Share

Chapter five

Chapter five

JAMIE

Hindi ko maisuot nang mabuti ang aking mga damit dahil ayaw ko magising si Lance, isang maling galaw ko lang magigising na siya agad.

Ang hirap isuot ng damit ko, yung bra at panty ko nasuot ko na kaso pahirapan pa, pawis na pawis ako habang nagsusuot ng damit dahil sa sobrang kaba.

Kaunti na lang at maisusuot ko na kaso biglang gumalaw si Lance kaya naman napahiga ako at napatalikod sa kaniya, tinaklob ko rin ang kumot na nasa gilid ko at nagkunwaring tulog.

Ramdam kong galaw siya nang galaw kaya napapikit ako nang mariin hanggang sa bigla na lang niya akong niyakap habang nakatalikod sa kaniya.

Yung kabog nang aking dibdib ay hindi na normal, nakayakap na siya ngayon sa akin na parang ginagawa niya dati sa akin.

Hayst! Bakit ba ganito ang naging sitwasyon ko ngayon? yung kamay niya malikot napupunta sa dibdib ko, hinahayaan ko na lang kase ganiyan naman talaga ang gawain ni Lance noong nagsasama pa kame, nagpapalambing ba.

Humiga ako nang maayos para hind niya mahawakan ang dibdib ko kaso hindi parin niya inaalis ang kaniyang kamay na nakayakap sa akin.

Napakakomportable ng posisyon niya ngayon na parang yung dati parin kami, yung mag asawa moment namin ganitong ganito.

Gusto ko na umalis.

Napatingala ako at nakaharap pala sa akin si Lance habang nakapikit, ngayon ko muling natitigan ang kaniyang mukha ng malapitan.

Pumuti siya lalo, hindi naman maikakaila na gwapo parin siya kagaya ng dati kahit anong anggulo, ano ba naman itong naiisip ko ngayon? yung bilis nang tibok ng puso ko kanina parang lumalala habang tinititigan si Lance.

“Umm.” Nagigising na siya paunti unti kaya naman nataranta ako, hindi ko alam kung pipikit ba ako o imumulat ko lang ang aking mga mata. “Dito ka lang.” yan ang rinig kong sinabi niya habang nakayakap sa akin.

Halata namang pagising na siya kase maliwanag na rin dito sa kwarto, hindi parin niya inaalis ang kamay niya na nakayapa sa akin. Parang tumigil ang mundo ko ngayon dahil pinapakiramdaman ko lang siya.

“Ugh! Ang sakit.” Bigla siyang napahawak sa kaniyang ulo, ako naman nakatingin lang sa kaniya, nakakunot ang kaniyang noo at iniinda ang sakit ng kaniyang ulo kagaya ng kaniyang sinabi, nasobrahan din kase niya ang paginom ng alak.

Napapamulat na siya nang kaniyang mga mata, ako naman na parang nakaglue sa kama nakatitig lang sa kaniya, hindi ko maalis ang pagkakatingin ko sa kaniya.

Unti unti na niyang minumulat ang kaniyang mga mata hanggang sa mapatingin din siya sa akin, papikit pikit pa ang kaniyang mga mata habang nakatitig sa akin, nakatingin din naman ako sa kaniya at nasa wisyo na ako habang siya? Wala pa sa wisyo.

Sa kakatitig niya sa akin pauti unti na rin ata niya akong nakikilala, halata ko iyon dahil sa pagkunot ng kaniyang noo habang nakatitig sa akin at biglang paglaki ng kaniyang mga mata dahil sa gulat.

Napaupo siya at napaatras habang itinatakip ang kumot sa kaniyang katawan. “Jamie?” nawala na ang pagkakayakap niya sa akin kaya pwede na akong umupo at magkikilos ng maayos.

Hindi ako makapagsalita dahil common sense na niya yan kung anong nangyari sa amin kagabi, pareho kaming walang saplot kanina, nakasuot na ako ng panloob ko na panty at bra ngayon, mabuti na lamang ay nagising na ako ng maaga.

“Anong nangyari?” nagtanong pa talaga siya. “Hayst.” Napabuntong hininga na lang din siya.

“Pareho tayong lasing na lasing kagabi.”

“Bakit ka nandito?” bigla niyang tanong sa akin, oo aminado ako na mali ako ng napuntahang kwarto, yung six at nine magkamukha kase lalo kapag binaliktad, sa sobrang lasing ko hindi ko na alam ang ginagawa ko.

“Hi-hindi ko rin alam.”

“Paanong hindi mo alam?” hindi ako makapagpalusot sa kaniya.

“Pareho nga kase tayong lasing kagabi, hindi ko na alam ang ginagawa ko.” Maski naman siya hindi rin niya alam ang ginagawa niya kaso ayaw ko siyang sagutin ng ganun.

Pareho na kaming nanahimik dahil pareho kaming nagulat sa nangyari, hindi parin ako makapaniwala sa ginawa ko kagabi, nagpakawild ako masaydo.

Ang tagal na kase ng huling may nakasex ako, mag asawa pa lang kami noon ni Lance tapos kung kailan naman may sex life na ako sa ex husband ko nanaman?

“Kasalanan talaga ng alak ito.” bigla siyang nagsalita.

Sinisi pa namin yung alak pareho naman kaming nasarapan, hinila niya yung kumot kaya hinila ko rin dahil iisang mahabang kumot lang ang tumatakip ngayon sa aming katawan.

“Mauna ka na magbihis.” Sabi niya sa akin, ibibigay na sana niya yung kumot sa akin kaso narealize niya hubad din siya. “Ay teka, teka!”

