Share

Chapter 3

IRITHEL POV

Isang magandang musika ang tumutugtog sa radio ng sasakyang sinasakyan kong taxi. Tugtog ito ng Maroon 5 na ang pamagat ay "She will be loved". Hapon na ng mapagpasyahan kong bumalik sa opisina para magreport. Naabutan ako ng malakas ng ulan. Pag malakas pa naman ang ulan sa siyudad napakahirap makahanap ng masasakyan kaya naman no choice na ako kundi ang pumara ng taxi. Galing ako sa isang business meeting tapos sumabay pa itong ulan, mas lalo tuloy nadadagdagan ang init ng ulo ko. Paanong hindi iinit ang ulo ko, naframed-up ako. Yung business meeting na nakaassign sakin ay isang set-up. Set-up para tapak-tapakan ang pagkatao ko bilang babae. Buti nalang may paninindigan ako at hindi ako pumapatol sa mga ganung oportunidad.

*peeep* *peeep* *peeep*

Naririnig ko naman ang mga palakas ng palakas na pag busina ng mga sasakyan. Napukaw nito ang atensyon ko. Pinaikot ko naman ang paningin ko sa labas, nakilita kong nagkukumpulan na ang mga pribado at mga pampasaherong sasakyan sa kalsada dito sa Makati. Kasabay pa nun yung mga malalakas boses ng ibang driver na umiinit ang ulo dahil nasisingitan sila ng mga motor kapag umuusad ng konti ang traffic. Nakikita ko rin ang dami ng mga taong may mga kanya-kanyang bitbit na payong. Mas lumalakas kasi ang buhos ng ulan sa mga oras na iyon. Buti nalang talaga mabilis akong nakakuha ng taxi kanina at hindi inabutan ng ulan bago pa ito bumuhos.

*bzzzzt* *bzzzzt* *bzzzzt*

Priya calling. . . .

"Nasaan kana? Totoo ba yun?" may pag-aalalang tanong nito saken.

"Im o--"

"Priya is that irithel?" narinig ko naman sa kabilang linya.

"No"

*tut* *tut* *tut*

At naputol na ang tawag nito. Hayys. Bakit ba ang bilis ng balita? Napabuntong hininga nalang ako. Dumungaw naman ako sa bintana ng taxi na sinasakyan ko, mapapansing malalaki ang patak ng ulan na bumubuhos.

*bzzt**bzzt**bzzt*

1 message receive

Priya <+639124600781>

Wag ka ng dumiretso dito ako na ang kakausap kay Sir Ho.

"Kuya pwede na po bang bumaba dito?" tinanong ko ang taxi driver nung nasa may Makati Avenue na kami.

"Ma'am?"

"Bababa na ako kuya. Tutal malapit naman na" agad kong nilabas ang wallet ko at inabutan ito ng bayad. Babaryahan niya pa sana ako kaso tinanggihan ko ng kunin pa.

"Salamat maam"

Nginitian ko nalang siya at agad ng lumabas ng kotse. Kahit malakas ang ulan, tumakbo pa rin ako. Nilagay ko sa itaas ng ulo ko ang bag ko at mabilis na tumakbo papasok ng LinMi Group. Basang-basa na ako pagkapasok ko sa building. Nararamdaman ko na din ang tubig sa dollshoes ko habang naglalakad. Inaalis ko na din ang blaizer kong suot. Habang nagmamadaling naglalakad papasok ng gusali sinisipat-sipat ko din ang nabasang damit ko.

*boogs*

"Uh! Sorry!" napahawak naman ako sa ulo ko kasi parang umikot ang mundo ko dahil nga hindi ko tinitingnan ang dinadaanan ko nakabangga pa tuloy ako.

"Never mind" isang baritonong boses ang narinig ko.

Pagtaas ko ng paningin ko nakita ko ang isang pamilyar na mga mata. Sa sobrang pamilyar nito sa akin, sinundan ko ang mga tingin ng mga mata niya hanggang sa naging matalim itong nakatitig saken.

