Share

Chapter 5

IRITHEL POV

Wooooh! Sa wakas nagkaroon na ako ng oras para sa sarili ko. Nandito ako ngayon sa mall, nagiikot. Pagkakataon ko na 'to para bigyan ang sarili ko ng oras para makapag-unwind at makapagshopping ng mga gamit, lalo pa at lumalaki na si Lia. Kailangan niya na din ng mga bagong damit.

"Wow" nasambit ko ng makita ang isang  dress na nakadamit sa dalawang manequin na nakadisplay. Isang malaki at isang maliit na manequin.

"FAB BOUTIQUE"

"Hi ma'am" pinasok ko ang boutique at tumango din ako sa isang sales lady na nasalubong ko.

"Welcome to Fab" sabay-sabay nilang sabi at nagpalakpakan.

"What can I help you with?" lumapit na sa akin ang isang nakauniform na sales lady sa botique na ito.

"A-uhm ---"

"We have blouses--"

"The dress i--"

"Tamang-tama po ma'am, limited edition dress, signature dress, these are new arrivals" at dinala niya ako sa mga items na sinasabi niya.

"Ahm. I just want to ask my size in that dress tapos small size for a kid ages 4-5years old" at itinuro ko dito ang manequin na nakadisplay sa display window ng shop bago pumasok.

"Maganda ang taste niyo ma'am. Mabenta po iyon dahil sa mother and daughter set nito" explain pa nito.

"Talaga? Sa tingin mo magugustuhan ito ng pagreregaluhan kong bata?" nahihiya ko pang tanong na medyo naeexcite pa ang boses.

"Yes ma'am. I'm sure pati sa inyo babagay" at umalis na ito para kunin ang size na nirequest ko.

"Babe sa tingin mo ba gaganda ako dito kung ito ang isusuot kong damit sa dinner date natin?" narinig kong tanong ng isang babae sa hindi kalayuan kung saan ako tumitingin ng damit.

"I'm sure na kahit ano pa yang susuotin mo, babagay at babagay ito sayo" narinig kong sagot ng isang lalakeng nakatalikod at halatang busy sa paghahanap ng stilletos.

"Sir eto na po yung size na hinihingi niyo" biglang dumating ang isang sales lady dala ang isang shoe box.

"Wtf. Is that Greg CueƱo?" nasabi ko nalang sarili dahil nagulat ako nung namukhaan ko ang lalakeng nakatayo hindi kalayuan saken. Namukhaan ko ito dahil bigla itong humarap sa sales lady na dumating.

"Here you go! Try this one babe" lumuhod pa ito upang ipasuot sa babae ang stilletos na hawak nito.

"Hihihihi" humahagikhik pa ang babaeng nagsusukat. Is he cheating on gyselle?!

"Ma'am th---"

"Sshhhh" nagtataka naman yung sales lady nung sinenyasan ko na pakihinaan ang boses niya.

"Ito na po yung dress. Deretso nalang po kayo sa fitting room" sabi nito sa mahinang boses.

"Thank you" sagot ko at naglakad na papuntang fitting room.

*bzzzzt* *bzzzzt* *bzzzzt*

Gyselle calling. . . .

Oh shit. Bat ba ang swerte ko this past few days. Sa dinami-dami ng pwedeng tumawag ngayon saken siya pa! Napakagandang timing!!!

"H-hi" pilit kong pinapakalma sarili ko.

"Iri, sorry to disturb you. Alam ko busy ka ngayon pero can I ask you a favor?"

"Huh? Favor?"

"Yes favor"

"A-ahm what is it? Hehehe" fake na pagtawa ko.

"Will you join me for dinner tonight?"

"A-ahm"

"Please?" naunahan niya na akong magsalita.

"Sige" wala na akong nagawa kundi ang pumayag.

"Thank you. By the way nandito na ako sa Ramen malapit sa work mo. Hehehe" narinig ko pang natutuwa siya.

"Whaaat?" napalakas ang boses ko. Napansin ko pang napatingin saken ang babaeng kasama ni Greg.

"See you"

"Okay. Okay. Wait for me. Dont dare move!" parang nanghahamon na sagot ko sa kanya at nagmamadaling binaba ang tawag.

*tut* *tut* *tut*

This is insane! Imbes na dumiretso sa fitting room, naglakad nalang ako diretso sa cashier upang bayaran itong hawak-hawak ko na mga damit. So sobrang pagmamadali ko agad ko na itong binayaran ng hindi sinusukat pa.

