Naglalakad na sila ni Wolverine patungo sa loob ng Resto ngunit tila nasa alapaap pa rin ang diwa ni Danielle. Hawak hawak pa ng binata ang kanyang kamay habang papasok kung kayat halos malaglag ang kanyang puso sa tuwa. He is damn sweet at parang ayaw na niyang matapos ang araw na ito. Sa VIP sila dumirecho, nakangiti pa siya ng todo ng pagbuksan sila ng glass door ng isang crew. Pagkapasok nila sa loob ay may tumawag sa binata mula sa isang table, sinundan niya ang direction kung saan may tumatawag kay Wolverine at nakita niyang si Lorin habang kumakaway sa kanila. Biglang gumuho ang kanyang mundo, parang gusto niyang bumalik sa pinto upang hindi mawala sa kanyang isip ang mga magagandang nangyari sa araw nito. Subalit hinila na siya ng binata upang puntahan ang table na kung saan naroon si Lorin.Paglapit nila sa kinaroroonan nito ay agad yumakap sa binata si Lorin. Tinugon naman ng binata ang yakap nito at binitiwan pa ang pagkakahawak nito sa kanyang kamay. Nakaramdam siya agad
“Sakay!”, makapangyarihang turan ni Wolverine sa dalaga pagkatapos nitong buksan ang passenger seat sa harap ng kanyang sasakyan. Tila nakaramdam ng pagkatakot si Danielle dito kung kayat agad siyang tumalima at lumulan sa sasakyan nito. Hinagilap din niya agad ang seatbelt at isinuot bago pa makaupo ang binata sa harap ng manibela. Pag-upo nito sa driver seat ay agad nitong inapakan ang gas at mablis na umalis sa area. Hindi naman ito kasingbilis ng kanyang pagpapatakbo ngunit tila sobra ang kanyang kaba, yung tipong nagprepreno ang kanyang paa kahit hindi siya ang nakaapak sa break at gas. Napakahigpit pati ang kanyang pagkakakapit. Kung pwede lang niyang pahintuin ito at sabihing siya ang hahawak sa manibela ngunit napakaseryoso ng mukha nito at nakakatakot kausapin. Pagkaraan ng ilang minute sa kalsada ay inihinto ng binata ang sasakyan sa isang moderno at napakagandang town house. Pinatay nito ang sasakyan at pagkatapos ay walang imik na bumaba. Akala ni Danielle ay may dadaanan
Halos tulog pa ang diwa ni Danielle habang kinakapa ang kinaroronan ng tumutunog na alarm clock. Papatayin niya muna ito upang huminto sa pag-iingay at iituloy pa niya ang pagtulog. Nandiyan naman ang kanyang yaya na gigising sa kanya kapag hindi pa siya bumababa sa alanganing oras. Nakapikit siyang ikinapa kapa ang kamay upang hagilapin ang alarm clock, nasa side table lang niya iyon; ngunit kusa iyong tumigil kung kayat itinuloy niya ang pagtulog. Baka kanina pa iyon nag-aalburuto at kusa na itong nagstop. Bahala na si yaya na gigising sa kanya mamaya, mukhang bagong installed ang air condition sa kanyang kuarto dahil napakaperfect ang pagkalamig parang gusto niya tuloy matulog at huwag na munang pumasok. Mukhang nagpalit din ng beddings si yaya, masyado yatang makapal ang kanyang kumot, pero okey naman dahil ibinagay nito sa lamig ng kanyang kuarto ngayon. Hinila pa niya pataas ang nakabalot sa kanyang comforter pagkatapos ay bumaling sa kabilang side upang hagilapin ang unan na p
