Share

Chapter 4

THEO POV

*ting*

"Hi sir, welcome to Ho Group!" pagkabukas ng pinto ng elevator agad naman bumungad sakin ang isang babae sa reception dito sa 32nd floor. Tumayo pa ito sa pagkakaupo at tsaka nagbow. Nakikita sa mga mata niyang gulat na gulat siya sa pagdating ko. Pero yung gulat na yun napalitan na isang matamis na ngiti kaya naman napaismid ako. I never fail to make girls turn to me like that. 

"I'm--"

"Sir Winfield! I hope you dont mind waiting?" agad naman niya akong nilapitan. 

"Hmmmm" hindi ko na kinailangan magpaliwanag dahil halatang kilala naman niya ako.

"Dito po tayo"

Agad ko naman siyang sinundan hanggang sa makapasok kami sa isang opisina. Sa tingin ko ito na ang opisina ni Mr. Ho, ang lawak at kitang-kita sa bintana ng opisina ang ibang naglalakihang gusali. Maganda ang view dahil nagkikislapan ang mga ilaw mula sa labas. 

"Please take a seat while waiting" dagdag pa nito at pinaupo ako sa sofa na naroroon. Ito na ata ang receiving area ng opisina. 

"Thank you" sagot ko naman ng nakangiti dito.

"A-uhm do you want coffee?" parang biglang ndi mapakali tanong pa nito saken. Halatang nagulat ito sa sagot ko.

"Tss. Dont be nervous, I won't bite you" tsaka ko siya kinindatan.

"A-uhm I n-need to go sir" nagmamadaling tumalikod ito.

"Wait" agad ko naman hinablot yung kamay niya at pinaharap siya saken. Doon ko napansin ang pamumula ng kanyang mga pisnge. 

"S-sir?" kinakabahang tanong nito.

"A cup of black coffee please, if you dont mind?" ngiting sagot ko.

"S-sure sir!" mabilis nitong binawi ang kamay niyang hawak-hawak ko kanina at nagmamadaling na itong umalis.

Agad kong sinipat ang relo sa aking kamay habang nakaupo dito sa sofa. Its 3:30pm, I'm 30 minutes early. Pinalibot ko naman ang paningin ko, kitang-kita sa opisina na'to ang buong Makati. Hindi na nakakagulat na napakaganda ng tanawin sa kinalalagyan kong gusali. Sa taas ng kinalalagyan ng opisinang ito mapapansin ang mga iba't-ibang ilaw na nagkikislapan dahil sa dilim ng palikid na dala ng malakas na ulan, pati kalangitan na may mga gumuguhit na kidlat ay kitang kita ko rin dito.

*bzzzzt* *bzzzzt* *bzzzt*

Conrad calling. . . .

"Theo nanjan kana ba?" may halong pag-aalala sa boses nito. 

"Yes! Kararating ko lang"

"Thats good" narinig ko pa ang malakas na buntong hininga nito.

"Where are you?"

"I'm fvcking stuck in a goddamn traffic!" iritadong sagot nito.

"Thats awesome" sarcastic na sagot ko.

"Tss. Awesome? My ass!" nahahalata na sa boses niya ang inis.

"Just enjoy the traffic. It wont last long" asar ko pa dito.

"Fvck this traffic. Pareho nating alam na ndi na nawawala traffic dito sa metro manila, mas lumalala, umulan man o umaraw, rush hour man o hindi!" nahihimigan ko na ang pagkainis neto.

"Thats why I hate going here!" plain na sagot ko dito.

"You hate going here but you still invest on this project? It's your idea! Come on!" rinig ko pa ang malakas na buntong hininga nito.

"I just want to try new things" asar ko pa dito.

"New things? Fvck you. If you want new things, we can start by having a night life not this kind of bullshit. Dude trabaho na ang inaatupag naten sa Cebu pati ba naman dito? I deserve to enjoy. Come on, iba 'to" asar na asar na sagot nito at mas lalo akong natatawa.

"You can enjoy the traffic" mabilis kong sagot dito. 

"Dude hindi traffic ang ineenjoy sa siyudad. Walwal ang tinutukoy ko. I deserve to be drunk and enjoy this moment. We deserve to enjoy. Mapagod ka naman minsan sa trabaho kasi tangina daig mo pa robot. Manila 'to. Iba ang saya ng mga tao sa night life dito" paliwanag oa nito sakin.

