Chapter fifty nineJAMIEUmuwi na kami agad ni Arthur kase baka matraffic kami hindi pa man din ako komportable kapag nasa sasakyan at nakahinto lang, nakakapagod din kaya bumyahe.Kaso nga lang habang nandito ako sa bahay iniisip ko pa rin si Lance, bakit hindi siya mawala sa isipan ko? Kitang kita ko naman na maayos na muli ang relasyon nila ni Grace, ano pang magagawa ko doon? Pinili ni Lance si Grace, kung sabagay wala naman palang pilian na naganap dahil siya naman talaga ang mahal.Ano pa bang gagawin ko? Alangan ipagsiksikan ko ang sarili ko?Kaawa awa na nga ako sa paningin ng ibang tao tapos mas kakawawain ko pa ang sarili ko dahil lang sa paghahabol sa lalake na iba ang mahal, grabe lang ayoko ng ganun.Napabuntong hininga na lamang ako dahil alam ko naman na mamaya pa uuwi sila Lance, bahala sila basta ako magpapahinga, busog naman na ako.Nanuod na lang ako ng movie kahit papaano nakakawala ng pagod at iniisip kapag nakafocus ka sa isang bagay.Kaso oras lang ang tinagal n
Chapter sixtyJAMIEHindi naman na ako gaanong naiilang kay Arthur, hindi naman siya yung kagaya ng ibang tao na kapag alam nilang single ka at approachable na babae ay sasamantalahin nila yun. Hindi ganun si Arthur, sadyang iba lang ang tingin sa amin ng ibang tao lalo na at single ako at single din si Arthur, babae ako at lalake siya ibang iba talaga magiging tingin sa amin.Ang hirap naman iwasan dahil lang sa magiging tingin sa amin ng iban tao, mas malaki naman ang naitulong niya sa akin kesa sa ibang tao, kaya naman bakit ko siya iiwasan dahil lang dun? Diba?“Mukhang nandiyan na sila.”“Oo nga eh.”Lumabas si Arthur dahil siguro tutulong sa pagbubuhat ng pinamili, ako naman nakaupo lang hinihintay silang pumasok dito sa loob ng bahay.Marami silang pinamili, may kasama pang alak, mukhang mapapatagal ang pagstay ni Arthur dito sa bahay.Alam ko naman ang paboritong ulam ni Lance kaso ayaw ko naman magpresintang magluto, nakakahiya naman sa jowa niya na mag eeffort daw.Kaya lang
Chapter sixty oneGRACEKailangan ba magpatalo sa legal? Iniwan nan ga niya si Lance tapos babalik balik pa? ano to? Ganun ganun lang? pwes hindi ako papatalo, ang kapal ng mukha ng isang asawa na babalik lang dahil mayaman na ang iniwan niya.Nanggigigil ako sa totoo lang, hindi ako masamang tao pero nagiging masama ako pagdating kay Jamie, sino bang girlfriend ang hindi maiinis?Maayos kami ni Lance eh, okay kami kaso biglang dumating yang Jamie nagpabuntis? Tsk, nalaman talagang mayaman na ang iniwan niya tapos babalik? Sinong hindi magagalit lalo nagmukha akong kabit?Hindi naman sa naiinsecure masyado kase akong nadown lalo akala ko wala na silang komunikasyon at ngayon buntis pa ang ex wife niya? sa tingin nila sasaya ako? Okay na agada ko? Hindi naman pwede yun, para akong naparanoid sa sobrang kakaisip sa kanila, ang laki ng tiwala ko kay Lance pero ganito ang nangyari.Nag away kami ng sobra noong nalaman ko ang tungkol sa dati niyang asawa na nabuntis niya, masisisi ba nila
Chapter sixty twoJAMIENapapansin kong madalas na iniimbitahan ni Grace si Arthur dito sa bahay, siya ata ang may gusto kay Arthur, bakit kase palagi niyag iniimbitahan?I mean halos isang araw lang ang agwat pupunta nanaman dito si Arthur, hindi ko alam kung pinapaalam niya kay Lance ito dahil madalas naman wala si Lance dito sa bahay.Pwede naman siya manuod sa internet ng mga vlogs na nagtuturo kung paano lutuin ang putaheng gusto niya kaso ang ginagawa niya? iniimbitahan niya si Arthur at nagpapaturo.Baka nga siya ang may gusto talaga dito.Si Arthur naman go with the flow lang, hindi ko sila iniistorbo kaso si Arthur nahihiya kaya palagi akong tinatabihan.Wala din akong pahinga kase naman imbis na magpahinga ako ineentertain ko kase si Arthur dahil kapag wala ng kailangan si Grace sa kaniya iniiwanan na siya.Syempre alangan naman hindi ko ientertain dito sa bahay, ako naman ang naunang nakilala nito ginagamit lang ata siya ni Grace hay nako, basta nakakaramdam ako ng kakaiba
