Sandra's POVKUMUNOT ang aking noo nang maramdaman ang isang maliit na katawan sa aking tabi. Mula sa malalim na pagkakatulog, dahan-dahan kong binuksan ang mabigat na talukap ng aking mata. Pilit kong inaninag kung sino ang taong nasa tabi ko, saka unti-unting sumilay ang ngiti sa aking labi nang makita ko ang natutulog na si Levi.Hindi pa man nakalilipas ang ilang minuto, dahan-dahang minulat ni Levi ang kanyang mga mata."Good morning, Levi," pagbati ko sa aking anak habang nababakas ang ngiti sa labi."Good morning, mommy," tugon naman niya."Dito ka ba natulog kagabi?" tanong ko."Hindi po. Nagising ako dahil sa bad dreams at pumunta ako rito, saka natulog sa tabi nyo," aniya.Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Nadadalas na rin kasing nananaginip si Levi nang hindi maganda. Naaawa na rin ako sa anak ko at kung minsan, gusto ko na ring manatili muna siya sa parents ko. Sa tingin ko, hindi na kinakaya ng murang isipan ni Levi ang mga nangyayari ngayon sa mansion at isa it
Trina's POV'GAMIT ang aking palad, marahan kong sinuklay ang buhok ni Lucas na ngayon ay nakahiga sa kama. Nasa kanyang bibig ang oxygen na tumutulong upang siya ay makahinga nang maayos. Ang totoo, kinakabahan ako sa nangyaring ito. Alam kong planado ko ang mga bagay-bagay, ngunit hindi ko akalain na ganito kalala ang mangyayari. Hindi naaayon sa plano ang muntik na niyang pagkamatay."Good news po, Ma'am Trina. Stable na ang lagay ni Sir Lucas. Naging malakas nga lang ang pagtama ng kanyang ulo sa kotse kaya hanggang ngayon, wala pa rin syang malay," paliwanag sa akin ng doktor.Marahan akong tumayo mula sa pagkakaupo sa isang maliit na upuan katabi ng higaan ni Lucas, saka ako tumingin sa doktor at humarap sa kanya."Ano ang posibleng mangyari sa oras na nagising siya?"Umiling siya at tila problemado. Nababakas sa mukha ng doktor ang pag-aalala at pag-aalinlangan sa bagay na kanyang sasabihin. Sinimulan niyang ilagay ang mga kamay sa kanyang bulsa, at bago siya magsimulang magsal
Sandra's POVISANG lagok pa ng alak ang aking ginawa habang naririnig ang dagundong ng musika."Sandy, tama na 'yan. Kanina ka pa umiinom, nakarami ka na."Lumingon ako sa babaeng kasama ko ngayon sa lamesa habang nandito kami sa loob ng bar. Isang mapait na ngiti ang binigay ko sa kanya, saka muling humagulgol nang iyak."Jennie, hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Gusto ko nang sumuko. Gusto ko nang sukuan ang lahat ng ito," sunod-sunod kong saad.Mahigpit akong niyakap ni Jennie. Naramdaman ko naman ang paghagod niya sa aking likod upang ako ay pakalmahin."Tahan na, Sandy. Naiintindihan kita, alam kong kailangan mong ilabas ang lahat ng sakit pero isipin mo rin ang anak mong si Levi. Kung nasasaktan ka, mas nasasaktan siya," aniya.Tila isang libong karayom ang tumusok sa aking puso nang sabihin ni Jennie ang bagay na iyon. Hindi ko lubos maisip kung ano ang nararamdaman ni Levi ngayon. Ayokong magtanim siya ng sama ng loob sa kanyang ama, ngunit dahil sa ginagawang ito ni Luc
Sandra's POVHALOS hindi ako makahinga sa bagay na aking nakikita na naka-flash sa screen ng laptop. Alam ko naman at inaasahan ko na ang bagay na ito, ngunit hindi ko akalain na ganito pala kasakit ang mararamdaman ko. Sanay na ako sa sakit dahil noon palang, halos madurog na ako sa lahat ng pagsubok, ngunit sa pagkakataong ito, mas doble pa ang bagay na aking nararamdaman.Mabilis akong napatingin sa pinto ng aking opisina nang bigla itong bumukas nang malakas. Niluwa nito si Gab na mabilis at tila naguguluhan habang naglalakad patungo sa aking kinauupuan. Nababakas sa kanyang mukha ang pag-aalala."Sandy, nakita mo na ba?" saad ni Gab na halatang kinakabahan sa mga bagay na nangyayari.Mariin akong napalunok. Ang bigat sa aking dibdib na nadarama ko kanina ay bigla na lang bumuhos mula sa aking luha. Hindi ko napigil ang mga hikbi na lumabas sa aking labi."G-Gab, paano? T-Totoo ba to?" tanong ko habang humihikbing nakatingin kay Gab. "S-Sabihin mong hindi ito totoo, Gab?" pagtangi
