Share

Chapter 24

Chapter 24

AXEL TOPHER'S POV

"Wala na bang naiwan na gamit sa loob?" tanong ni Ate Grace.

"Wala na, pinalinis na rin ni Kat yung bahay," sagot ko.

Nilapitan ko si Elise na hirap na hirap sa pagbuhat ng maleta niya paakyat sa likod ng van. Kinuha ko 'yon mula sa kaniya at ako na ang nag-akyat.

Naagaw naman ni Tricia ang pansin ko ng tawagin niya ako at manghingi ng tulong. Tinignan ko muna si Elise bago nilingon si Tricia.

"Topher! Patulong naman magbuhat nito!"

"Elise-"

"Tawag ka ni Tricia." aniya at naglakad palayo sa akin.

Pinanood ko muna siyang maglakad papunta kay Bryce na kinukuhanan ng litrato ang pinsan kong patay na patay sa kaniya. Well, the feeling is mutual naman na ata.

Nag-jog ako palapit kay Tricia na naka-cross arms pa at parang naiinis dahil sa hindi ko pagsunod agad sa kaniya.

Pansin ko na rin ang pagbabago sa mga kilos niya nitong mga nakaraang araw. Nito ko lang din na-gets ko bakit niya tinanong si Danreb ng gano'n. Ako naman si tanga, nagpadala sa selos at galit.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status