Share

Lost In Love Under The Midnight Sky
Lost In Love Under The Midnight Sky
Author: PenOfUncertainty

Prologue

We stayed quiet for a minute, I threw a glimpse and I saw that his eyes were watering but he didn't let it fall, he's trying to hold it... hold back his tears.

I took a deep breath and break this fucking silence, I can't take it anymore!

"Sabihin mo sa 'kin kapag nahihirapan ka na, ah? Hindi naman kita pipigilan. Mahal kita pero ayokong makita kang ganiyan."

'Please say no love, please.'

Nanatili pa rin siyang tahimik at nakatingin sa akin.

"Okay lang naman sa 'kin kung bumitaw ka at hindi na rin kita hahabulin," matatag kong sambit. "Nakikita ko sa mata mo na hirap ka na, kahit hindi mo sabihin alam ko na," sinabi ko 'yon habang nakatingin sa mata niya.

'No, love. I don’t mean it please stay with me, don't leave.'

And the tears that he was trying to hold back, were already started escaping in his eyes. Naluluha na rin ako. I hate seeing him like this. Ang sakit sa dibdib, ang hirap huminga.

"I can see it in your eyes..." I still managed to joke around by singing the lyrics of a song. Parehas kaming natawa, isang malungkot na tawa.

"I can see it in your eyes too," he said.

I'm really nervous. My hand is shaking. Sa totoo lang, ayoko talaga siyang umalis, ayokong iwan niya ako, gusto ko dito lang siya sa tabi ko. Gusto ko iyon ang makita niya sa mga mata ko.

At nilamon na naman kami ng katahimikan.

Panay ang inom ko sa coke kahit na nilalamig ako, kahit na nanginginig ako.

"Nilalamig ka na, uwi na tayo?"

'Ayoko dito lang ako. Don't leave me, dito ka lang please?'

Hindi ko masabi ang mga katagang 'yan dahil ayoko maging selfish sa mahal ko. Pero sana... sana makita niya sa mata ko.

It's already 9:30 PM pero tahimik pa rin kami, walang kibuan. I don't want to go home yet but my mom texted me already. 

"Uwi na tayo?"

'Hindi 'yan ang gusto kong marinig sa 'yo love. Sabihin mo hindi ka papayag! Sabihin mo kaya natin 'to! Hindi tayo susuko, pagsubok lang 'to!'

Tumango nalang ako, mukhang ayaw na niya pag-usapan. May tiwala naman ako na hindi siya bibitaw, he promised me that he would never let me go.

Hinatid niya ako hanggang sa parking lot. Bago ko maisara ang pinto ng sasakyan...

"I love you."

Sabi ko sa kanya habang pinakawalan ko ang isang malungkot na ngiti mula sa aking labi habang hinihintay ko ang sagot niya.

He just smiled at me and a lonely tear is now escaping in my eyes.

"I love you more," he said with a smile that didn’t reach his eyes.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status