Share

CHAPTER 6

JONIE POV:

Nagpatiuna na naman cya sa paglakad. Iniisip nya ang sinabi ng doctor. kailangan ng operahan ang mama nya sa lalong madaling panahon para maiwasan ang pag kalat ng cancer sa katawan nito.

Kailangan nya ng malaking halaga. 1 milyon ang hinihingi ng doctor sa kanya! Saan naman sya kukuha ng ganun kalaking pera! Wala pa nga sa kalahati ang ipon nya. Kung sana ay wala iyong maintenance ay siguro malaki-laki na ang naiipon nya. Bukod kasi sa pang oopera ng Mama nya ay kailangan nya din ng budget para sa maintenance nito.

Kahit pa patayin nya ang sarili sa pagtatrabaho at pagluto ng ulam araw araw ay hindi pa din kaya punuin ang 1 milyon. Saka pagod pagod naman ang katawan nya. Baka pati cya ay ma-ospital na din sa kakahanap ng pera. Naiiyak nalang cya.. pasimpleng pinahid nya ang luha nya.

"Hey anything wrong?" tanong ng boss nya. Malamang ay napansin nito ang pananahimik nya at ang pasimpleng pagpahid nya ng luha.

"Ah wala po sir...." pagsisinungaling nya. Nakakahiya at nakita pa cya ng Boss nya sa ganoong sitwasyon.

Nang makalabas na sila ng ospital ay nag paalam na cya sa boss nya.

"Salamat sa paghatid Sir ha... dito nalang po ako mag aabang ng jeep...." balak nya sana mag grab pero sayang din ang pera na pambayad. Pandagdag pa yun sa ipon nya para sa operasyon ng mama nya.

"Mahihirapan kang maka uwi nyan... kita mo punuan ang mga jeep? Sumabay ka na sa akin, ihahatid na kita..." alok nito sa kanya.

"Naku wag na po Sir! Nakakahiya na talaga!

Saka may pupuntahan ka pa malapit dito di ba?"

Sandaling napa-isip si Ken.. Oo nga pala, yun pala ang alibi nya kanina para pumayag si Jonie na ihatid nya sa ospital.

"Ah eh... wala na....tumawag na ang ka meeting ko dito, bukas nalang daw kami mag kita..." pagsisinungaling nito.

"Ganun po ba..."

"Tara na...ihahatid na kita." sambit ng boss nya. Nagpatiuna na din ito sa paglakad papuntang parking kung nasaan ang sasakyan nito. Hindi na tuloy cya naka hindi. Tinalikuran na cya at naunang sumakay ng kotse.

Nahihiya man cya pero sumakay na din. Mahihirapan talaga cya makasakay... Friday pa naman ngayun at araw ng swedo.

"Saan ba ang sa inyo?" tanong nito sa kanya ng makasakay na cya.

Wala sa sariling binigay nya ang adress ng bahay nya.. Iniisip pa din ang sinabi ng doctor kanina.

"What happened Jonie? Ano ang sinabi ng doctor tungkol sa kalagayan ng mama mo?"

Humikbi sya.... ang bigat na kasi ng nararamdaman nya... Bakit kasi wala cyang tatay at mga kapatid? Solo nya lang tuloy ang problema.

"K-kailangan daw operahan si Mama. Malaking halaga ang kailangan. Konti palang kasi ang ipon ko, kailangan na daw kasi pigilan ang pagkalat ng cancer sa katawan nya...." tumutulo ang luha na kinukwento nya sa boss. Hindi nya alam kung bakit cya napa-kwento dito.... siguro dahil kailangan nyang ilabas ang sakit ng dibdib nya.

"Magkano ba kailangan?"

"Isang milyon daw po..."

"I will give you 1 milyon." Simpleng sabi lang nito sa kanya habang nagda drive.

"Naku wag po Sir! Hindi po ako tumatanggap ng abuloy....nakakahiya!!!" utal-utal na tanggi nya.

