Executive Secretary si Jonie ng isa sa pinakamayamang negosyante sa bansa na si Kenneth Enriquez. Di tulad ng ibang mga babae na nagkakandarapa sa Boss nya, sya lang ang natatanging walang interest dito. Ayaw nyang maging laruan ng amo nya, may plano pa cya sa buhay lalo na't nag-iisa nyang tinataguyod ang Mama nyang may Cancer. Sa di inaasahang pagkakataon ay nalaman nito na nangangailangan cya ng malaking halaga para sa pagpapagamot ng Mama nya. Inalok cya nito ng sampung milyon kapalit ang pagkababae nya at manirahan kasama ito sa iisang bubong sa loob ng tatlong bwan. Nung una ay ayaw nyang pumayag pero wala cyang magagawa. Hindi nya makakain ang prinsipyo nya at buhay ng Mama nya ang nakataya dito. Hanggang sa isang gabi ay nasampal cya nito dahil sa selos.... "Siguro ibabalik ko nalang ang pera mo Sir.. Hindi ko po kasi kayang makipag mabutihan sa lalaking nananakit ng babae. Bahala na po kung saan ako kukuha ng pang opera ng Mama ko pero ayaw ko din isaalang-alang ang buhay ko.." "Babe please!... I'm not as bad as you think. Hindi ko din alam kung bakit ko nagawa sayo yun...first time nangyari sa akin to, hindi ko na kilala ang sarili ko..." "Nakapag desisyon na po ako Sir.. aalis nalang po ako dito sa condo nyo." "Please stay... Hindi ko kukunin ang pera sayo.... sayo na yun.. para sa Mama mo, pero hindi na kita aangkinin, walang mangyayari sa atin sa loob ng tatlong buwan...wag ka lang umalis dito..." Gusto nyang pumayag...bentahe lahat sa kanya ang kondisyon ng boss nya pero ang hindi nya sigurado ay kung kakayanin nya ang pang-aakit nito sa kanya kahit pa sabihing walang mangyayari sa kanila. Masyadong matagal ang tatlong buwan para matiis nya ang karisma ng isang Kenneth Enriquez.
View More*************** JONIE: Masaya silang nagdiwang ng kasal ng Mama Beth at Papa Gregore nya. Sa isang private Island iyon na pagmamay ari ng Papa nya ginanap ang kasall. Ayaw ng Mama nya ng masyadong magarbong kasalan... masyado na daw silang matanda para doon. Mga relative nila sa side ng Papa nya ang mga imbitado sa kasal. Maluwag silang tinanggap ng pamilya Milller. Ang ibang bisita naman ay mga kasosyo sa negosyo. Nang malaman ng iba na sya ang nawawalang anak ko Gregore Miller ay biglang naging interesado ang mga ito sa kanya... nirereto sa kanya ang mga anak na binata ng mga kumpadre ng Papa nya.. Mga disente naman ang mga ito, mga business minded katulad ng Papa nya kaya kahit sino man ang piliin nya doon ay walang problema sa Papa nya. Totoo nga talaga ang sinabi ng Papa nya na madali lang makahanap ng asawa as long as your rich and famous... pero wala cyang gusto kahit kanino sa mga nirereto ng mga ito. Si William Davis ang isa sa mga business partnerr nila na nakip
Nang dumating na ang ibang press ay nagpakitang gilas na si Eric... lumapit ito sa mga press at nagpa intervew. "Good evening Sir Eric San Miguel... totoo po ba na ikakasal na si Ms. Ava sa kanyang boyfriend na si Mr. Kenneth Enriquez, ang CEO ng K.E. Builders?" Tanong ng isang babaeng reporter. "Oh please... wag nating pangunahan si Mr. Enriquez, guys! Nakakahiya naman sa kanila... baka sabihin nilang pinipikot namin sila hahaha!..." wika ni Eric saka tumawa ng nakakaloko. Pikon na pikon na cya... Sila nga itong nagpatawag ng press agad-agad na walang consent sa kanila ng Papa nya! "Ibig ba sabihin nyan kapag nagpakasal na si Ms. Ava at Sir Ken ay magme-merge na ang negosyo nyo?" Muling tanong ng reporter. "Ganun naman talaga ang mangyayari kapag kasal na ang dalawang tao di ba? Right Ken?" Wika nito sabay tingin sa kanya.. tumango lang cya para hindi mapahiya ang Papa ni Ava pero naiirita na cya. "What are we doing here anak? I smell something fishy." Bulong ni Gilbert sa k
