Share

Chapter 42

Mag gagabi na at nasa labas pa rin kami ni Eve. Nagsiuwian na ang ibang mga bisita at hindi ko pa rin maihakbang ang mga paa ko papunta sa loob ng bahay. Hinihintay ko na dumating si Hiro.

Ibinaba ko si Eve at nagsimula na namang siyang maglakad pa unti-unti sa harapan. Nakasunod lang ako sa kaniya at nakabantay kung sakaling ma out balance siya.

Natutuwa akong tignan siya na mukhang alam niya talaga kung saan siya pupunta. Hinahayaan ko lang si Eve na maglakad at nakasunod lang ako sa kaniya. Humihinto siya minsan at lilingunin ako at pag nakitang nakasunod ako sa kaniya ay maglalakad na naman siya. Hindi ko na namamalayan na napapalayo na kami sa bahay.

Sa di kalayuan ay nagulat ako nang maaninag ang mukha ng lalaking hinihintay ko. Napasinghap ako nang makita si Hiro na nakapamulsa at tila ay naghihintay samin. Nang makita siya ni Eve ay agad itong humagikgik at naglakad papalapit sa papa niya.

Naglakad si Hiro papalapit sa’min. Agad niyang binuhat si Eve at hinalikan sa pisngi.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status