Sandra's POVHALOS hindi ako makahinga sa bagay na aking nakikita na naka-flash sa screen ng laptop. Alam ko naman at inaasahan ko na ang bagay na ito, ngunit hindi ko akalain na ganito pala kasakit ang mararamdaman ko. Sanay na ako sa sakit dahil noon palang, halos madurog na ako sa lahat ng pagsubok, ngunit sa pagkakataong ito, mas doble pa ang bagay na aking nararamdaman.Mabilis akong napatingin sa pinto ng aking opisina nang bigla itong bumukas nang malakas. Niluwa nito si Gab na mabilis at tila naguguluhan habang naglalakad patungo sa aking kinauupuan. Nababakas sa kanyang mukha ang pag-aalala."Sandy, nakita mo na ba?" saad ni Gab na halatang kinakabahan sa mga bagay na nangyayari.Mariin akong napalunok. Ang bigat sa aking dibdib na nadarama ko kanina ay bigla na lang bumuhos mula sa aking luha. Hindi ko napigil ang mga hikbi na lumabas sa aking labi."G-Gab, paano? T-Totoo ba to?" tanong ko habang humihikbing nakatingin kay Gab. "S-Sabihin mong hindi ito totoo, Gab?" pagtangi
Sandra's POVISA SA mga bagay na nagpapakirot sa ating puso ay ang masasakit na salitang binibitiwan ng mga taong mahalaga para sa atin. Sa tuwing sasaktan nila tayo, tila isang tiwala ang nawawala at mahirap nang ibalik.Hindi na ako muling bumalik sa opisina, dumiretso ako sa aking bahay at doon nagpahinga. Bagsak ang aking balikat nang pumasok ako sa loob. Maging ang mga magulang ko ay hinayaan na lang akong tumungo sa aking silid at hindi na tinanong pa. Marahil ay alam na rin nila ang mga bagay na nangyari. Alam na rin nila na ikakasal na si Lucas at hindi sa akin.Nakita ko rin ang lungkot sa mga mata ni nanay kanina at sa palagay ko, sa oras na yakapin ko siya, hindi ko na mapipigil ang sarili na humagulgol sa pag-iyak.Nang makarating ako sa aking silid, doon ko binuhos ang aking luha. Agad akong humiga sa kama at mahigpit na niyakap ang aking unan."Mom?"Natigilan ako nang makarinig ng isang tinig mula sa pinto. Agad kong pinahiran ang aking luha at umayos nang upo. Bumungad
Lucas's POVINAYOS ko ang suot kong suit at ang puting kurbata na nasa loob ng kuwelyo. Matapos akong ayusan ng mga tao na nandito sa loob ng dressing room, naglakad ako at umupo sa maliit na sofa na nandoon, saka sinuot ang aking sapatos."Sir Lucas, handa na po ang lahat," saad ng wedding coordinator."Sige, lalabas na rin ako," tugon ko.Marahan akong tumayo at lumakad sa isang full body mirror at tiningnan ang sarili.'Ito na ang hinihintay mong araw, Lucas.'Sa araw na ito, wala na siyang kawala pa. Hindi ko akalain na tatagal nang ganito ang lahat, ngunit kung minadali ko ang proseso, baka mapunta lang sa wala ang lahat ng paghihirap ko. Mahirap para sa akin ang naging desisyon kong iyon, ang magpanggap at saktan si Sandy.Sa totoo lang, halos madurog ang aking puso sa tuwing sinasabihan ko siya nang masasakit na salita. Doble ang sakit na bumabalik sa akin, ngunit sa oras na matapos ang lahat ng ito, babawi ako sa mag-ina ko. Babawi ako sa lahat ng nagawa ko.Hintayin mo lang a
Lucas's POVWALA na akong sinayang na sandali, agad akong sumakay sa kotse at inalam ang locasyon ngayon ni Sandy. Ayon sa aking inatasan, kasalukuyan siya ngayong nasa airport at paalis na ng bansa.Hindi mapakali kong kinuha ang aking cellphone sa bulsa, saka ko tinawagan ang koneksyon ko sa airport."Hello, Sir Lucas? Is there anything I can do for you?" tanong ng lalaking ito sa kabilang linya."Pigilan niya si Sandy na umalis sa bansa. Parating na ako diyan," utos ko sa kanya saka binaba ang telepono.Alam kong sa maiksing utos kong iyon, makukuha niya ang nais kong sabihin. Hanggang sa maya-maya lang, habang binabaybay namin ang kalsada, naipit sa traffic ang sinasakyan kong kotse."F*ck! May iba pa bang daan?" tanong ko sa aking driver."Pasensya na po, Sir. Pero wala na pong ibang daan. Saka hindi na rin po tayo makakaalis dito, bumper to bumper na po ang traffic," paliwanag niya."Sh*t!" inis kong wika saka sinuntok ang kamao sa unahan ng sasakyan.Hanggang sa maya-maya lang,
