Share

Chapter 2

IRITHEL POV

"Iriiiii!" 

"I'm in the kitchen!" malakas na sigaw ko. Nagluluto kasi ako ng pananghalian.

"Iriiii!" at nakita kong bumungad siya sa pintuan ng kusina. 

"Heyy! What happen to you?" agad kong pinatay ang apoy ng niluluto ko at nilapitan ito. 

"Iri" mahinang sagot niya. Nakikita ko pang paonti-onti pa nitong pinupunasan ang mga luha na nalalaglag sa mga mata niya.

"Are you okay? What happen in school?" nag-aalalang tanong ko dito. Sa pagkakataon na ito nakalapit na ako sa kanya ng tuluyan. Inalis ko naman ang mga kamay niya na pilit na pinupunasan ang mga tumutulong luha sa mukha niya, hinawakan ko ang mga ito. 

"Iri is it true?" humihikbi siya habang sinasabi ito. Medjo huminto na ang kanyang pagpatak ng luha sa mga mata niya. 

"What is it?" Mas lalo akong nag-aalala pero malumanay ko pa rin siyang kinakausap. Kumalas na ako sa pagkakayap sa kanya at pinagmasdan ko siyang mabuti. Halatang umiyak ito ng sobra dahil namamaga ang mga mata niya, namumula na ito sa kakapunas niya. "Hey, stop crying! Sshhhh!" at niyakap ko siya ng mahigpit. 

"Iri did you get me inside of a garbage bag?" nakayukong tanong niya. Halatang nahihiyang tanong niya pa sakin sa pagkakataong yun.

"Huh? Garbage bag?" sa pagkakataon na yun sobrang nagtataka ako sa tanong niya. 

"Napulot mo lang ba ako sa labas, in a garbage bag" ulit pa nito. 

"Huh?" sa pagkakataon na yun dun ko na naintindihan ang gusto niyang itanong saken. Medjo nalungkot ako dahil sa murang edad nagagawa niyang sabihin at tanungin ang mga ganitong bagay na dapat ay hindi. "Ano yang sinasabi mo? Ikaw talagang bata ka!" ginulo ko naman ang buhok niya at tinitigan siya pero hindi niya inaangat ang kanyang tingin sakin, "Okay, who told you that?" mahinang tanong ko sa kanya.

"Rico said that his mom told him that all the babies that do not have a father are trash. Napulot lang daw sa b****a ang kagaya ko" that caught me off guard. Sa konting segundo natahimik at nanlamig ako.

"Hindi ibig sabihin na wala kang tatay, napulot kana sa basurahan. Look at me" Inantay ko namang titigan niya ako ng deretso bago nagsalita ulit. "I'm your mom, and also your dad. Diba kahit babae ako, kayang-kaya ko maging papa mo. Diba?"

Tumango lang ito. Naririnig ko pa rin ang mga hikbi niya. 

"Look Lylia. Alam ko mahirap pa para sayo na intindihin lahat ng 'to pero pangako pag kaya mo ng intindihin ang sitwasyon natin, lahat ipapaliwanag ko sayo" pagbibigay assurance ko dito. 

"Iri, thank you for telling me the truth. Akala ko talaga napulot ako sa basurahan" inosenteng sagot nito sakin. 

"Of course you're not. Never kang napulot sa basurahan. You're our angel. A blessing sent by above" malambing kong sagot dito. Totoo namang isang blessing ang pagdating ni Lylia sa buhay ko. Hindi man siya kasama sa plano ko sa buhay noon, napaaga man siya ng dating sa buhay ko kahit kelan hindi ko kinuwestiyon ang panginoon sa mga nangyare sakin noon.

Nagulat pa ako nung natuloy na naman ang pag-iyak nito. 

"Shhhh" niyakap ko siya ng mahigpit. 

"Pag hindi daw kami naging mabuting bata, itatapon niyo daw ulit kami pabalik doon sa basurahan at iiwan ng tuluyan" dagdag pa nito.

"Talaga? He said that?" napapangiti nalang ako sa mga sinasabi ni Lia saken ngayon. "Do you think magagawa kong itapon ang isang cute na tulad mo sa basurahan?" Kinurot ko ng mahina ang ilong nito at tsaka paonti-onting pinanggigilan at pinaliguan ito ng mga h***k sa mga pisngi at leeg.

"Iri. Hehehehe. Stoop. Iri----" halatang nakikiliti siya sa ginagawa ko sa kanya.

"Hmmm. Bakit? Ayaw mo ng naglalambing si mama sayo. Hmmm. Pakiss pa nga" hirit ko pa dito. Nakita ko naman na parang namula ang mga pisnge nito. 

"Iri stop" maligalig ang mga tawang binibitawanan nito habang pinipigilan niya ako sa paglalambing sa kanya. 

"Why are you blushing?" pang-aasar ko dito. 

"Hmmmm. No. I'm not" agad naman nitong tinakpan ang mga pisngi na parang nahihiya. Sa pagkakataon na yun napansin kong hindi na ito umiiyak pero bakas pa rin sa mga mata nito ang pag-iyak nito kanina. 

"Are you okay now? No more hard feelings huh?" sa pagkakataon na yun tinigilan ko na siyang kilitiin. Mabilis lang naman kasing lambingin si Lia. Lumaki siyang mabait at matalinong bata. Sa sobrang talino ng batang ito kung ano-ano nalang ang naiisip bigla. Kaya naman my parents decided to enroll her in a private elementary school na malapit sa pinagtatrabahuan ni paps. Lia is in kindergarten kahit na 4yrs old palang siya. Nakakatuwa nga dahil siya ang pinakabatang tinuturuan sa buong klase nila. Lumaki din siyang madaldal pero marunong rumespeto. 