"Ooohh. Let me think about it" napapatango pa ako dito kahit na nasa kabilang linya ang kausap ko. 

"Oh men! Don't tell me, girls and night life are boring in your perspective?" parang ndi makapaniwalang tanong nito.

"I prefer having a peace of mind rather than stressing myself with those" kalmadong sagot ko. Nagbago na ako. Nagbago na lahat. 

"Are you nuts?! You're not getting any younger. You know what old man? You have a boring life"

*tut* *tut* *tut*

Narinig ko nalang na binabaan niya na ako ng tawag. Napangiti nalang ako at napailing.

"Sorry to keep you waiting" nagulat naman ako nung may pumasok sa pinto ng opisinang kinauupuan ko.

"President Ho" isang may edad na lalake na nakabusiness suit ang nakita kong pumasok. Mapapansin mong malakas pa ito kahit na may hawak-hawak itong tungkod habang naglalakad. Agad naman akong tumayo at iaabot sana ang aking kamay para pormal na makipagkamay dito ng bigla itong tumanggi.

"No need to be formal" nakangiting sabi nito at tinapik ang mga braso ko.

"I just cant believe you choose us" amin ko dito.

"Bakit hindi?" takang tanong niya pa saken at sumenyas na umupo na ulit ako. Doon ko naman nakitang inilabas niya ang isang kaha ng sigarilyo sa kanyang bulsa.

"Because others would say that I'm still young to operate this kind of business?"

"Theo you know me, wala akong pakialam sa mga sinasabi ng tao. All I know is that, I see you as a person who has the potential to takecare my fvcking business" nakataas pa ang kilay na sabi nito tsaka ito naglabas ng isang stick ng sigarilyo. "If you don't mind?" tanong pa nito sakin.

"Of course I don't mind" mabilis na sagot ko dito. 

"You smoke?" tanong niya sakin bago ibinuga ang unang usok ng sigarilyong kanyang sinindihan.

"I already quit smoking" amin ko dito. 

"Smoking is addicting and smoking is not beneficial. You know what?" nakatingin siya ng mariin sakin. "Because its business" bumuga ulit siya ng usok mula sa sigarilyong nakasindi at pagkatapos ipinatong na ito sa isang ash tray na malapit sa lamesang kinatatayuan niya. "Beneficial or not as long as you are earning money, that's business. I'm looking forward that you can handle my business and my employees well in the future. My son already failed in giving my emoloyees their beneficial interest, I never expect that our company loses those opportunities for them. So please don't make the same mistake my son had done to my employees. Bring back those beneficial interest that can help them grow in this company. Makakaasa ba ako sa'yo na aalagaan mo sila pati ang LinMi Group?" nakita ko sa mga mata nito ang pagiging isang mabuting businessman at ang pagkakaroon ng malasakit at passion sa mga ginagawa nito noon.

"President Ho, rest assured that I will takecare this company and th-"

*knock* *knock* *knock*

"Your coffee sir!" pumasok ang isang babaeng may hawak-hawak na tray sa kanyang mga kamay. Walang humpay ang pagpapapungay niti ng mga mata habang mariin akong pinagmamasdan. Kapansin-pansin din dito na mas sexy ito kesa sa babaeng sumalubong kanina saken sa reception area. Nakapencil cut ito na palda at hapit na hapit sa buong katawan niya ang suot nitong blouse. Pumuputok din ang labi niya sa kulay pulang lipstick na inilagay niya dito..

"Thank you vivoree" narinig ko pang sagot ni Mr. Ho.

"Here's your tea president ho" tapos bumaling saken, "Heres your black coffee sir win" kinindatan pa ako neto habang iniabot ang tasa ng kape.

"Fvck" malakas na pagkakasabi ko. Napatayo pa ako at pinagpag ang damit ko. Paano ba naman bigla nalang hinaplos ng babaeng nasa harap ko ang mga kamay ko pagkatapos iabot yung kape kaya nabuhos at natapunan ang suot kong pantalon.

"S-sorry sir. Papalitan ko nalang" inarteng sabi neto na halata namang sinasadya ang pangyayare.

"Are you okay iho?" halata sa boses ni president Ho na nag-alala ito.

"Dont come near me!" matalim ang mga matang sabi ko. Aakma sana itong tutulungan akong magpunas ng tissue sa suot ko pero hinablot ko nalang ang box ng tissueng hawak niya.

"Pero sir hindi ko po sinasadya" dagdag pa nito.