“Dito na ako magbibihis.” Sagot ko, isusuot ko na lang kase yung pantalon at magdadamit, parang first time naman naming ginawa ito, matagal ko ng nakita ang buong katawan niya kaya hindi na niya kailangan itago pa.

Mabilis na lang din ako nakapagbihis kase pareho na kaming gising, nakalihis lang siya nang tingin na parang nahihiya. Kami lang ang mag-asawang ganito.

Sabagay ang tagal na rin ng huli naming pagkikita.

“Pahiram ng kumot.” Sabi niya sa akin kaya binigay ko na, tapos na ako magbihis kaya siya naman, hindi ko alam kung may tuwalya dito baka nasa banyo niya.

Nagkakahiyaan pa kami ngayon, para kaming timang na dalawa.

Hindi na siya pumasok sa banyo nagtakip na lamang siya ng kumot at nagbihis nang kaniyang damit. Nakatalikod naman ako sa kaniya, nakaharap ako sa pinto habang nakaupo sa kama.

Bigla siyang napaubo, kumbaga nagpahiwatig siya na tapos na siyang magbihis.

Nagkakailangan na kami ngayong dalawa, naghihintayan kung sino ang mauunang magsalita, umupo na rin siya sa kabilang side ng kama.

“Anong balak mo?” tanong niya sa akin.

“Uuwi na.”

“Ah.” Hindi namin alam ang itatanong at sasabihin namin sa isat isa, masakit pa nga itong legs ko ngayon pati braso, hindi ko na matandaan masyado kung paanong posisyon naming dalawa, basta masakit ang katawan ko at pati na rin ang pagkababae ko, para akong virgin na ngayon lang nakipagtalik. “Ehem.” Parang may gusto pa siyang sabihin ngayon. “Ano kase—”

“Ano yun?”

“Yung ano—”

“Anong ano?”

“Yung kagabi.” Napalingon kami sa isat isa at nakita kong namumula ang kaniyang pisngi, siguro naaalala niya yung mga ginawa namin kagabi.

“Bakit?”

“Wala.” Yung ang dami dami ata niyang gustong sabihin tapos biglang wala ang isasagot niya, maski naman ako hindi ko alam kung paano siya kakausapin ngayon. “Ihahatid na lang kita.”

“Hindi na.” ayaw kong mang istorbo. “Kaya ko naman umuwi ngayon.”

“Fine.” Napansin kong kanina pa ring ng ring yung phone niya pero hindi niya sinasagot, ngayon lang niya kinuha yung coat niya dahil nasa bulsa yung phone niya, napabuntong hininga na lamang siya nang makita niya yung phone niya.

Girlfriend niya?

Kinakasama?

Gusto kong magtanong kaso nahihiya naman ako. Kahit legal kaming mag asawa ay hiwalay naman kami, may kinakasama na ata si Lance kaya siya aligaga ngayon lalo ng makita niya ang phone niya.

Inaayos na niya ang kaniyang mga gamit, habang ako? Nakaupo parin dito sa gilid ng kama. Nasa ibang room ang mga gamit ko at kailangan ko na rin ayusin iyon.

Tumayo na ako at lalabas na sana. “Ilihim na lang natin itong nangyari.” Bigla niyang sambit.

“Alam ko.” Yan na lang din ang sagot ko sa sinabi niya. “Aalis na ako.” Hindi na niya ako kinausap pa, lumabas na lang ako sa kwartong iyon at hindi ko inaasahan na makakasalubong ko yung bagong kasal.

“Hi Jamie! Nag enjoy ka ba kagabi? I hope you enjoy the night.” Hindi ako makapagsalita dahil kaibigan ko itong nasa harapan ko at kilala niya kami ni Lance na mag-asawa. Paano na lang kung lumabas si Lance dito sa kwarto at makita niya kaming magkasama, alam niya rin atang hiwalay na kami.

Bigla akong napaatras dahil bumukas ang pinto at lumabas si Lance sa kwarto, ito na nga ba ang sinasabi ko, kanina iniisip ko lang ito pero ngayon nangyari na.

Nagulat yung kaibigan namin na bagong kasal dahil nakita niya si Lance na lumabas sa kwarto na pinagmulan ko.

“Salamat sa pag-imbita ha.” Sabi ko sabay alis at punta sa kwarto ko. Hindi ko na rin pinansin si Lance dahil hiyang hiya ako.

Ako ang nagkamali sa kwarto, ako yung pumunta sa kwarto niya, ako ang may kasalanan, kaya dapat lang sa akin ito, kung ito ang karma ko sige tatanggapin ko, lilipas din naman ang araw na ito at makakalimutan namin ang mga nangyari.

Inayos ko na lahat ng gamit ko at umalis na sa hotel na iyon, hindi na ako babalik diyan, worst memories ever! Ang ganda sana ng kasal at araw na iyon kung sakaling wala si Lance.

Teka? Bakit ko ba siya sinisisi? Ako itong nakikwarto sa kaniya? Ako nga dapat ang sisihin kase ako ang nagkamali. Hays! Oo ako na ang mali.

Nasa bus na ako at nakatulala sa may bintana habang inaalala ang gabing hinubad ni Lance ang damit ko, hindi ko mapigilan na hindi maalala ang gabing iyon.

Oo aminado ako nasarapan ako kaso mali, ano ba dapat ang magandang term? Hindi dapat o mali? Hindi naman kase mali iyon dahil mag asawa kami.

Hindi lang dapat namin ginawa, kase mukhang may kinakasama na siya o girlfriend. Halata naman kase sa reaksyon niya.

Di bale na, atleast makakauwi na ako at hindi ko na siya makikita.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status