Share

FRANCINE DE CASTRO

"MISS FRANCINE DE CASTRO?"

Mula sa pagkakayuko sa binabasang libro ay tumingala si Francine. Kunot ang noong pinagmasdan ang lalaking patanong na nagsabi ng kanyang pangalan. Kinilala.

Hinukay niya mula kailaliman ng kanyang memorya ang anyo ng lalaking nakatayo sa kanyang harapan. Alam niyang kilala niya ang lalaking iyon, hindi lamang niya matandaan kung saan at kung kailan niya iyon nakilala.

Biglang pumasok sa kanyang isipan ang larawan ng nag-iisang tagapagmana ng imperyo ng Rossell Businesses. Ang guwapo, sikat na unico hijo ni Sir Theodore Rossell, na madalas niyiang makitang pabalat ng mga business magazine at kung minsan ay celebrity cover din mga iba't ibang magazine na umuurirat sa buhay ng mga taong nasa mataas na bahagi ng lipunan.

Napanood na rin niya ito sa mga talk shows sa iba't ibang channel ng telebisyon.

Pinigil niya ang ang kilig na tila kidlat na pumasok sa kanyang katawan. Nagpabilis sa tibok ng kanyang puso at pagdaloy ng kanyang dugo. Gusto niyang magta
Em Dee C.

THE GREATEST PLEASURE OF LIFE IS LOVE!

| Like
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status