Sandra's POVNAKATANAW ang aking mata sa bintana ng eroplano habang pinanonood ang makapal na ulap. Kasalukuyan kaming nasa business class flight patungo sa Europe at doon namin nais magsimulang muli. Nakabili na rin kami ng condo roon at sariling sasakyan. Everything is ready pero pakiramdam ko pa rin ay may kulang.Lumingon ako sa aking tabi, nakita ko si Levi na mahimbing na natutulog. Nakakumot siya dahil sa malamig na aircon at nakayakap sa kanyang teddy bear. Nakita kong nakababa nang kaunti ang kumot niya kaya bahagya akong napangiti.Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang dulo ng kumot, saka ko ito hinila at inayos ang pagkakatakip nito sa kanyang katawan. Ngunit nawala ang ngiti sa aking labi nang makita ko ang maliit na butil ng luha sa kanyang mata.'Marahil ay iniisip na naman niya ang kanyang daddy na si Lucas. I'm sorry, Levi. But I know maiintindihan mo rin ang lahat pagdating ng panahon. Sabay tayong maghihilom, anak.'"May problema ba, Sandy?"Napalingon ako sa kanilan
Sandra's POVKUMUNOT ang aking noo at napatanong sa sarili. Binura ko pa ba ng tuluyan ang mensaheng iyon?"Totally deleted na sa trash file ko ang email?" tanong ko sa sarili. "Paano nangyari 'yon? Dapat ay thirty days pa bago totally mag-delete ang mga email sa trash," muli kong sabi.Napailing na lang ako at huminga nang malalim. Oh, well. Wala naman na akong magagawa kung nabura na. Baka sign na rin ito upang kalimutan na nang tuluyan si Lucas. I guessed destiny na rin ang nagsabi na huwag na lang.Marahan kong binaba ang screen ng aking laptop at sinandal ang aking likod sa upuan. Tinaas ko ang aking ulo at tumingin sa malayong kisame. Pinatong ko ang aking palad sa aking dibdib at pinakiramdaman ang puso ko. Mabilis ang tibok nito. Tila may kung ano sa loob ko ang nanghihinayang dahil hindi ko nabasa ang mensaheng iyon.Mabilis akong umiling.'Ano ka ba, Sandy? Ano naman kung hindi mo nabasa 'yung message? bulyaw ko sa sarili.Pilit kong inalis ang bagay na iyon sa aking isip. M
Sandra's POVNAKANGITI ang aking labi habang minamasdan ang ngiti sa labi ni Levi. Kasalukuyan siyang naglalaro sa park gamit ang kanyang bisikleta. Naka-alalay naman sina nanay at tatay sa kanya habang kami ni Gab ay nakaupo sa loob ng malaking tent na inayos namin kanina."Mommy, tingnan mo ko. Kaya ko na walang hawak!" masayang sigaw ni Levi habang nagpapasikat sa amin."Diyos ko po, Levi! Humawak ka nga!" nag-aalalang sigaw naman ni nanay."Mami La, I can do this. Brave na po ako!" matigas ang ulong saad ni Levi."Careful, Levi!" sigaw ko mula sa kinaroroonan namin ni Gab."I will, mom!"Muli akong tumawa nang ipadyak ni Levi ang kanyang paa at nagsimula na namang magpatakbo ng kanyang bisikleta. Halos-hingal takbo namang humahabol sina nanay at tatay sa kanya. Matigas talaga ang ulo nitong anak ko pagdating sa paglalaro. Napapailing na lang ako sa habang minamasdan siya, saka pinipigilan ang sunod-sunod kong pagtawa."Pasaway talaga itong si Levi," hindi naiwasan kong bulong."Ma
Sandra's POVNABABALOT ng kakaibang amoy ang paligid. Napakunot ang aking noo dahil sa amoy ng gamot na nananatili sa aking ilong."Anak, gising ka na ba?" narinig kong sabi ni nanay.Maya-maya lang, unti-unti kong ginalaw ang aking katawan at marahang binuksan ang talukap ng aking mga mata."N-Nay?" nauutal kong wika saka hirap magsalita.Marahan kong nilubot ang aking paningin. Noong una ay malabo hanggang sa unti-unti itong lumilinaw."Bakit ako nasa ospital?" muli kong tanong.""Hinimatay ka kanina, Anak. Bakit ba ano bang nangyari?" nag-aalalang tanong ni nanay.Maya-maya lang, sabay kaming napalingon sa pinto nang bumukas ito. Niluwa ng pintong iyon ang doktor sa ospital na ito. Lumapit siya sa amin habang hawak ang ilang papel sa kanyang clipboard paper."Good day, Ms. Sandy. I'm your assigned doctor. You feeling better?" tanong sa akin ng doktor.Nang tuluyan siyang makalapit sa aming kinaroroonan. Hinawakan niya ang balikat ni nanay na nooy nababakas ang pag-aalala sa mukha.