Share

CHAPTER 5

JONIE POV:

Pumayag nalang si Jonie sa offer ng boss nya...sayang din kasi ang pamasahe. Nag ga-grab pa kasi cya papunta sa ospital. Pag ganitong oras ay punuan na ang mga jeep kaya siguradong mahihirapan na cyang makarating sa ospital kaagad...dadalawin nya ang mama nya. Andun naman ang pinsan nya na nagbabantay, sinuswelduhan nya ito para magbantay sa mama nya, mag-isa lang kasi cyang anak.

Wala din cyang Papa. Naanakan lang ang nanay nya ng amerikano kaya mestiza cya. Hindi pa nya nakita ang Papa simulang ng isinilang cya.

"Jonie!" pukaw ni Sir Ken sa kanya.

"Ay opo Sir... tara na."Nagpatiuna ito sa paglakad papuntang elevator. May sarili itong elevator kaya wala silang magiging kasabay.

Nang makarating sa harap ng elevator ay hinintay siya nito na pumasok. Hinawakan cya nito sa beywang para igiya papasok. Napaikgtad cya ng bahagya ng maramdaman ang palad nito sa bewang nya. Pasimple nya itong tiningnan... parang wala lang naman ito dito... Baka nagpapaka gentleman lang.

Haaay. masyado kang over reacting Jonie! Nag papaka-gentleman lang ang Boss mo... wag mo bigyan ng malisya! saway nya sa sarili.

Wala silang pansinan habang nasa elevator. As usual hindi na naman cya makahinga... inuubos na naman ng boss nya ang oxygen sa loob ng elevator.

"Are you ok? bakit parang hindi ka pamakali?"

"Ah eh.... wala po Sir... naiihi lang. Joke lang!"

"Hahaha....nakakatawa ka talaga."

First time nyang nakita ang boss nya na tumawa sa joke nya. Marunong din pala itong tumawa? Nang nasa parking na sila ay sumakay sila sa Ferrari red na sasakyan ng boss nya. Isa lang ito sa mga napakadami nitong sasakyan. Halos iba-iba ang kotse na ginagamit nito araw-araw.

"Ano nga pala ang gagawin mo sa ospital? May sakit ka ba?"

"Ah wala po...bibisitahin ko lang ang mama ko."

"Why? ano nangyari sa mama mo?"

"May cancer po cya. naka-admit cya sa ospital... naka schedule po cya for chemo.

"Ohhhh...." tanging sagot nito sa kanya.

Wala na sila pansinan habang nagba-byahe. Mabilis lang sila nakarating sa ospital dahil may mga short cut itong dinaanan. Akala nga nya kung saan na cya dadalhin nito, hindi nya kasi kabisado ang mga daan na dinadaanan nito. 

"Ah Sir thank you ha... mauna na po ako." Paalam nya ng makarating na sila sa parking ng hospital.

"No... I want to go with you..."

"Ay hindi na po kailangan! Nakakahiya!" Hinatid na nga cya sa ospital pati ba naman sa kwarto ng Mama nya ay uhahatid pa cya?

"No, I insist... saka tigilan mo na ang kaka 'Po' mo sa akin bata pa ako, kayang kaya ko pang hanggang 10 rounds."

"Ano po yun Sir?"

"Ahh... wala!"

*******************

KEN POV:

Kahit anong pigil nya ay hindi nya taalga maiwasan na magpahaging kay Jonie. Natural na sa kanya ang pagka pilyo kaya kusa nang lumalabas iyon sa bibig nya. Virgin pala ang secretary nya kaya wala ito alam. Ang sarap tuloy paglaruan ang mga ganitong inosenteng babae...

Abort mission!!! Abort mission!! sigaw na naman ng utak nya. Pinapaalala nito na off limits ni Jonie. "Shit!!!" napa mura cya. Nagulat si Jonie sa kanya. Napalakas pala ang pagmura nya

"Ayy sorry.... hindi ikaw ang minumura ko... may natapakan lang ako kaya nagulat ako." Pagdadahilan nya. Tumango lang ito sa kanya.

