Lumaki ang mga mata ni Elsa sa mga salitang yun, ngunit wala siyang sinabi.Pinag iisipan niya ito.Si Lenny ay nascam para sumama sa gambling circle ni Kenji, malaki ang halaga ng pera na nawala sa kanya at napilitan siyang humiram ng pera mula sa mga loan shark. Napilitan pa siya na isuko ang kumpanya niya. Isa itong classic na death trap.Gayunpaman, walang katunayan na kayang ipasa si Lenny. Pinatigil ang imbestigasyon, at walang magagawa si Elsa.Kapag nakakuha si Wilbur ng ebidensya, maaaring buksan ni Elsa ang kaso. Ang superior niya ay mawawalan ng dahilan para pigilan siya, at baka magkaroon ng pag unlad sa kaso.Habang iniisip ito, agad na sinabi ni Elsa, “Nasaan ka? Dapat ka pumunta sa station, at maglalagay ako ng pang record sayo. Masisigurado ang kaligtasan mo sa ganito, at makukuha rin natin ang ebidensya.”“Hindi isang tanga si Kenji, Chief Janae. Imposible na gagana ang isang pang record. Kapag nahanap niya, mawawala ang pagkakataon ko,” Ang sabi ni Wilbur.Tuma
Nagsimula si Kenji na ipakilala ang mga lalaki sa mesa ng isa-isa. Ang lahat sa kanila ay may ari ng malaking mga kumpanya na may mataas na net worth.Pagkatapos ay tinanong ni Kenji, “Ano ang gusto mong simulan, pre?”“Kahit ano. Ikaw ang bahala,” Ang kalmadong sagot ni Wilbur.Tumango si Kenji ng nakangiti. “Magsimula pala tayo sa blackjack. Madaling laro lang ito. Ayos lang ba ito sayo, pre?”“Syempre! Gusto ko rin ang blackjack.”Kumaway si Kenji, at dinala ng dalawang bodyguard ang apat na box. Binuksan nila ito at nilagay nila ito sa mesa. Ang lahat ng mga box ay puno ng pera.Sinabi ni Kenji, “Ang bawat isa sa amin ay may one million dollars. Pwede niyo na iswipe ang mga card niyo ngayon.”Nilabas ng tatlong tao ang kanilang mga credit card, nilagay nila ito sa payment terminal na hawak ng isa sa mga babae.Nilabas din ni Wilbur ang card niya, ginawa niya rin ito.Ang mga bodyguard ay nagbigay ng cash, one million dollars sa bawat tao. May limang tao kasama si Kenji, at
“Sige, walang problema,” Ang sagot ni Wilbur.Sumenyas si Kenji gamit ang kamay niya, at may lumapit na taong may dalang isang promissory note. Maaga itong inihanda, kailangan lang ang halaga ng pera at impormasyon ng uutang.Tumingin dito si Wilbur at sinabi niya, “Ang interes sa promissory note na ito ay iba sa binanggit mo, Mr. Lilith. Nasa loob ba ito ng interest rate limit sa bansa?”“Syempre naman. Alam mo dapat na ang tunay na interes ay baso sa verbal agreement natin,” Ang sabi ni Kenji ng nakangiti.Tumango si Wilbur. “Naiintindihan ko.”Kumaway ulit si Kenji. Dinala ng dalawang bodyguard ang higit sa two million dollars at nilagay nila ito sa harap ni Wilbur.Nagpatuloy ang sugalan.Gayunpaman, sunod sunod ang malas ni Wilbur. Nawala ang two million dollars sa loob ng dalawang oras.Naluha siya at sinabi niya, “Bigyan mo ako ng isa pang two million dollars!”Nagsindi ng sigarilyo si Kenji at sinabi niya ng mabagal, “Pre, bagong kilala lang tayo, at pinahiram kita ng
Sumandal ng mahina si Wilbur sa upuan at bumulong siya, “Ito pala ang pagiging isang sugarol.”Hindi niya ginamit ang kahit anong mga kakayahan niya, sumama lang siya sa sugalan bilang isang ordinaryong tao.Nagsikap si Wilbur para gumanap sa papel niya bilang isang sugarol. Naranasan niya ang pakiramdam ng pagsusugal. Ang pagkasabik na manalo, ang inis sa pagkatalo, at ang pagiging balisa habang binabawasan ng maraming pera.Ang pagkasabik ay naglabas ng maraming adrenaline sa katawan niya.Ang pakiramdam na ito ay mas malupit pa kaysa sa isang roller coaster ride, nasabik siya sa paraan na naiintindihan niya kung bakit nakakaadik ang pagsugal. Totoo nga.Wala siyang pag asa na parang isang sugarol na nawala na ang lahat.Tumawa si Kenji sa sandaling yun.Nawala ang four million dollars kay Wilbur. Bukod pa dito, humiram siya ng isa pang four million dollars. Sa isang gabi, nawala ang kabuuan na eight million dollars sa kanya.Nabawi ni Kenji ang pera na nawala sa kanya noong
