Share

Chapter 16

ELLIE

"JUDAH?" Tawag ko sa kaibigan ko upang kuhain ang atensiyon niyang mukhang malalim ang iniisip. Hindi ko inaasahan ang pagpunta niya rito ngayon sa opisina ko.

Masaya akong makita siya ulit dahil talagang masarap kausap si Judah. Madami kami laging napagkukuwentuhan at talagang hindi ko namamalayan ang oras kapag kasama ko siya.

Nakatalikod siya at nakalagay ang dalawang kamay sa kaniyang bulsa habang nakayuko at tila may iniisip na malalim. Ang guwapo tingnan ni Judah sa suot nitong white long sleeves na nakatupi hanggang siko. Noong college kasi kami ay ayaw niyang magsuot ng formal tulad ng long sleeves. T-shirt na black ang hilig niyang suotin noon. Nakakatuwa dahil marunong na siyang magdamit ng ibang kulay bukod sa itim. At talaga namang bagay na bagay na sa kaniya. Kaya ang daming nahuhumaling sa kaniya na mga babae.

Agad niya akong nilingon pagkarinig niya sa pagtawag ko sa kaniya.

"Hi," tipid niyang bati sa akin. Tipid din siya ngumiti kaya naninibago ako sa kinikilos
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status