Share

Chapter 24

GYSELLE POV

Nandito ako ngayon sa Makati. Nakaparada sa isang parking lot sa harap ng isang presinto. Sa totoo lang kagabi pa ako binabagabag ng kaba sa dibdib ko, halos hindi ako patulugin ng mga mabibigat na tibok nito. Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko, galit ba o kaba ng katotohanan?

Kagabi kasi may isa akong natanggap na tawag. Oo isang random na tawag galing sa isang unknown number. Akala ko pa nung una ay isa itong emergency dahil nakailang tawag ito sakin bago ko pa ito nasagot. Nagulat pa nga ako ng magpakilala ang lalakeng nasa kabilang linya na pulis ito at kailangan nila akong makuhanan ng statement. Halos hindi ko malaman ang magiging reaksyon ko sa sinabi nito. Maya-maya pa ay nabanggit nito na tungkol ito kay Greg Quiño at kailangan na kailangan ang tulong at kooperasyon ko dito dahil asawa niya ako. Imbes na itama ang sinabi ng pulis na "asawa" ako, sumang-ayon

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status