_______________________________________

GYSELLE POV

"Hmmmm. This is life!" mahinang sambit ko sa sarili ko habang tinitikman ang red wine na hawak-hawak ko. Nandito ako ngayong sa bagong bukas na restaurant sa Makati. Maganda ang lugar, eleganteng tingnan pero kahit ganun pa man marami pa rin itong naging customer ngayon araw. Siguro dahil unang araw ng pagbubukas nila.

"Hi ma'am" lumapit saken ang isang waiter na halatang hindi sanay sa suot nitong damit.

"Yes?" malumanay ko namang sagot.

"Heres our menu fo--"

"Just give me the usual whats on the house" sagot ko nalang na hindi inaabot ang menu na binibigay niya, "Make it 2 orders and 1 strawberry milkshake" ngiti ko naman dito.

"Okay ma'am" at umalis na ito.

Maya-maya pa ay napansin ko na si Irithel sa pintuan ng restaurant. Malayo ang tingin at halatang hinahanap ako.

"Iriiii!" napatayo ako at tinaas ang isang kamay para mapansin niya ako. Napansin ko namang agad itong naglakad sa direksyon ko at parang nahihiya pa dahil nakuha ko ang ibang atensyon ng mga taong kumakain.

"Hey" bati niya ng nakarating na sa lamesang inookupa ko.

"Are you okay? You look terrible" nilapitan ko siya at sinisipatsipat. Para siya nakakita ng multo sa itsura niya, laglag ang ibang hibla ng buhok niya sa pagkakaponytail nito, visible ang dark circles sa mga mata niya at ang lamig ng mga kamay niya.

"Oo naman" agad nitong binawi saken ang kamay niyang hawak-hawak ko at nakipagbeso.

"Bakit parang pagod na pagod ka? At hinihingal ka pa" takang tanong ko dito.

"S-sobrang naexcite lang ako nung sinabi mong nandito ka. Hehehehe"

"Aahh. Your so sweet talaga. Have a seat" tinuro ko ang upuan habang sobrang tuwang-tuwa sa sinasabi niya.

"Teka bakit ba dito tayo kakain. Akala ko ba sa Ramen? Bakit biglang dito?"

"Nagkataon na nakita kong bagong bukas ito kaya dito ko nalang naisipan na pumunta. Tsaka hindi naman malulugi ang Ramen pag minsan ndi tayo kumain dun"

"Parang hindi ako bagay dito. Tsaka parang sobrang mahal ng pagkain dito" nakita ko namang inikot niya ang lugar gamit ang mga mata niya.

"Ano ka ba! You dont have to worry. Its my treat. Tsaka gusto ko bumawi sayo. Tingnan mo nga yang itsura mo, ang panget mo na" asar ko dito.

"Sobrang panget ko na ba?" biglang tanong nito agad na nakasimangot pa.

"Sira. Siyempre hindi. Siguro dala lang ng trabaho yan" natatawang sagot ko.

"Trabaho nga" mahinang sagot pa niya pero narinig ko pa rin.

"Speaking of work. Buti pinayagan kang umalis ng maaga?" takang tanong ko dito.

"Nagtake ako ng leave" bigla naman naging seryoso ang mukha niya.

"Leave? Himala ata at naisipan mong iwan ang trabaho mo" takang tanong ko dito. Paano ba naman kasi never niya naisipang iwan ang trabaho niya. Bread winner kasi si Irithel kahit na nag-iisang anak lang siya ng mga Aben.

"I'm under investigation" nahihiyang sagot pa nito.

"Ha?" sa sobrang gulat ko napalakas ang boses ko.

____________

IRITHEL POV

"That girl!!! Nanggigigil talaga ako sa katarantadahan ng babaeng yun! Ang sarap niyang ingudngod sa pader na sobrang gaspang! Urgh!" iritadong sagot nito. Paano ba naman kasi lahat ng nangyare sa trabaho ko

Ikinwento ko sa kanya.

"Sshhh" pilit ko siyang pinapakalma. Paano ba naman kasi yung ibang customer na kumakain dito ay nakatingin na samen.