********** KENNETH POV: Papunta sila sa Pampanga ni Ava sa araw na yun. Last week pa sana sila bibisita sa mga magulang nila pero lagi nalang ito naca-cancel dahil sa busy nya sa trabaho. "I'm so excited to see my parents hon.. and your dad too!... Sa wakas makikilala ko na cya!" tila kinikilig na wika nito. Hindi pa alam ng Papa nya na darating sila ni Ava. Bigla lang kasi ito nag-aya. Nag-prepare daw ang mga magulang nito ng dinner para sa kanila mamaya.Habang nasa byahe sila ay hindi nya mapigilang ikumpara si Jonie kay Ava.... masayahin si Jonie sa byahe, madami itong kwento kaya hindi ito boring kasama samantalang si Ava ay laging nakatutuk sa cellphone nito... hindi nya tuloy maramdaman na may kasama cya. Kung mag-open man cya ng topic ay wala man lang itong ambag sa usapan... parang aayaw nitong makipag usap sa kanya kaya tumahimik nalang din cya. Maya-maya ay nakarating na sila sa Pampanga. Nauna silang pumunta sa bahay ng Papa nya. Pag labas nya ng sasakyan ay nauna na
"Buntis ka ba?" Muling tanong ng Mama nya. "Hindi ko alam Ma... pero delay kasi ako ng one month..." Kinakabahan na wika nya... ngayon lang nag sink in sa utak nya na posibleng buntis nga sya. Hindi pa naman siya gumagamit ng pills simula ng nagkaroon sila ng relasyon ni Ken... wala sa isip nya iyon, hindi nya naman akalain na mabubuntis cya. "Biglang naiyak ang Mama nya sa narinig. "Sino ang ama ang pinagbubuntis mo? Ang alam ko ay wala ka namang nobyo?" "Huhuhu... sorry Ma... nagkamali ako... nabigo ko po kayo! Wag mo na pong alamin ang tatay ng pinagbubuntis ko... wala na po kami kaya akin lang itong anak ko." Umiiyak na wika nya. Nilapitan naman siya ni Fe at Bebe at niyakap. "It's okay anak... you don't have to worry.. at least hindi na kita madaliin na magkaroon ng asawa dahil magkakaroon na pala ako ng apo hahaha, may tagapag-mana na ako!..." wika naman ng Papa nya na tuwang-tuwa sa sinapit nya... nagulat sila lahat sa reaksyon nito, ang buong akala pa naman nya ay magag
*****************JONIE POV:Dalawang linggo na sila sa America, nakasunod na din si Fe sa kanila doon. Nakatira sila sa isang napakalaking villa. Beach front ang harap ng bahay nila. Bahay bakasyunan iyon ng Papa nya. Isa lang iyon sa mga napakaraming bahay ng ama nya sa buong America. Doon muna sila dinala para malibang daw sila sa beach. Napuntahan na din nila ang mansion ng Papa nya na puro mga hollywood celebries ang kapitbahay nito. Nalulula sya sa sobrang yaman ng Papa nya. Kung dati ay halos hindi sila makabili ng ulam dahil sa pagtitipid, ngayon naman ay halos lahat ng gusto nyang kainin ay nakakain na nya. Ewan nya pero parang nagiging matakaw sya lately. Binigyan din sya ng Papa nya ang isa sa mga paborito nitong sports car na Mclaren. Hindi nya naman kailangan ang ganoon kagarang sasakyan pero nagpupumilit ang Papa nya dahil cya na daw ang magma-manage ng negsosyo nito na Miller Steel Company.Nasa teresa ng villa silang dalawa ng Papa nya habang nanonood sa mga naliligo
Habang nagda-drive sya papunta ng bar ay naalala nya na naman si Jonie. Ang pangako nya sa sarili na pabalikin ang asawa sa buhay nya ay hindi pa nya nagawa. Hindi pa sila nakapag usap simula ng umalis ito. Mukhang pinagtataguan cya... wala na din ito sa bahay nila. Saan naman kaya posibleng pumunta si Jonie? Sa buong pagsasama nila ay hindi pa nya pala lubusang kilala ito... hindi nya alam ang mga posibleng puntahan nito maliban sa bahay nila. Hindi