Tumawa si Wilbur at sinabi niya, “Isang capital offense na ang pagpatay, at mas mapupunta ka lang sa malaking gulo sa organ trafficking pagkatapos ng pagpatay. Hindi ka ba natatakot?”“Natatakot?” Tumawa ng malakas si Kenji. Matagal bago siya sinabi ulit, “Ang Lilith clan ay may kapangyarihan sa Seechertown. Sino ang dapat kong katakutan? Pre, wala akong lama tungkol sa lipunan na ito.”Kumunot ang noo ni Wilbur at tinanong niya, “Ang ibig mo bang sabihin ay ang isa sa three big clasn sa Seechertown?”“Mukhang may alam ka na konti. Tama, isa akong miyembro ng Lilith clan. Ang impluwensya ng clan namin ay umaabot sa pulitika at business. Sabihin mo sa akin, ano ang kailangan kong katakutan?” Ang mayabang na tanong ni Kenji.Tinanong ni Wilbur, “Naniniwala ka ba na ang Lilith clan ay higit sa batas?”“Oo. Ang mga tulad namin ay higit sa ordinaryong mundo. Pre, masyado ka pang bata. Baka nga alam mo ang tungkol sa three big clans, pero hindi mo naiintindihan ang kapangyarihan na mero
“Hindi namin ito pwedeng gawin. Sasama kami sa inyo.”“Isang utos ito. Lahat kayo, umatras agad.”Alam ni Elsa na makakatanggap siya ng malupit na parusa bilang vice-captain, at ito na ang mas maluwag na kalalabasan.Gayunpaman, hindi siya natatakot. Ang pinag aalala niya ay ang mapunta ang mga tauhan niya sa gulo. Bata pa ang mga ito, at ang ilan sa kanila ay hindi pa kasal. Hindi niay pagbibigyan ang sarili niya kapag nawalan sila ng trabaho dahil sa kanya.Dahil sa determinasyon ni Elsa at sa pressure mula sa mga higher-up, ang mga tauhan niya ay nagdadalawang isip na lumabas ng sasakyan.Sumaludo sila kay Elsa bago sila umalis.Huminga ng malalim si Lesa at lumabas siya ng sasakyan. Dumating siya sa entrance ng bar.Ang bar ay sarado sa ganung oras. Kumatok ng pinto si Elsa ng hindi nagdadalawang isip.“Sino yan?”Bumukas ng konti ang pinto ng bar makalipas ang ilang sandali, kasunod ito ng naiirita na boses. Sumilip ang isang blonde na buhok mula sa pinto.Sinipa ni Elsa
Hindi nakakilos sa oras si Elsa sa mabilis na mga atake ng lalaki. Agad na bumaliktad ang sitwasyon para sa kanilang dalawa.Humawak si Elsa sa kanyang tiyan. Napangiwi siya sa sakit habang napaluhod siya, hirap siyang huminga. Samantala, pinulot ng lalaki ang baril niya. Ang boses niya ay puno ng paghamak habang tinanong niya, “P*ta ka, sa tingin mo ba talaga ay madali akong harapin?”Tinanong ni Kenji ng may malupit na tono, “Anong nangyayari, Rambo?”:Sumagot ang lalaki na tinatawag na Rambo, “Boss, ang babaeng ito ay pumasok para magtanong tungkol sa gambling session. Mukhang nakapaghanda siya, kaya sinasadya ko siyang dalhin dito.”Tumingin si Kenji kay Elsa, pagkatapos ay tumingin siya kay Wilbur. Sinabi niya ng mabagal, “Mukhang mag kasabwat kayo.”“Parang ganun na nga,” Ang kaswal na sagot ni Wilbur.Tumawa si Kenji at sinabi niya, “Mukhang plano mo ito. Bala mo ba akong isetup?”“Oo.” Ngumiti si Wilbur.Ngumisi si Kenji at tinanong niya, “Kahit na kayong dalawa lang? N
Ang dalawang mga bodyguard at si Rambo ay nasa sahig. Ang mga mukha nila ay namimilipit sa sakit, at hindi sila makatayo. Hindi man lang sila makaimik.Nabigla si Kenji. Ang tatlong sugarol na parte ng setup ay natulala din.Hindi makapaniwala si Elsa, na para bang nakakita siya ng isang multo.Tinulungan siya ni Wilbur na tumayo at binalik nito sa kanya ang baril niya. Sinabi ni Wilbur, “Sinabi ko na sayo. Kontrolado ko ang sitwasyon.”Tinanggap ni Elsa ang baril, hindi pa rin siya makapaniwala na si Wilbur ay may pambihirang kakayahan sa pakikipaglaban. Agad na nagbago ang sitwasyon.Gayunpaman, may karanasan na rin siya sa karahasan, kaya mabilis siyang bumalik sa sarili. Tinutok niya ang baril niya sa lahat at inutos ng may istrikto na boses, “Taas ang mga kamay.”Ang tatlong sugarol ay takot na takot kay Wilbur. Mabilis nilang tinaas ang mga kamay nila at pumwesto sila sa pader. Si Kenji lang ang nanatiling nakaupo. Tila hindi siya takot.Ngumiti si Wilbur at tinanong niya,