"Opo" nakikita kong masaya na siya ngayon. Umaabot na sa mga mata niya ang mga ngiti niya.

"Thats good. And Lia one thing I'm sure of, you came from me. You live here for 9months" tinuro ko naman ang tiyan ko. Hinawakan ko pa yung isang kamay niya para iguide sa tiyan ko at pinahawak doon.

"In your tummy?" takang tanong niya saken habang hinihimas pa rin nito ang tiyan ko.

"Yes. And you got out of there because you couldn't wait to see this wonderful world" nakita kong mas pumupungay pa ang mga ngiti niya. At dahil dun mas gumaan ang pakiramdam ko ng mga sandaling yun. 

"Hehehe. Come here" narinig kong hagikgik niya nung binuhat ko na siya para kargahin. "Lia is mommys little angel, as well as your grandma and grandpa. Okay?" at mahina kong pinisil ulit ang tungki ng ilong niya.

"Okay" tumatangong sagot niya. "Hmmm, did i make a large hole in your tummy? Did it hurt mommy?" bumaba na siya sa pagkakabuhat ko sa kanya at hinaplos ang tiyan ko, "Let me rub your tummy, then you'll be better. Hehehe"

"Thank you!" At tuluyan na akong natawa sa action niyang iyon.

"Promise, I'll be a good girl and wont upset mommy" at tinaas niya pa ang pinky niya para magpinkyswear saken. 

"Okay?!" at sabay na kami napatawa. "You're my little angel" sandali ko siyang pinagmasdan. Lahat ng detalye sa kanyang mukha ay pinakatitigan ko. Ang aking munting inspirasyon. Napakabilis ng panahon, napakabilis niyang lumaki. 

"Ehem!" isang ubo ang pumutol sa malalim kong pagiisip.

"Pa"

"Paps" 

"So hows school?" agad naman nilapitan ni Lia si papa. Pagkatapos magmano, agad naman itong nagpakandong sa kitchen counter. "Mommy old told me, someone bullied you. Who is the unluckiest kid in your class?" 

Nagkataon kasing si mommy ang sumundo kay Lia sa school dahil may parents forum din itong pinuntahan. Kaya siguro mabilis na nakarating kay paps ang balita na pinaiyak ito. 

"Rico didn't bully me. He just gave me a wrong information" sagot naman nito. 

"Really?" nakita ko pang binalingan ako ng tingin ni paps. Nginitian ko lang siya bilang sagot. Napansin ko pa ngang nag-aantay ng sagot ko si paps pero hindi ako nagsalita. 

"Yes" tumatango-tangong sagot ni Lia dito.

"How did you know that its a wrong information then?" takang tanong naman ni papa dito, nakabaling na ulit ang buong atensiyon nito sa bata. 

"Mommy iri told me where I came from." masiglang sagot nito, napangiti nalang ako sa ginawa nitong pagtaas ng kamay. 

"Really?" nakita ko naman na ako ulit ang binalingan ni paps. Nakataas pa ang kaliwang kilay niya na nakangiti. 

"I j-- just told her that she came from my tummy" sabi ko naman at umiwas ng tingin at agad na inasikaso ulit ang niluluto ko. Tinalikuran ko nalang sila. 

"Is that all?" mukhang hindi pa kuntento sa sagot ko dahil may pagkasarcastic ang tanong nito, halata naman kahit nakatalikod na ako sa kanila. 

"Yes" rinig kong si Lia na ang sumagot. 

"Okay. Yun ang sabi niyo e" sa huli hindi na nagtanong pa ulit si paps at pinabayaan na ito. 

"Promise me paps that you will not get angry to my classmate for giving me wrong information. Okay?"

"Hmmmm" reaction na parang nagiisip pa. 

"Paps!" 

"Hahahaha. Okay baby" agad naman nitong sagot at nilambing siya. 

"Pinky swear?" dagdag pa nito sa lolo niya, habang nakataas ang pinky finger niya. 

"Pinky swear" at agad namang nakipag pinky swear si paps dito. 

"Parang okay na ang little angel namin ha?" nakita ko naman si mommy sa pinto ng kusina. Mukhang kadadating niya lang. 

"Mom" nginitian ko naman siya. 

"Mommy old" tawag naman ni Lia dito. Nagpababa naman ito sa kinauupuan niya at mabilis na nilapitan ang dumating. Hinalikan at nagmano pa siya dito.

"Dapat hindi kana nagluto pa. Anong oras ba ang pasok mo ngayon?"

"Ano ka ba ma, minsan ko nalang magawa to sa inyo dahil sa sobrang busy ko sa trabaho. Tsaka hapon pa ang meeting ko para sa client namin kaya okay lang" explain ko naman dito. 

"Thank you anak"

"I should be the one saying thank you" nakangiting sagot ko. 

"Thank you for cooking kare-kare for lunch" sabay nguso niya sa niluluto ko.

"Mommy ha. Hahahaha" at nagkatawanan na kami.

Ako si Irithel Aben, isang simpleng empleyado ng isang private company sa Makati. Si Lylia or Lia ang nag-iisang anak ko. Lumaki siyang kami lang ang kinagisnan niyang pamilya kasama ang pinakaclose niyang ninang na si Giselle. Ito ang munting pamilyang kinagisnan ko kaya natutuwa ako kasi kahit simple lang at maliit ang kinalakihan na pamilya ni Lia mayaman naman siya sa pagmamahal namin. Hindi ako nagsisisi na dumating siya sa buhay ko. Lumaki man siyang nag-iisa ako may karamay naman akong mga magulang sa pagpapalaki sa kanya. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status