong upang hindi agad ito makalapit kay Shelley. “Hey!” Sigaw ni Russel sabay lingon kay Owen, na hindi humarap sa kanya. Hindi siya pinansin ni Owen na walang lingon likod na nagpatuloy sa pagtakbo. “Bastos ‘to, ah,” inis si
MAHIGPIT ANG mga guwardiyang nagbabantay sa silid na kinaroroonan ng naaksidenteng si Russell Rossell, na hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa nagkakamalay.Dalawang sescurity guard ang nasa saradong pinto ng kuwarto, at may mga naka-sibilyang security officers pa ang nasa mga tagong lugar.“Iba talaga ang rich and powerful,” ang nasa isip ni Owen, “super higpit ang bantay ng mga guwardiya! Takot na takot. Insecure na insecure at walang katiwa-tiwala sa kapwa nila,” nagpalakad-lakad siya. Hinanapan ng weak part ang security ng pasyenteng binabantayan ng mga ito, “sabagay may katwiran naman silang ma-insecure,” pag-iisip pa rin niya habang palakad-lakad sa di kalayuan sa mga guwardiyang nasa labas ng silid ni Russell, “e, heto nga ako at nagbabalak na ma-abduct ang anak ng multi billionaire na si Theodore Rossell, upang mapasa-akin ang kanilang kayamanan, kakambal ng paghihiganti ko para sa aking mama.”Nang lapitan siya ng isang alertong security guard na naka- civilian clothes
“PINABULAANAN ng pamilya ni Russel Rossell ang tungkol sa mga naunang balita na kasama nito ang pocketbook writer na si Shelley Silver nang ito ay maaksidente sa pagmamaneho. Ayon sa mga Rossell…” DING…DONG… Mabilis na iniwan ni Shelley ang panonood ng balita sa telebisyon. Nagmamadaling binuksan ang pinto sa pag-aakalang si Russell ang dumating. Walang sabi-sabing pumasok sa loob ng bahay niya ang bisita, na agad ding itinulak na pasara ang pinto. Matagal na napatitig sa kanyang brasong may cement cast at sa ulo niyang hindi pa natatanggalan ng benda ang pangahas na dumating. “Bakit kasama mo ang boyfriend ko noong maaksidente siya?” Usig agad sa kanya nito. Mamahalin ang naamoy niyang pabango ng babaing nanggigigil, na ang isang kamay ay nakapamaywang habang ang isa naman ay halos dutdutin na ang kanyang mukha ng hintuturo nito. Puno ng pagkapoot ang mukha nitong maayos na napintahan ng make up. Mahahaba ang pekeng pilikmatang sinisilipan ng nandidilat na mga matang nakakatitig
IRITADO SI GEMMA. Palakad-lakad siya sa kabahayan. Nag-iisip ng paraan kung paano magkakaroon ng katuparan ang mga plano nila ni Owen. “Naunahan tayo ni Theodore,” saad niya, “nailabas na niya ng bansa si Russell at walang nakakaalam kung saang parte ng mundo naroon ang bansang iyon,” pagpapatuloy pa, “kung bakit naman kasi napakabagal n’yong kumilos. Kung nakidnap n’yo na ba agad ang Russell na ‘yon, di sana’y napakadali mo nang makakapagpanggap bilang siya. Lalo na kung pinatay n’yo na ang anak ni Theodore,” dagdag na paliwanag pa, “ikaw na ang magiging tagapagmana ng lahat ng kayamanan at negosyo ng mga Rossell dahil ikaw na talaga ang magiging si Russell Rossell!” Nag-iisip rin si Owen. “Dalawa ang girlfriend ni Russell,” nasambit niya habang binubuo sa isip ang binabalak na gawin, “’yung isa si Joanne Javier. Mayaman, pero kaliwete. Kinakaliwa niya si Russell. Nakikipagrelasyon siya kay Brendon na anak ni Solenne,” pagpapatuloy niya, “at hindi lang ‘yon. Ka-fling pa rin niya
