Hello, dear readers. Sana ay nagi-enjoy kayo sa pagbasa ng "Loving The CEO's Mistaken Identity. Thank you. Em Dee C.
MAHIGPIT ANG mga guwardiyang nagbabantay sa silid na kinaroroonan ng naaksidenteng si Russell Rossell, na hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa nagkakamalay.Dalawang sescurity guard ang nasa saradong pinto ng kuwarto, at may mga naka-sibilyang security officers pa ang nasa mga tagong lugar.“Iba talaga ang rich and powerful,” ang nasa isip ni Owen, “super higpit ang bantay ng mga guwardiya! Takot na takot. Insecure na insecure at walang katiwa-tiwala sa kapwa nila,” nagpalakad-lakad siya. Hinanapan ng weak part ang security ng pasyenteng binabantayan ng mga ito, “sabagay may katwiran naman silang ma-insecure,” pag-iisip pa rin niya habang palakad-lakad sa di kalayuan sa mga guwardiyang nasa labas ng silid ni Russell, “e, heto nga ako at nagbabalak na ma-abduct ang anak ng multi billionaire na si Theodore Rossell, upang mapasa-akin ang kanilang kayamanan, kakambal ng paghihiganti ko para sa aking mama.”Nang lapitan siya ng isang alertong security guard na naka- civilian clothes
“PINABULAANAN ng pamilya ni Russel Rossell ang tungkol sa mga naunang balita na kasama nito ang pocketbook writer na si Shelley Silver nang ito ay maaksidente sa pagmamaneho. Ayon sa mga Rossell…” DING…DONG… Mabilis na iniwan ni Shelley ang panonood ng balita sa telebisyon. Nagmamadaling binuksan ang pinto sa pag-aakalang si Russell ang dumating. Walang sabi-sabing pumasok sa loob ng bahay niya ang bisita, na agad ding itinulak na pasara ang pinto. Matagal na napatitig sa kanyang brasong may cement cast at sa ulo niyang hindi pa natatanggalan ng benda ang pangahas na dumating. “Bakit kasama mo ang boyfriend ko noong maaksidente siya?” Usig agad sa kanya nito. Mamahalin ang naamoy niyang pabango ng babaing nanggigigil, na ang isang kamay ay nakapamaywang habang ang isa naman ay halos dutdutin na ang kanyang mukha ng hintuturo nito. Puno ng pagkapoot ang mukha nitong maayos na napintahan ng make up. Mahahaba ang pekeng pilikmatang sinisilipan ng nandidilat na mga matang nakakatitig
IRITADO SI GEMMA. Palakad-lakad siya sa kabahayan. Nag-iisip ng paraan kung paano magkakaroon ng katuparan ang mga plano nila ni Owen. “Naunahan tayo ni Theodore,” saad niya, “nailabas na niya ng bansa si Russell at walang nakakaalam kung saang parte ng mundo naroon ang bansang iyon,” pagpapatuloy pa, “kung bakit naman kasi napakabagal n’yong kumilos. Kung nakidnap n’yo na ba agad ang Russell na ‘yon, di sana’y napakadali mo nang makakapagpanggap bilang siya. Lalo na kung pinatay n’yo na ang anak ni Theodore,” dagdag na paliwanag pa, “ikaw na ang magiging tagapagmana ng lahat ng kayamanan at negosyo ng mga Rossell dahil ikaw na talaga ang magiging si Russell Rossell!” Nag-iisip rin si Owen. “Dalawa ang girlfriend ni Russell,” nasambit niya habang binubuo sa isip ang binabalak na gawin, “’yung isa si Joanne Javier. Mayaman, pero kaliwete. Kinakaliwa niya si Russell. Nakikipagrelasyon siya kay Brendon na anak ni Solenne,” pagpapatuloy niya, “at hindi lang ‘yon. Ka-fling pa rin niya
PAULIT-ULIT na niyang nabasa ang nobelang “My Innocent Lover” na isinulat ni Russel bilang kanyang ghostwriter. Ang unang nobela na nasa kanyang pangalan at agad nag-trending at naging bukambibig ng Maraming mahilig sa pagbabasa ng mga pocketbooks. “Hindi kaya ako ang sinasabi niyang innocent lover,” tanong niya sa sarili, “isang babaing walang kaalam-alam tungkol sa buhay ng lalaking iniibig ngunit ibinigay ang sarili nang walang pagdadalawang isip.” Nag-iisip na nagpalakad-lakad siya sa kabahayan. Itinatanggi ng kanyang isip na siya ang babaing ginawang bida ni Russell sa nobelang ginawa nito, dahil hindi man lang siya n*******n ng lalaking ‘yon, maliban noong araw na dinalaw siya nito sa ospital. “Hindi naman kami lover, pero bakit niya ako hinalikan noong nasa ospital ako,” pagtataka niya, “naramdaman kaya niyang hindi lang friendship ang nararamdaman ko para sa kanya at gusto niyang samantalahin ang damdamin kong iyon para maangkin niya ang katawan ko?” Nagpatuloy siya sa paba
