Share

Chapter 10

IRITHEL POV

Halos isang linggo na rin ang nakakalipas simula nang napagdesisyunan kong iwan ang trabaho ko. Isang linggo na din akong taong bahay, lahat ng mga hindi ko nagagawa dati ay nagagawa ko na. Mas nabibigyan ko pa ng oras ngayon si Lia sa lahat ng bagay. At ngayon nga ay linggo, kasama ko siyang nagsimba at nagdasal sa panginoon. Isa ito sa mga hindi ko nagagawa nung mga panahong nagtatrabaho ako. Lagi kong inaasa sa mga magulang ko si Lia dahil kahit weekend trabaho pa rin ang inuuna ko. Ngayon nga ay tatlong araw ng wala sila paps, nagdesisyon kasi silang magbakasyon muna sa probinsya. Kaya ngayong araw ng linggo, dalawa lang kaming nakapagsimba.

Bigla ko naman naramdaman na hinila ni Lia ang mga kamay ko. "Iri, dali!"

Hinigpitan ko naman ang pagkakahawak ko sa kamay niya. "Teka. Wag kang tumakbo, baka madapa ka". Tsaka ko siya inalalayan.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status