"Ehem. Are you going to use the elevator or not?" nakatitig pa rin ito sakin.

Nagulat pa ako nung narinig kong tumikhim ito at nagsalita. "You can see me?" takang tanong ko naman dito.

"Of course! You're the one who bump me. Can't you see me?" balik tanong nito saken habang nakataas ang isang kilay.

"A-uhm. Sorry" bigla nalang ako nahiya kasi totoo naman na kasalanan ko dahil hindi ako nakatingin sa dinadaanan ko kaya siguro nabangga ko ito.

"Im a busy person. I have a meeting to attend to. If you're not going to take the elevator please step back so I can close the door." dagdag pa nito.

"Sorry" dito ko lang narealizr na nasa tapat na pala ako ng pintuan ng elevator. Kaya dali-dali akong naman akong pumasok sa loob, at pinindot ang 10th floor para maisara ang pintuan ng elevator. Sa puntong yun bumibilis ang tibok ng puso ko na para bang gustong kumawala kaya napahawak ako sa d****b ko. Maya-maya naramdaman ko na ang pag-angat ng elevator na hudyat na umakyat na ito.

Palihim ko naman siyang tinitingnan sa gilid ng mata ko. Bakit ba siya nandito? Akala ko ba nasa US na siya? Bakit ba ang liit ng mundo. Mukhang naging okay ang lahat sa kanya. Yung mga mata niya, yung mga asul niyang mata na parang tanaw na tanaw ang dagat sa kagandahan nito.

"Ehem!" umubo na naman ito at naputol ang malalim na iniisip ko.

"Huh?"

"Hindi ka ba bababa? Kasi its your floor already. 10th floor?" dito ko lang din napansin na dalawang numero lang ang nakapindot sa elevator nung oras na yun. Nasanay kasi ako noon na maraming kasabayan pero sa pagkakataon na yun ay dadalawa nga lang pala kami.

"Ahh. T--thank you" agad akong lumabas doon at humarap sa kanya para magpasalamat. Napansin ko pang nakatitig siya saken, those eyes, they are so unfamiliar to me. I guess he already forgotten me. Talaga bang nalimot niya na ako? O sadyang hindi niya ako mamukhaan dahil hindi niya ako nakikita noon.

_______________________________________

"Iriiiii! Why are you here? Di ba sinabi ko na sayong wag kana muna dumiretso dito? Gaga ka talaga!" bungad naman sakin ni priya pagdating ko sa work station ko.

"Give me a break" sabi ko dito at sinimsim ang kapeng iniinom ko.

"Kaya pala ndi mo na sinasagot tawag ko kasi nandito kana" nakapameywang pang sabi niya.

"Wala akong choice kundi dumiretso dito" napabuntong hininga pa ako habang sinasabi ito.

"Alam kong nakaplano lahat ng nangyare ngayong araw. Alam kong si vivoree ang nagsetup sayo para doon mismo sa lugar ni Tom kayo magpipirmahan ng kontrata. That slut. Anong akala niya sayo? Katulad niya?" gigil na gigil ang pagkakasabi nito.

"Hayys." wala na akong ibang masabi kundi ang mapabuntonghininga nalang at enjoyin ang kapeng iniinom ko.

"Did that dirty old man harrass you?"

"No" mabilis na sagot ko at ibinaba ang mug na hawak ko.

Malalim kong iniisip bakit siya nandito. Anong ginagawa niya sa Metro Manila samantalang sabi niya noon ayaw na ayaw niya sa mga city lalo na sa siyudad ng manila.

"I'm relieved! Are you okay? Parang ang lalim ng iniisip mo." nag-aalala naman ito sakin.

"Huh? Im okay. Dahil lang siguro to sa naulanan ako kanina papunta dito" palusot ko naman.

"Nagpaulan ka?" parang gulat na gulat pang tanong nito.