Chapter sixty threeLANCEIba din pala nagagawa kapag busy sa trabaho, halos hindi ko namamalayan ang araw lalo naang oras, nakalipas na pala ang isang linggo akala ko araw pa lang.Kakatapos ko lang ng mga paper works ko, napakagaan sa pakiramdam kaya namanmakakapagpahinga na ako pwede na rin akong hindi pumasok para makapagbakasyon.Nagpapahinga ako dito saharap ng table ko, ipinikit ko muna ang aking mga mata dahil sa pagod at nakinig ng magandang music, kaso nga lang tumunog bigla ang phone ko.Napasilip ako kung sino ang tumatawag, yung isa sa mga kasambahay ko pala kaya naman agad ko rinsinagot. Narinig ko na natataranta ang tumawag at sinabing nag aawya sila Grace at Jamie ngayon, pinapauwi nila ako agad kaya napatayo ako at kinuha agad ang bag ko.Nagmadali akong umuwi sa bahay, kaso hindi namanako agada gad makakarating lalo mabagal ang mga usad ng sasakyan. May ibang sasakyan na nakapark, siguro ito yung sinasabing kaibigan ni Grace na pupunta dito,nagpaalam siya sa
Chapter sixty fourLANCESumabay akong nag almusal sa kaniya, hindi ako makakain ng maayos dahil iniisip ko kung paano ko sasabihin lahat kay Grace ang mga nasa isipan ko.Alam ko masama ako sa paningin niya kapag ginawa ko yun kaso kung papatagalin ko pa baka mas lalong mahirapan sa amin.Hindi naman ako papayag na manganganak lang dito si Jamie, gusto ko rin makita ang anak ko, gusto ko rin alagaan, alangan ibang tao ang mag aalaga sa kaniya? Ramdam kong gusto niyang umalis dito pagkatapos niyang manganak at sumama kay Arthur, hindi ako tanga para hindi makaramdam.Hindi ko naman gugustuhin na si Arthur ang mag alaga ng anak ko, na siya ang kumarga at kilalaning ama? Kung malayo sa akin ang bata malamang hindi lalapit ang loob niya sa akin.Hays, napunta na sa bata ang usapan pero ang kailangan kong gawin ay ang masabi kay Grace ang saloobin ko.Matagal ko na talagang pinag isipan ito, hindi ko kaya kaseng iderekta, wala naman kaseng tao na kayang manakit ng harapan lalo kung tungko
Chapter oneJAMIESobrang dami ng tao ngayon sa eatery ko, naakatuwang pagmasdan pero nakakapagod, sulit ang pagod tuwing ganito karami ang pumupunta, long weekend kasi kaya napakaraming dumadaan na turista, may malapit na magandang pasyalan dito sa amin kaya napakamabenta ng kainan ko ngayon lalo tanghalian na.“Ate Jam malapit na maluto ‘yon sinaing, siguradong marami pang kakain mamaya.”“Magdagdag pa kayo pagkaluto n’on.” “Opo.”May tatlo akong kasama dito sa kainan ko, hindi ko rin naman kakayanin kung mag isa ko lang, ako kase yung nandito sa kaha kaya palagi akong abala lalo at kailangan kong maging alerto sa mga taong mapansamantala.Ang hirap masalisihan baka may hindi magbayad, may mga ganung klaseng tao kase ‘yon bang eat and run na tinatawag, nakakalimutan na magbayad, sa sobrang sarap ng luto ko akala nila nasa bahay lang sila tapos aalis na agad pagkatpos kumain.Marami na akong naencounter na ganiyan simula ng nagpatayo ako ng kainan, wala naman kase akong maapplyan na
Chapter twoLANCEAfter a long long time I’ve been waiting for this!“Success ang proposal mo sir, congrats!”“Salamat.”“Congrats sir Lance!”My sleepless nights, my back pain, my stress and my overthinker mindset are now gone, sulit na sulit lahat ng iyon dahil sa nakamit kong gantimpala ngayon galing sa prestihiyosong parangal sa ibang bansa.Hindi ko akalain na mas marami ang kapalit ng mga sakripisyo ko kaya naman may kaunting salo salo kami ngayon dito sa kompanya.Lahat sila masaya para sa akin, lahat ng mga empleyado ko ay nagsisibati sa kung ano na ang narating ko. “I’m happy for you Lance.” Alex said, isa siya sa mga matagal ko ng empleyado dito. “ Sir Lance pala I’m sorry.” Sa sobrang tagal na naming magkakilala para na kaming magkapatid, mag ate dahil mas matanda siya sa akin ng dalawnag taon, yun nga lang may napapansin akong kakaiba sa kaniya may araw at oras na masyado siyang malapit sa akin, kumbaga higit pa sa magkapatid ang turing niya sa akin, hindi ko alam kung gun