PAULIT-ULIT na niyang nabasa ang nobelang “My Innocent Lover” na isinulat ni Russel bilang kanyang ghostwriter. Ang unang nobela na nasa kanyang pangalan at agad nag-trending at naging bukambibig ng Maraming mahilig sa pagbabasa ng mga pocketbooks. “Hindi kaya ako ang sinasabi niyang innocent lover,” tanong niya sa sarili, “isang babaing walang kaalam-alam tungkol sa buhay ng lalaking iniibig ngunit ibinigay ang sarili nang walang pagdadalawang isip.” Nag-iisip na nagpalakad-lakad siya sa kabahayan. Itinatanggi ng kanyang isip na siya ang babaing ginawang bida ni Russell sa nobelang ginawa nito, dahil hindi man lang siya n*******n ng lalaking ‘yon, maliban noong araw na dinalaw siya nito sa ospital. “Hindi naman kami lover, pero bakit niya ako hinalikan noong nasa ospital ako,” pagtataka niya, “naramdaman kaya niyang hindi lang friendship ang nararamdaman ko para sa kanya at gusto niyang samantalahin ang damdamin kong iyon para maangkin niya ang katawan ko?” Nagpatuloy siya sa paba
“MASAYA KA!” Pagpansin agad ni Gemma pagkakita kay Owen na pumapasok sa pintuan. Kakaiba ang galaw ng kanyang anak-anakan. Wari’y nagliliwanag ang mukha nitong punung-puno ng walang pangalang kasiyahan. Pati ang hakbang nito’y wari’ng napakagaan at tila ba halos hindi sumasayad sa sahig ang paa. Kumikislap na tila bituin ang mga mata nitong hindi maitingin sa kanya nang diretso. Nilapitan siya ng anak-anakan. Kinuha ang isang kamay niya at idinikit ang likod niyon sa noo nito bilang pagbibigay galang. Ang pagmamano ang isa sa mga pagbibigay galang sa kanya ang itinuro ni Gemma sa anak ni Theodore Rossell na pinalaki niya bilang kanyang anak. Pagmamano na nang magbinata ito ay isina-isantabi at pinalitan ng pagbibeso-beso. Hindi na niya matandaan kung kailan huling nagmano sa kanya si Owen. Naging moderno na ang pananaw nito sa buhay at ang pagmamano ay naging pagbibeso-beso na nga. “Magdamag kang hindi umuwi,” saad niya, “masyado mo akong pinag-alala,” pagpapa-guilty pa niya dito
PUMULANDIT ANG DUGO mula sa bibig ni Brendon nang bumagsak sa kanyang mukha ang kamao ng misteryosong lalaking nag-abduct sa kanya mula sa kotse ni Joanne. Pinilit niyang kumawala sa silyang kinauupuan, ngunit ni hindi niya maigalaw ang kanyang braso sa higpit nang pagkakadikit ng patung-patong na mga industrial tape na ipinanggapos sa kanya sa silya. Wala ano mang expression siyang mabasa sa mukha ng lalaking kanyang kaharap. Naaasiwa siya sa poker faced na pagkakatingin nito sa kanya “Ano’ng atraso ko sa ‘yo, Boss?” Tanong niyang pilit pinakakalma ang naguguluhang isip. “Walang personalan ‘to. Trabaho lang,” maikling sagot ng tinanong, “takpan ang mata nito,” biglang utos sa isang tauhan na naroon. Nagdilim ang kanyang paligid, “ano’ng gagawin n’yo sa akin?” hintakot niyang tanong. Nagpapasag siya. Pinilit na hindi matakpan ang kanyang mga mata. “Tumigil ka sa kalilikot!” Singhal ng nagtatali ng blindfold niya na sinabayan ng malakas na pagbatok sa kanya. ilang saglit lang