"I didnt have a choice. Okay? Sobrang lakas ng ulan sa labas. Tsaka kung aantayin kong umusad ang traffic baka aabutin pa ako ng bukas bago makababa, tutal malapit naman na kaya tinakbo ko na" paliwanag ko naman dito.

Bakit ka ba nandito Theo? Ano bang kailangan mo? Bakit sa dinadami ng pagkakataon na magkita tayo dito pa. Bakit?!

"Iri, vivoree is coming" agad naman akong iniwan nito at bumalik sa working station niya.

Pero diba dapat handa ako kasi alam ko sa sarili ko na maliit ang mundo at magkikita at magkikita kami. Kung magkita man o hindi life goes on. Urgh! Coincidence lang siguro na nagkita kami kanina. Hindi na yun mauulit!

"Irithel, Tom from Grush Corporation made a complaint about you. Hindi kana talaga nakuntento sa kasong ikinahaharap mo sa kumpanya dinagdagan mo pa" bungad ni vivoree pagdating sa kinauupuan ko, "you wanted to get the contract by having sex with him? Tsk" sarcastic na sabi pa nito.

"Trade sex?" narinig ko namang sabi ng isang empleyado

"She's insane" dagdag pa ng isa.

"Kaya pala maagang nagkaroon ng anak" napakuyom ang kamao ko sa mga narinig ko. Really? Magbubulungan sila pero naririnig ko. Ibang klase talaga ang mga bulungan ngayon, dapat dinig na dinig na nung pinag-uusapan.

"Irithel, stop acting innocent. Tsk. Stop acting like you are pure and innocent, you're a self proclaim whore. Sa sobrang pinagkakatiwalaan ka ni president I gave you good opportunity to prove yourself pero anong ginawa mo? You shouldn't have play it so dirty no matter how much you like the contract. Now, Tom wont cooperate with us anymore. Alam mo ba kung magkano ang nawala sa atin at sa kumpanyang pinagtatrabahuan mo?" maawtoridad niyang sabi.

"Shes fvck up" rinig kong komento ng isa.

"Its Hundreds of million. And you cannot afford to blow it. Kaya pala kumpanya na ang mismong gusto kang imbestigahan dahil mukhang malaki ang posibilidad na kasama ka sa corruption na nangyayari" duro pa saken ni vivoree, "kinakausap kita, wag mo akong binabastos sa pananahimik mo" dagdag pa nito. Papaano kasi hindi ko talaga siya sinasagot, ayoko sana siyang bigyan ng pansin pero sumosobra na yung mga naririnig kong panghuhusga galing sa kanya.

"You better get the hell out of here or you will blame me for being rude towards you" hinarap ko siya at binigyan siya ng warning look.

"Y-you--"

"Come on! Alam nating lahat na isang manyakis at mapangharas na tao si Tom! How dare you blame me those accusations na hindi ko naman ginawa? Who told you I would sell myself to someone life him. Its your plan, didn't you? You set me up to go to that place, if President Ho knew that Tom would be our client, will he let his employee close that fvcking deal?" sarcastic kong sagot dito, hindi na ako nakapagpigil.

"......" natahimik ito.

"Working with someone like you is a shame. Hindi mo naman kailangan gawin lahat sakin ng pagpapahiya. I'm tired. 'Yang kasong sinasabi mo? hintayin mong mapatunayan sa korte na inosente ako sa kaso bago mo ako dagdagan ng kung ano-ano yang pinagsasasabi mo. Kaya tigil-tigilan mo yang mga sinasabi mo. Baka ikaw pa ang makasuhan ko ng paninirang puri!" sa pagkakataon na yun mariin ko siyang idinuro. "I'm a whore? How could you say that? Do you have a proof for your accusations? Dahil lang sa kontrata na yan? Hindi ba ikaw lang din ang nag-utos sakin na asikasuhin ang deal na yun? To what? To prove myself? No. For you to set me up! Diba?" taas noong sagot ko. Sabay tayo ko sa kinauupuan ko.

