ELLIEUNTI-UNTI AKONG nagmulat ng mata. Puting-puti na silid ang bumungad sa akin paggising ko. Masakit ang katawan ko at nanghihina ang pakiramdam ko. Nasa hospital ako. Inikot ko ang paningin ko sa kabuuan ng silid ng hospital. Wala akong kasama.Si Uno!Nang maalala ko si Uno agad kong sinubukan na bumangon. Pinilit kong tanggalin ang dextrose na nasa kamay ko. Pumasok sina Judah at Reese."Ellie! God, you're awake," ani Judah.Agad silang lumapit sa akin. Hinawakan ni Judah ang kamay ko para awatin sa ginagawa kong pagtanggal ng dextrose. I hate this! Ayaw ko sa hospital. I need to see him. I need to see Uno. Gusto kong malaman kung maayos ang kalagayan niya.Hindi ko kakayanin kong may mangyaring masama sa kaniya."Ellie, magpahinga ka muna." Awat sa akin ni Judah. Pinipilit niyang pahigain ako ulit. Kahit masakit ang katawan ay ininda ko iyon dahil gusto ko makita si Uno. Gusto ko malaman ang kalagayan niya. Nangilid agad ang luha ko sa pag-aalala kay Uno.Nakita ko rin na nasa
ELLIEPAGKALABAS KO ng hospital ay bumalik agad kami ng Maynila. Pupuntahan ko si Uno. Wala na ako naging balita sa kaniya. Nangako sa akin sina Logan na babalitaan nila ako tungkol kay Uno pero wala akong natanggap na kahit anong balita. Tinatago nila sa akin si Uno o mayroong problema. Ilang araw na akong hindi nakakatulog nang maayos sa kakaisip. Para na akong masisiraan ng ulo kakaisip kung ano na ang nangyari kay Uno. Ang sakit kasi nang ganitong pakiramdam na parang naiwan ako sa ere. Hindi ko kasi alam kung ano ang nagawa kong mali bakit bigla na lang niya akong iniwasan at iniwan. Alam kung may dahilan siya at iyon ang gusto kong malaman.Masaya pa kami bago kami naaksidente. Kaya ang sakit-sakit nang nararamdaman ko. Halos hindi ako makahinga sa sakit. Hindi ko na rin mapigil ang sarili ko kakaiyak. Naaawa na ako sa anak ko pero talagang nasasaktan ako.Hindi ko na makontak ang kaniyang number. Si Tita Criselda ay nagpalit na rin ng number. Sinubukan ko na rin tumawag kay San
ELLIE“SO, ALAM NIYO ni Mark?” Nangingilid ang luha ko habang tinatanong ko kina Reese at Mark ang tungkol sa sitwasyon ni Uno at Sandra. Gusto kong sumigaw sa inis dahil tinago nila sa akin ang totoo. Gusto ko rin magalit kay Uno dahil pinaglihiman niya ako pero hindi ko magawa. “All these time, alam niyo pero hindi niyo man lang nagawang ipaalam sa akin ang totoo. Bakit? Mukha ba talaga ako kaiwan-iwan sa ere? Noon si mommy, iniwan ako ng hindi ko alam ang totoong dahilan kung bakit niya ako iniwan na lang. Tapos ngayon, ganito rin ang ginawa sa akin ni Uno. Basta na lang niya akong iniwan ng hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa kaniya!”Tuluyan na akong napaiyak. I can't control my emotions anymore. I'm tired; emotionally and physically tired. Pero hindi ako puwedeng sumuko ngayon. Not now. Hangga't hindi sinasabi sa akin ni Uno na ayaw na niya, hindi ako bibitaw. I'll fight for him. I'll fight what we have. I will still hold on to our promise.Nangako siya e. Nangako kami isa'
AWANG-AWA si Reese sa kalagayan ng kaibigan niya na simula kahapon ay patuloy lang ito sa pag-iyak. Naabutan nila si Ellie na basang-basa ito ng ulan nang pinuntahan nila ni Mark sa bahay ni Uno. Hindi matanggap ni Ellie ang dahilan ni Uno. Hindi man lang niya nasabi kay Uno ang dapat niyang sabihin na buntis siya dahil naunahan na siya nito ng ibang balita.Sa condo na ni Reese dinala nila si Ellie. Sinubukan nilang tawagan si Uno ngunit nabigo lamang sila. Si Ellie rin ang nagsabi na umalis na si Uno kasama ang buong pamilya nito at si Sandra dahil buntis ito.Parehas na hindi naniniwala sina Reese at Mark dahil saksi sila kung gaano kamahal ni Uno si Ellie simula noong college pa lamang sila.“Ellie, tama na iyan. Makakasama sa baby mo ang ginagawa mo.”Nakahiga lang si Ellie at hindi pa rin bumabangon para kumain ng agahan. “Hayaan mo na ako, Reese. Kahit ngayon lang, please?” She knew she needed to release all the pain that she's feeling right now. Pagkatapos no'n ay susubukan n