"Please leave" iritang sabi ko.

"P-presi---"

"Vivoree just leave please" may kasama pang buntong hiningang pagkakasabi ni Mr. Ho.

"......" at tuluyan na itong lumabas ng opisina.

"Sorry for causing such trouble, vivoree is my assistant" biglang nagsalita ito.

"Assistant of the president? Ba't parang ginagawa niya ang trabaho ng isang secretary?" sarcastic kong tanong. Abala pa rin ako sa pagpunas sa suot ko.

"I dont know. But I think you already know the answer iho" nakangisi nitong sabi at tumayo para lumapit sa pinakadesk niya.

"You know that I'm not interested in anyone sir" ngiti ko pang sabi na halatang ndi makapaniwala na sa tanda nito marunong itong bumasa sa mga pangyayareng katulad kanina.

"So you're a bachelor? Kabataan nga naman" natatawa pang sabi nito sakin. 

"I'm just busy. Not that busy. Kontento na kasi ako sa pagiging mag-isa sa ngayon. And I'm enjoying taking care of our businesses" sa pagkakataon na yun nakatingin na ako sa kanya. 

"Busy ka sa pagpapayaman. You know what? Pagiging mayaman is okay. Pero ang pagiging masaya ng may kasama ay walang kapalit" malumanay na payo niya sakin.

"I still have my family. Friends and Colleagues" 

"I'm talking about a partner. A partner in life" tsaka ito ngumiti ng pagkatamis-tamis.

"I'm still young. Hindi pa ako nagmamadali" yun nalang ang nasagot ko dito. 

"Sana maibalik ko ang kabataan ko, it is so nice to fall in love. The feeling is so nice" nakangiti pa rin ito saken.

"Aren't you inlove with Mrs. Ho?" asar ko dito.

"I'm everyday inlove with her. And everyday I love her more than she loves me" napansin kong parang kumislap ang mga mata nito sa saya.

"Thats happiness" ngiting sagot ko dito.

"Before I forgot. Please sign these papers" at iniabot niya na sa  kinauupuan ko ang mga papeles na dapat kong pirmahan, ang equity transfer agreement, "Mr. Winfield LinMi Group is all yours but-" parang nagdadalawang isip pa ito sa sasabihin.

"Go ahead sir, tell me" nakangiting sumulyap ako sa kanya.

"There's one person I like you to value particularly. Three years ago, I let my son take care of this business, when our company suffered from losses and went worse all the old staff that I have left the company. Only one girl stayed and went through hardships with us. LinMi group wouldn't survive if not for her." malumanay na kwento niya.

"A girl? Whats her name?"

"Irithel Aben, she is our current marketing manager. She's smart and kindhearted with a strong sense of responsibility. She is so dedicated to her career. Even though she's young, I know you can trust her. Kindly help her she's being accused by the company, I know she's innocent"

"Irithel Aben" pag-ulit ko sa pangalan nito.

_______________________________________

"Theo, Vyel Group has called and asked when its convenient for us to meet them?" tanong ni Conrad saken.

"....." tiningnan ko lang siya.

Nasa loob na kami ng sasakyan at papauwi na sa villa upang magpahinga. Hindi na talaga ako napilit ni Conrad na lumabas at ienjoy sana ang gabi. 

"Kailan mo balak ischedule?" tanong pa ulit nito saken.

"Not today. I'm tired. Just drive home" tamad na sagot ko.

"Palakas ng palakas ang ulan. Hayys. Gustong-gusto ko pa naman sana ienjoy ang night life ngayon" dagdag pa nito.

"Just drive carefully" sagot ko naman dito. Siya kasi ang nagdadrive ngayon.

"Theo can you tell me why did you buy the LinMi Group? Binili mo yun na doble sa market price nila. Are you out of your mind? Our main purpose here is to negotiate with Vyel Group, pero ngayon parang naging least option mo na ang asikasuhin sila?"

"I can do whatever I like. Remember I'm trying new things?" sarcastic kong sagot.

"Fvck your mindset. Hindi kita maintindihan. Binibigyan mo ako ng sakit ng ulo" napahawak nalang ito sa ulo habang ang isang kamay ay nakahawak sa steering wheel ng kotse.

"Change is good, keep that in your mind" tapos mahina kong tinapik ang braso niya.

"Fvck me. Change is coming!" sarcastic na sagot nito at bumuntong hininga. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status