"Iri. Hey! Ano ka ba? Tama na. Nakatingin na ang lahat sa inyo at tsama naririnig mo ba sinasabi mo? Kumalma ka kasi baka kung ano na naman ang maling information ang isumbong niyan sa kinauukulan" pigil saken ni Priya. Mabilis niya akong nilapitan.

"Yes loud and clear! At hindi ako takot sa isang katulad niya" sagot ko. Tsaka ko niligpit ang ibang gamit ko at ipinasok sa bag na dala-dala ko.

"Just quit, okay? You dont need to make a scene. Para makakuha ng simpatya ng ibang empleyado" sagot ni vivoree.

"Isn't this what you want? I'm sorry pero hindi mo ako basta-basta mapapalayas sa kompanyang ito. You're not my boss at alam ko sa sarili kong inosente ako" mabilis akong humarap sa kanya, nagulat pa ito nung nakita niyang halos konti nalang ang naging pagitan namin sa isa't-isa. "Tss. Scaredy cat" sarcastic ko pang pang-aasar dito.

"Iri" pinipigilan ako ng Priya. Hawak na nito ang isang braso ko.

"Hintayin mong ako mismo ang kusang magpapasa ng resignation letter na hinihintay mo, sa ngayon magtiis kang makita ang presensya ko sa loob ng opisina na'to"

"Hmmm. I'll do anything mapalayas kalang dito" sarcastic at pabulong nitong sabi. At tsaka umalis na may nakapaskil na ngiting matagumpay sa mukha niya.

_______________________________________

"Iriiiii" nakita kong papalapit saken si priya.

"What are you doing?" tanong ko pa dito. Nasundan niya pala ako hanggang sa makalabas ng building. Halata pang hinihingal ito dahil hinabol niya ako.

"Your wet" Iniabot niya naman sakin ang isang payong na hawak niya, "Don't do anything rush, president Ho is here. I will talk to him. I will complain. Sasabihin kong tetestigo ako sa kasong ibinabato nila sayo" napangiti naman ako sa sinabi niya. Napakaswerte ko dahil may naging katrabaho akong katulad niya. Hindi lang basta basta katrabaho pero isang kaibigan na din.

"No way. Its useless. We all know that Mr. Ho handed his business to his son. Kahit na malaman at matulungan niya ako ngayon, paano na sa susunod? I can't rely on him everytime na may nangyayare saken. I need to step on my own. You know that" explain ko sa kanya. Si Mr. Ho kasi ang Ceo noon pero dahil tumatanda na din siya at nasa legal age naman na ang kanyang anak para manahin ang business nila, ipinaubaya niya na ito dito. Pero dahil nga napakaincompetent ng anak nito, paonti-onti din nitong napabayaan ang business at silang mga empleyado".

"Pero--"

"Sooner or later iiwan ko din naman ang trabaho ko, alam mo yan. I need to find a more stable job. Right? Pero hindi ibig sabihin nun na guilty ako. I'm hundred percent sure na inosente ako. Dont worry everything will be alright! Malilinis ko din ang pangalan ko, lahat idadaan natin sa batas" nginitian ko siya. Totoo din naman yun. Gusto ko rin kasi sana magkaroon ng ibang opportunity pero sa pagkakataon na'to mas nangingibabaw na kailangan ko linisin ang pangalan ko.

"You are very brave! Huwag na huwag kang panghihinaan ng loob ha? Take a week break! Okay? I will miss you" may lungkot sa mga matang sagot niya saken. Nalungkot din ako, pero wala akong magagawa. Kailangan kong isipin ang magiging kinabukasan ng anak ko kaya ako lumalaban.

"Silly girl. Pwede naman tayong magkita pa rin. If anything happens, call me. Keep in touch? Okay?" nakita ko itong tumango habang nakangiti kaya isang ngiti nalang din ang iniwan ko sa kanya bago ako tumalikod at nagsimula ng maglakad papalayo sa kanya at sa gusaling pinagtrabahuan ko ng almost 8 years.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status