pa din tumatawag ang kapitbahay nito na pinagbilinan nya na tawagan cya sakaling uuwi si Jonie sa bahay nila... ibig sabihin hindi pa ito nakauwi doon. Totoo kayang may bago na itong boyfriend? Oo nga't nagalit cya pero sa kabilang banda ay nalungkot din cya dahil nawala si Jonie sa kanya at pinagpalit na cya. Aaminin nya masaya sya sa relasyon nila ni Jonie... hindi sila kailanman nag-away. Ginagampanan nito ang pagiging totoong asawa sa kanya... lagi cya nitong inalagaan at pinag luluto... ika nga the way to man's heart is through
****************KENNETH POV:Umalis na si Ava, nasa opisina lang cya nakatunganga. Maya-maya ay naalala nyang puntahan si Fe sa cubicle nito.. magtatanong cya baka alam nito kung saan makikita si Jonie.Tumayo sya at lumabas ng opisina nya. Biglang natahimik ang mga empleyado na nadadaanan nya. Parang ilag ang mga ito sa kanya... ikinibit balikat nya nalang iyon.Pagdating nya sa cubicle ni Fe ay malinis na iyon. "Wheres Fe?" tanong nya sa katabi nitong cubicle na si Cess."Ahm Sir, nag resign na." "Huh? Bakit?" nagtatakang tanong nya.. "Di ba pinag-resign ni Mam Ava kanina?" "Pero sabi ko mag-leave lang cya!" "Eh...tinakot po kasi ni Mam Ava na kung hindi mag resign si Fe ay guguluhin nya din kaya minabuti ni Fe na umalis nalang." Biglang uminit ang ulo nya sa pakikialaam ni Ava.. kung ganito lagi ang babae ay baka maubusan cya ng empleyado."Can you call her? I want to talk to her..." mahinahong utos nya kay Cess. "O-opo sir." Dali-dali naman na kinuha ni Cess ang cellphone
"I'm glad that my daughter has a friend like you. She is sad lately, nalulungkot daw cya dahil maiiwan nya ang mga kaibigan nya dito pag-alis namin. So if you are willing to come with us and work for my company I'll be glad to accept you just to make my baby happy... I've heard that you just got fired?" Ang haba ng sinabi ng Papa ni Jonie pero nung nagtagalog na ito ay saka cya napahinga ng matiwasay. Akala nya ay dudugo ang ilong nya sa kakausap kay Sir Gregore."Sir totoo ba ito? Hindi ba ito prank?" Tanong nya kay Sir Gregore. "What prank?" nalilitong wika din ni Gregore. "Pa, hindi pa din makapaniwala si Fe...kanina pa nya ako pinagbibintangang sumali sa sindikato at kumapit sa patalim." Sumbong ni Jonie sa ama. "Hahaha..." Dumagongdong ang malakas na tawa ni Gregore sa loob ng kwarto. Pati ang pagtawa nito ay may authority. Aliw na aliw ang Papa ni Jonie sa kanya. "Dont worry Fe... this is all true. I want to make-up for my queen Beth and my Princess Jonie. Kaya kung ano
Hinatid cya ng taxi sa isang Five-star hotel sa Pasay. Pagdating ng hotel ay napahanga cya sa laki nito. Nakatanga lang sya sa mga naglalakihang chandelier, first time nya pumunta sa ganun kalaking hotel. Bigla tuloy cyang nanliit, siguradong mayayaman ang mga taong pumupunta doon, hindi cya bagay doon.Tinext nya si Bebe na nasa lobby na cya, nakapatay pa din kasi ang cellphone ni Jonie. Hindi nya alam kung ano ang rason nito bakit nagpapatay ng cellphone samantalang halos hindi nga nito mabitawan ang cellphone dati. Hinintay nya si Jonie at Bebe na sunduin cya, nahhihiya kasi cyang pumasok, baka hindi cya papasukin ng guard dahil hindi naman cya naka check-in doon. Maya-maya ay nakita na nya si Jonie at Bebe na palapit sa kanya. "Besh! huhuhu!...." hagulgul nya ng makita ang kaibigan at niyakap ito, wala na cyang pakialam sa mga nakatingin sa kanya, ang gusto nya lang ay maibsan ang sama ng loob nya. "Besh!..." wika din ni Jonie, nagyakapan sila. "Halika sa room namin, doon tayo
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.