"Hindi ito abuloy... tulong ko sau."

"Kahit na Sir! hindi ko kayang bayaran yan sayo!"

"Maliit na halaga lang sa akin ang isang milyon."

"Oo nga Sir pero hindi ko pa din kayang bayaran yun..." Kahit pa kailangan nya ng pera ay hindi naman cya basta basta lang tatanggap sa boss nya. Hindi cya ganoong tao.

"Edi bayaran mo ako sa paraang gusto ko!"

Napatingin sya sa Boss nya. "P-paano po Sir?"

"I'll give you 10 million.... be my lover for 3 months."

"What!" Napalakas ng boses nya.

"Ayaw mo ng abuloy di ba? Ayaw mo din na na tulungan kita, kaya bayaran mo nalang sa paraan ng gusto ko. 10 million for your body. Alam ko virgin ka pa kaya kulang ang isang milyon. Gagawin ko sampung milyon pumayag ka lang." Normal lang ang pag sabi nito sa kanya. Parang nanghihingi lang ito ng tinapay. Pero hindi ba nito alam ang kapalit ng hinihingi nito? Buhay at kinabukasan nya ang nakasalalay dito! Masisira ang pagkatao nya kapag pumayag cya!

"Pero Sir hindi po ako ganung babae!" Pilit nyang ipinapaintindi dito na iba sya sa mga babaeng nagkakandarapa dito... Iba cya!

"Alam ko... kaya nga nagustuhan kita eh. Alam kong iba ka sa mga babaeng pumupunta sa office ko."

"P-pero Sir....hindi ko po kaya ang ipapagawa mo sa akin." Hindi nya lubos maisip kung bakit sya nito inalok ng ganun? May nagawa ba cyang pagpapakita ng motibo sa boss nya para gawin nito iyon sa kanya? Sa pagkaka-alam nya ay wala naman. Maingat pa nga cya sa mga galaw nya kapag kaharap ang Boss dahil alam nyang maloko ito sa mga babae. Ayaw nyang matulad sa kanila.

"Pag-isipan mo.... Para sa Mama mo. Kung ayaw mo ay hindi kita pipilitin."

Napayuko cya... hindi nya akalain na ooferan cya ng boss nya ng indecent proposal.. Kahit pa wala pa cyang ginagawa ay parang napakababa na ng tingin nya sa sarili nya. Pero paano naman ang Mama nya? papayagan nya bang mamatay nalang ito dahil sa prinsipyo nya? Bubuhayin ba sila ng prinsipyo nya? Shit!  ano ang gagawin nya?

Wala na silang pansinan buong byahe. Wala cyang masabi at malamang ay wala na din itong sasabihin sa kanya. Nasabi na nito lahat ang gustong sabihin...nasa kanya nalang ang desisyon. Sa kakaisip nya ay hindi nya namalayan na nasa harap na sila ng bahay nya. Tumigil ito sa harap ng gate nila.

"Pag isipan mo Jonie. I want your answer tomorrow morning. Kung hindi ka tatawag bukas ay ibig sabihin hindi ka pumapayag." Sambit nito sa kanya. Hindi pa din ito tumitingin sa kanya... nasa harap lang ito nakatingin. Hindi nya din naman kayang harapin ito ng mata sa mata.

Dahan-dahan cyang lumabas ng kotse... walang salitang lumabas sa bibig nya. Kahit nga magpasalamat dahil sa paghatid nito sa kanya ay hindi nya nagawa.

Nang makalabas na cya ay tinapunan muna sya nito ng tingin... Nag tama ang kanilang mga mata. Ewan lang pero nakikita nya sa mga mata nito ang pagsusumamo na sana ay pumayag cya sa proposal nito. Ilang segundo pa silang nagka tinginan bago nito ulit paandarin ang makina at nagdrive na palayo sa kanya...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status