Pumasok na ito sa ospital. Ramdam nyang nahihiya ito dahil nakasunod cya. Pasimpleng tinitingnan nya ito habang naglalakad. Ang ganda ng kurbada ng katawan nito.... payat pero mabalakang. Napansin nyang malaman din ang boobs nito. Nakikita nya iyon kapag medyo mababa ang pagka V-neck ng suot na blouse nito... naramadaman nyang gumalaw si manoy....

Shit Shit Shit!.... abort abort abort! hindi ka pwede tayuan dito! Nakakahiya!.. Nasa ospital ka pa man din! Galit nya sa sarili.

"Ahm Jonie?" tawag nya sa dalaga, nilingon cya nito. Pasimpleng tinabuhan nya ang harapan nya. Baka mapansin nito ang galit na si manoy.

"Ano ang room ng mama mo? susunod nalang ako doon... mag CR lang ako sandali"

"Ah ok Sir.... room 208 po si Mama."

"Ok I'll be there...." sambit nya saka tumalikod at naghanap ng CR. kakalmahin nya muna ang sarili bago puntahan ang dalaga. Bakit kasi kung ano-ano ang mga iniisip nya? sinabi ng abort eh! Tigas din kasi ng ulo eh  ayan tuloy tinigasan ka!!! galit ng utak nya sa kanya.

Nang maramdamang ok na cya ay saka sya lumabas ng CR at pumunta sa room 208. Naabutan nyang kinakausap ng doctor si Jonie. Tulog ang mama nito, payat na ito pero halatang maganda noong kabataan nito. Dito nagmana si Jonie sa ganda pero morena ang mama nito, hindi katulad ni Jonie na mestiza. Malamang ay foreigner ang papa ni Jonie.. Saan kaya ang papa ni dalaga? tanong nya sa isip. Pagkatapos makipag usap ng doctor kay Jonie ay umalis na ito.

"Kamusta ang mama mo?" tanong nya dito... nakatulala lang kasi ito....Mukhang paiyak na. Ayaw nya naman hawakan ito at i-comfort, baka lalo mailang ito sa kanya. Kanina pa nga lang nung nasa elevator sila ay  napaiktad pa ito ng hinawakan nya sa bewang... nagkunyari nalang cyang hindi nya iyon napansin para hindi ito lalong mailang.

Hindi cya sinagot nito...parang walang narinig. Nakatingin lang ito sa mama nito. "Ate!..." tawag ng isang babae na naroon din kay Jonie. Baka kamag-anak nya ito... may resemblance ang dalawang babae pero mas maganda pa din si Jonie.

"Bakit?...."

"Sino po cya?" Tanong nito sabay turo sa kanya.

"Ay boss ko pala si Sir Ken.... Sir pinsan ko po si Bebe... cya po ang nag babantay kay Mama habang nasa trabaho ako." Pakilala nito sa kanya.

"Hi bebe..." bati nya dito. Kinilig naman ito ng binati nya. lihim nalang cyang natawa.

"Bebe ikaw na ang bahala dito kay mama ha. Uuwi muna ako, babalik nalang ulit ako bukas."

"Ok ate. dalhan mo ako pasalubong ha?"

"Anu ba gusto mo?"

"Jabee..." nakangiting sambit nito. Jolibee ang ibig sabihin nito pero ginagaya ang mga bata sa jabee ang tawag.

"Mag order ka na jan sa app... eto pambayad." Inabutan ito ni Jonie ng 500. Tuwang tuwa naman ang pinsan nito.

"Sige na... alis na kami ha...."

"Bye ate.... bye boss pogi!..." Pinandilatan ito ng mata ni Jonie... baka nahihiya sa inakto ng pinsan nito.

"Pasencya ka na sa pinsan ko Sir. pilya lang talaga yan....tara na po?" Nginitian nya naman ito at tinanguan..

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status