“MASAYA KA!” Pagpansin agad ni Gemma pagkakita kay Owen na pumapasok sa pintuan. Kakaiba ang galaw ng kanyang anak-anakan. Wari’y nagliliwanag ang mukha nitong punung-puno ng walang pangalang kasiyahan. Pati ang hakbang nito’y wari’ng napakagaan at tila ba halos hindi sumasayad sa sahig ang paa. Kumikislap na tila bituin ang mga mata nitong hindi maitingin sa kanya nang diretso. Nilapitan siya ng anak-anakan. Kinuha ang isang kamay niya at idinikit ang likod niyon sa noo nito bilang pagbibigay galang. Ang pagmamano ang isa sa mga pagbibigay galang sa kanya ang itinuro ni Gemma sa anak ni Theodore Rossell na pinalaki niya bilang kanyang anak. Pagmamano na nang magbinata ito ay isina-isantabi at pinalitan ng pagbibeso-beso. Hindi na niya matandaan kung kailan huling nagmano sa kanya si Owen. Naging moderno na ang pananaw nito sa buhay at ang pagmamano ay naging pagbibeso-beso na nga. “Magdamag kang hindi umuwi,” saad niya, “masyado mo akong pinag-alala,” pagpapa-guilty pa niya dito
PUMULANDIT ANG DUGO mula sa bibig ni Brendon nang bumagsak sa kanyang mukha ang kamao ng misteryosong lalaking nag-abduct sa kanya mula sa kotse ni Joanne. Pinilit niyang kumawala sa silyang kinauupuan, ngunit ni hindi niya maigalaw ang kanyang braso sa higpit nang pagkakadikit ng patung-patong na mga industrial tape na ipinanggapos sa kanya sa silya. Wala ano mang expression siyang mabasa sa mukha ng lalaking kanyang kaharap. Naaasiwa siya sa poker faced na pagkakatingin nito sa kanya “Ano’ng atraso ko sa ‘yo, Boss?” Tanong niyang pilit pinakakalma ang naguguluhang isip. “Walang personalan ‘to. Trabaho lang,” maikling sagot ng tinanong, “takpan ang mata nito,” biglang utos sa isang tauhan na naroon. Nagdilim ang kanyang paligid, “ano’ng gagawin n’yo sa akin?” hintakot niyang tanong. Nagpapasag siya. Pinilit na hindi matakpan ang kanyang mga mata. “Tumigil ka sa kalilikot!” Singhal ng nagtatali ng blindfold niya na sinabayan ng malakas na pagbatok sa kanya. ilang saglit lang
“HINDI MO KAILANGANG gumamit ng mga highfalutin words para masabing isa kang magaling na writer. Maraming manunulat na simple lang kung gumawa ng mga novels, pero malalim ang meaning at tinutumbok ng istorya.” Nakapangalumbabang pinagmamasdan ni Shelley si Owen na habang nagsasalita ay palakad-lakad sa kanyang harapan. Tila ba ito isang professor na nagli-lecture sa harap ng mga istudyante sa isang silid aralan. "Buti na lang at hindi nabura sa kanyang alaala ang kanyang talento sa pagsusulat." Ang nasa isip niya na ang akala ay si Russell ang nasa harapan niya. Hindi maiwasang bumilis ang tibok ng kanyang puso, na nagiging dahilan upang hindi makapasok nang ganap sa kanyang utak ang mga ipinaliliwanag ng lalaking nagtuturo sa kanya kung paano maging isang effective na manunulat. Nag-iingay ang kanyang puso. Nagwawala sa nararamdamang pag-ibig. “Katulad ng pag-ibig,” tumigil sa harapan niya ang nagli-lecture. Naniin sa mesang kinapapatungan ng kanyang siko, bago nagpatuloy sa p
BANG! Humigpit pa ang pagkakahawak ng maskaradong lalake sa buhok i Solenne. Marahan. Unti-unting lumalapit ang naka-civillian clothes na security officer sa kanyang binaril. Alerto at handang muling paputukin ang hawak nitong armas habang malikot ang matalas na mga matang palipat-lipat ang tingin sa nakamaskarang lalake at sa sabu-sabunot nitong babae. Malakas na bumalagbag ang katawan ng binaril, hatak ang buhok ni Solenne na kasamang bumagsak sa damuhan ng malawak hardin sa harapan ng mansiyon ng mga Rossell. “EEEEE…” Kasabay sa kanyang pagtili ay pilit na kinakalas ng babae ang kanyang buhok sa pagkakasabunot ng nakabulagta, duguan, maskaradong lalake. Maingat, mabilis na lumapit ang security officer sa nakabulagta. Dinama ang tibok sa leeg nito. “Patay na.” Ang mahinang sinabi. .*** **** LABIS NA PINANGHIHIYANGAN ni Gemma Garcia ang kumupas niyang kabataan. Hindi niya matanggap na nabale-wala lang ang lahat ng kanyang mga pagsisikap, paghihirap, pakana, plano at mga pang