5 YEARS LATER“SUSUNDUIN ko na si Mikhaela, hon. Huwag ka na dumaan sa flower shop. Naisip ko kasi na dumaan muna kami sa mall bago umuwi. May bibilhin akong gamit para sa event ko next week," saad ko kay Judah sa kabilang linya habang naglalakad ako patungo sa room ni Mikhaela. May bago kasi kaming client na nagorder ng flowers para sa restaurant niya sa Tagaytay. Next week ay magkaroon din kami ng meeting dahil gusto niyang makipatie-up sa amin. Nagca-cater kasi sila ng food para sa mga events at mas madami raw talaga silang clients na wedding ang events. Naisip ng may-ari ng restaurant na eexpand ang business niya. Hindi naman na nabanggit ni Ma'am Celestine ang ibang details ng expansion ng business ng boss niya pero ang sabi niya ay magbubukas na rin ang function hall na pinapaayos pa para sa event.Kahit ako ay na-excite dahil hindi pa naman malaki ang shop namin ni Reese pero may magandang opportunity na agad ang nagbukas para sa amin. Napag-usapan na namin ito kanina ni Reese
ELLIE"ARE YOU sure na hindi ko na kayo ihahatid ni Reese?" Tanong sa akin ni Judah habang nag-aayos ako ng dadalhin ko sa Pampanga.Birthday ng mommy ni Celestine at kami ang maglalagay ng flower decorations at sa amin na rin siya kumuha ng souvenir. Personal na kasama kami sa pagdedeliver dahil ininvite rin kami ni Celestine. Ika-60th birthday kaya surprise ito ni Celestine sa kaniyang mommy. Napakasweet talaga nitong si Celestine. Sa maikling panahon na nagkakilala kami at nagkasama sa mga events ay masasabi kong napakabuti niyang tao. Wala akong maipipintas sa kaniya dahil bukod sa mabait na ay napakaganda pa. Simple lang siya kung manamit pero effortless ang kaniyang ganda. Chinita si Celestine at mahaba ang kaniyang itim na itim na buhok. Lalong lumilitaw ang kaniyang kagandahan dahil maputi pa siya at napakaamo ng mukha. Para siyang anghel.Huminto ako sa paglalagay ng maliit kong bag sa back seat at sinara ang pinto ng kotse saka humarap sa kaniya. Ikinawit ko ang kamay ko sa
ELLIELUMABAS MUNA ako ng reception area at nagpahangin dito sa garden. Maingay na sa loob dahil madaming bisita sina Celestine. Naging busy na rin si Celestine kaya hindi na rin namin siya makausap. Hindi pa namin nakikilala si Sebastian. Wala rin akong napansin na lalaki na kasama niya kanina pero may kausap siya sa phone. Niyakap ko ang sarili ko habang nakatingin sa langit na punong-puno ng bituin. Ramdam na ramdam ko ang lamig ng hangin. Bigla akong nakaramdam nang lungkot. May naalaala lang ako habang nakatingin sa langit.Lumingon ako dahil parang may nakatitig sa akin. My lips parted in surprise. Pakiramdam ko ay tumigil ang pag-ikot ng mundo ko sa mga oras na ito habang nakatingin sa kaniya. Walang nagbago. He is still the man that I used to know. Ang pananamit niya, ang kaniyang buhok, at kung paano siya tumitig sa akin na nakakapanglambot ng tuhod.Ano'ng ginagawa niya rito? It's been six years since he left me. Pero malinaw na malinaw pa rin sa isip ko ang araw na iyon k
ELLIE"MA'AM?" tawag sa akin ni Malou kaya napatigil ako sa ginagawa ko sa harap ng laptop at nag-angat ng tingin sa assistant namin ni Reese. Wala ngayon si Reese dahil may lakad silang dalawa ni Mark. Napakunot ang noo ko habang nakatingin kay Malou na sinasara ang pinto ng office. May bitbit siyang bouquet of flowers?Malapad ang pagkakangiti niya at kumikending pa habang naglalakad na tila rarampa habang bitbit ang bouquet. Nagtataka ako dahil hindi naman ganoon ang ayos ng bouquet na ginagawa namin na nakadisplay sa labas. Hindi naman ganoon kalaki ang shop namin pero mayroon kaming maliit na office. "Para kanino iyan at saan galing?" Nagtatakang tanong ko. Imposible naman galing kay Judah. Though, sinusurprise naman ako palagi ni Judah na bigyan ng bulaklak pero hindi pa niya ginagawa ang magpadala ng bulaklak dito sa shop.I remember one person who always did this. He always sends flowers to my office before. I shook my head. Imposible. Hindi na niya gagawin iyon at walang r