Sandra's POVISA SA mga bagay na nagpapakirot sa ating puso ay ang masasakit na salitang binibitiwan ng mga taong mahalaga para sa atin. Sa tuwing sasaktan nila tayo, tila isang tiwala ang nawawala at mahirap nang ibalik.Hindi na ako muling bumalik sa opisina, dumiretso ako sa aking bahay at doon nagpahinga. Bagsak ang aking balikat nang pumasok ako sa loob. Maging ang mga magulang ko ay hinayaan na lang akong tumungo sa aking silid at hindi na tinanong pa. Marahil ay alam na rin nila ang mga bagay na nangyari. Alam na rin nila na ikakasal na si Lucas at hindi sa akin.Nakita ko rin ang lungkot sa mga mata ni nanay kanina at sa palagay ko, sa oras na yakapin ko siya, hindi ko na mapipigil ang sarili na humagulgol sa pag-iyak.Nang makarating ako sa aking silid, doon ko binuhos ang aking luha. Agad akong humiga sa kama at mahigpit na niyakap ang aking unan."Mom?"Natigilan ako nang makarinig ng isang tinig mula sa pinto. Agad kong pinahiran ang aking luha at umayos nang upo. Bumungad
Lucas's POVINAYOS ko ang suot kong suit at ang puting kurbata na nasa loob ng kuwelyo. Matapos akong ayusan ng mga tao na nandito sa loob ng dressing room, naglakad ako at umupo sa maliit na sofa na nandoon, saka sinuot ang aking sapatos."Sir Lucas, handa na po ang lahat," saad ng wedding coordinator."Sige, lalabas na rin ako," tugon ko.Marahan akong tumayo at lumakad sa isang full body mirror at tiningnan ang sarili.'Ito na ang hinihintay mong araw, Lucas.'Sa araw na ito, wala na siyang kawala pa. Hindi ko akalain na tatagal nang ganito ang lahat, ngunit kung minadali ko ang proseso, baka mapunta lang sa wala ang lahat ng paghihirap ko. Mahirap para sa akin ang naging desisyon kong iyon, ang magpanggap at saktan si Sandy.Sa totoo lang, halos madurog ang aking puso sa tuwing sinasabihan ko siya nang masasakit na salita. Doble ang sakit na bumabalik sa akin, ngunit sa oras na matapos ang lahat ng ito, babawi ako sa mag-ina ko. Babawi ako sa lahat ng nagawa ko.Hintayin mo lang a
Lucas's POVWALA na akong sinayang na sandali, agad akong sumakay sa kotse at inalam ang locasyon ngayon ni Sandy. Ayon sa aking inatasan, kasalukuyan siya ngayong nasa airport at paalis na ng bansa.Hindi mapakali kong kinuha ang aking cellphone sa bulsa, saka ko tinawagan ang koneksyon ko sa airport."Hello, Sir Lucas? Is there anything I can do for you?" tanong ng lalaking ito sa kabilang linya."Pigilan niya si Sandy na umalis sa bansa. Parating na ako diyan," utos ko sa kanya saka binaba ang telepono.Alam kong sa maiksing utos kong iyon, makukuha niya ang nais kong sabihin. Hanggang sa maya-maya lang, habang binabaybay namin ang kalsada, naipit sa traffic ang sinasakyan kong kotse."F*ck! May iba pa bang daan?" tanong ko sa aking driver."Pasensya na po, Sir. Pero wala na pong ibang daan. Saka hindi na rin po tayo makakaalis dito, bumper to bumper na po ang traffic," paliwanag niya."Sh*t!" inis kong wika saka sinuntok ang kamao sa unahan ng sasakyan.Hanggang sa maya-maya lang,
Sandra's POVNAKATANAW ang aking mata sa bintana ng eroplano habang pinanonood ang makapal na ulap. Kasalukuyan kaming nasa business class flight patungo sa Europe at doon namin nais magsimulang muli. Nakabili na rin kami ng condo roon at sariling sasakyan. Everything is ready pero pakiramdam ko pa rin ay may kulang.Lumingon ako sa aking tabi, nakita ko si Levi na mahimbing na natutulog. Nakakumot siya dahil sa malamig na aircon at nakayakap sa kanyang teddy bear. Nakita kong nakababa nang kaunti ang kumot niya kaya bahagya akong napangiti.Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang dulo ng kumot, saka ko ito hinila at inayos ang pagkakatakip nito sa kanyang katawan. Ngunit nawala ang ngiti sa aking labi nang makita ko ang maliit na butil ng luha sa kanyang mata.'Marahil ay iniisip na naman niya ang kanyang daddy na si Lucas. I'm sorry, Levi. But I know maiintindihan mo rin ang lahat pagdating ng panahon. Sabay tayong maghihilom, anak.'"May problema ba, Sandy?"Napalingon ako sa kanilan