Share

SUMPA NG KAHAPON

NAGPUPUYOS ANG KALOOBAN ni Theodore Rossell dahil sa sobrang galit. Halos ay kaladkarin na niya ang asawa papunta sa basement ng mansion.

“Ano’ng uri ka ng ahas, Solenne,” tanong niya rito, “ikaw na asawa ko pa ang kasabwat ng masasamang loob na pumasok dito! Ano pa ba ang kulang sa mga luhong ibinibigay ko sa ‘yo? Bakit kailangang makipagsabwatan ka pa para pagnakawan ako?”

Marahas niyang itinulak papasok sa loob ng isang maliit na silid ang asawa.

Walang kahit anong gamit sa loob ng silid na iyon maliban sa isang banig na higaan. At ang tanging daanan para makapasok at makalabas doon ay ang pintuan na pinasukan ni Solenne at Theodore.

Nahintakutang inilibot ni Solenne ang kanyang tingin sa paligid. At nakita niyang isang munting bintanang may rehas lamang ang daanan ng hangin sa silid na iyon at isang munting bumbilya lamang ang ilaw na naroon.

“Bakit tayo narito? Ano’ng gagawin mo sa akin?” Nineneriyos na tanong niya sa asawa.

“Ito na ang magiging silid mo mula ngayon Solenne
Em Dee C.

Kabit-kabit na kasinungalingan. dugtung-dugtong na kasalanan na ang pinag-ugatan ay ang kabaliwan ng isang babaing naging obsessed na maging asawa ng isang makapangyarihang Theodore Rossell. Walang lihim na hindi nabubunyag! Anong paghihiganti ang gagawin ni Owen kay Gemma kapag natuklasan niyang ninakaw siya nito mula sa tunay niyang ama na si Theodore Rossell? Thanks for your time dear readers - Em Dee C.

| Like
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status