"Sinasabi ko na nga ba! Noon pa man may pagkapokpok ang ugali ng babaeng yun" dagdag pa nito 

"Tapos na yun. Alam naman natin na hindi naman ako mahihirapan makahanap ulit ng bagong trabaho" napakamot nalang ako sa ulo.

"Bagong trabaho? Teka nga! Bakit? Hindi ka naman sangkot sa sinasabi nila diba? Bakit parang ngayon sumusuko kana? Tsaka simula nung nagbago ang bose niyo siya naman naglugmok sa business niyo. Kaya nga diba ikaw nalang halos ang naiwang lumang empleyado sa kompanya na yan! Tapos aakusahan ka nila na may ginagawang kabalastugan! O come on! That's insane" tsaka nito ininom lahat ng alak sa baso ng red wine na hawak.

"I know to myself that I'm not guilty. Pero kung hindi ako hahanap ng solusyon para kumita, magugutom kami" amin ko dito.

"No you're not. I'll help you"

"Gys, no need. Kaya ko naman"

"Hindi pwedeng palampasin ang ginawa niyang vivoree na yan sayo. Ginawa ka niyang bayaran sa harap ng ibang empleyado. Tapos tungkol naman sa company issue mo, ipapahiram ko sayo yung personal atty. ko. Don't worry about sa pambayad, you can pay me pag nakaluluwag kana" padabog nitong binaba ang hawak na tinidor. Nahiya naman ako sa ingay na ginawa niya ng padabog na tumunog ang plato sa harap niya.

"Gy, can you stop that! Baka mamukhaan ka ng ibang mga tao dito. Napakayaman pa naman ng asawa mo. Alam mo naman social media ngayon, konting action mo lang pag napicturan at naipost, kung ano-ano na iisipin ng tao. Tsaka lower down your voice kasi mukhang nakukuha na natin atensyon ng ibang kumakain" nag-aalalang sabi ko dito parang hiyang-hiya na ako sa kinauupuan ko.

"Hehehehehe" sa pagkakataon na yun, ako naman ang tumingin sa paligid at pilit na pinakalma ang sarili.

"Stop saying things thats are so outrageous. Okay?" awkward kong bulong dito. Lumapit pa ako sa kanya para talaga madinig niya ng maayos.

"I can help you. Magtatayo ako ng bagong shop near in BGC, if you want. We can be partners" tsaka ko hinawakan ang mga kamay niya. "If you don't want pwede kang magtrabaho dun, soon"

"Pero ka-"

"Please think about it" tsaka ko na binitawan ang mga kamay niya at kumain na.

Kahit kelan laging strong ang personality nitong si Gyselle. Never ko siyang nakitang naging malungkot o problemado sa harap ko. Kahit kelan hindi niya din ako tinanggihan pag kailangan namin siya ni Lia. Pero yung nakita ko ngayon, parang kakaiba. Dito ko lang naisipan na kahit gaano siya kadeterminado sa lahat ng bagay minsan pinagkakaitan din ng saya sa ibang pagkakataon. Buong akala talaga naming lahat nasa isa siyang masayang relasyon. Hindi ba dapat maging masaya ang relasyon kung nakakaangat sa lipunan? Pero bakit ganun? Kung tanungin ko kaya? Pero paano? Napakapersonal nun. Ang hirap simulan.

"Iri?"

"H--huh?" naputol ang malalim na pag-iisip ko.

"Hindi mo ba nagustuhan yung steak? You're not eating"

"A-ah. Hindi a. Sarap nga e, napakatender" sabi ko at agad na kumain ulit.

"Ang lalim pa rin ng iniisip mo" tiningnan niya ako ng mabuti sa mga mata.

"Ah k-kasi" paano ko ba sisimulan? Tatanungin ko nalang. Paano kung isipin niya na akala niya nakikichismiss ako sa buhay niya? Hindi nga ba? Kung sasagutin niya ng maayos, mapapanatag na ang loob ko.

"Kasi?" nagtataka na rin ito.

"Is everything well between you and greg?" deretsong tanong ko.

"......" hindi ito sumagot. Tinuon nalang nito ang atensyon sa kinakain.

"Ah-ahm so-sorry" agad ko namang dagdag na hindi na hinihintay ang sagot nito.

"......" tahimik pa din ito.

"I didn't mean t--"

"Did you see something?" deretsong tanong niya at agad inabot ang wine glass sa harapan niya. Tsaka ulit ito nilagyan at deretsonh ininom ang alak dito.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status