Halos tanghali na ng magising si Daniella. Pagmulat ng kanyang mata ay mag-isa na lamang siya sa bed at maging sa loob ng kuarto. Agad pumasok sa kanyang isip ang muntikang may mangyari sa kanila ni Wolverine kagabi at nakaramdam ng labis na pagkapahiya sa sarili. Hinawakan pa niya ang magkabilang pisngi niya at tinapiktapik dahil sa kanyang kapalpakan. Parang wala siyang mukhang ihaharap sa binata, mabuti na lamang at wala na ito sa silid at mas maganda pa kung umalis na ito papuntang upisina at balaha na lang din siyang umeskapo pauwi sa kanilang bahay. Bumangon siya upang pumunta sa banyo ng mapansin ang mga nakahanger na damit pambabae na nakasabit sa rack. Napatingin siya bigla sa suot na damit; napailing siya ng makita ang suot na damit ng binata na sobrang luwang sa kanya ngunit sobra namang komportable siya sa pagsusuot.Pumasok siya sa banyo at itinutok ang katawan sa shower pagkatapos ay lumabas siya at pumili sa mga nakasabit na dress sa rack. Naisip niya para sa kanya sig
After almost two hours’ drive ay narating nila ang Alegre private resort sa Batangas, 5pm ang binyag at nakarating sila sa 10 minutes bago ang seremonya. Pagpark palang ni Danielle sa kanilang sasakyang ay nahook na agad siya sa napakagandang tanawin. Hindi pa siya nakakalabas sa sasakyan ngunit tanaw na tanaw niya ang napakagandang Taal lake, breath taking ang ganda at nakakawala naman ng pagod. Parang nawala ang stress niya sa daan pagkakita sa magandang paligid. Hindi na kasi nakipagtalo pa si Wolverine sa kanya ng sabihin niyang siya ang uupo sa harap ng manibela; alam kasi nitong hindi siya komportable kung iba ang may hawak ng manibela. Nailing ito ng tanggalin niya ang suot na heels at nakapaang nagdrive habang suot ang simpleng white long sleeve below the knee dress na mula sa isang mamahaling brand. Wala siyang inilagay na anumang colorete sa mukha kundi simpleng blush on at liptint sa kanyang mga labi. Inilugay lang din niya ang buhok at nag-spray ng kanyang favorite na scen
After sometime ay inaya siya ng mag-asawang Tyron at Arabella upang tumuloy sa loob at maupo. Tumango lamang naman siya sa mga ito at sabay tingin sa paligid pagkatapos ay nakangiti siyang sumenyas sa mga ito na ipagpatuloy lamang ang pag-estima ng iba pa nilang bisita. “Just go ahead with your other visitors; I’ll get inside and find myself a seat.", turan niya at tila may pag-alinlangan pa ang mga itong iwanan siya ngunit may mga kararating lang ulit na mga bisita. “See you around.”, saad ng maganda at mabait na si Arabella at nakangiting kumaway siya dito. Sinundan pa niya ng tingin ang mag-asawa habang palayo sa kanyang kinatatayuan bago inilibot ang mga mata sa paligid. Napahalukipkip siya, nagtatalo ang kanyang isip kung tutuloy na siya sa loob o maglalamiyerda sa paligid. Wolverine is nowhere to be found at wala siyang kilala sa mga ibang bisita sa loob. Sabagay may pagkaintrovert naman siya kaya nakakasurvive siya sa ganitong crowd kahit wala siyang kausap. Tumingin siya sa
Halos malunod sa kahihiyan si Wolverine ng malamang pinsan ni Danielle si Dr. Chan. Pinag-isipan pa niyang putulin ang kamay nitong nakahawak sa dalaga at kung hindi lang ngsalita ang kapatid nito baka nagawan pa niya ito ng hindi maganda kung hindi niya bibitiwan ang dalaga.“Oh, really? I apologized for my action. I’m Wolverine De Villa; nice to meet you."mabilis naman niyang nakompos ang sarili at iniabot ang kamay kay Raphael. Ngumiti naman ito na tila bale wala ang naging reaction niya kanina at iniabot ang kamay para makipagshake hands sa kanya. Despite his powerful aura, Raphael displays calmness and humility kung kayat magaan ang loob niyang ngumiti dito. Ngunit ng tumingin siya kay Dr. Chan ay hindi siya naging komportable. Sa kabila ng malacelebrity nitong aura ay masyado itong seryoso at suplado. Sa paraan ng pagkakatingin sa kanya ay tila hindi nito ipagkakatiwala sa Danielle sa kanya.“Are you sure you agree to take this brat to be your fiancée?”, nakataas kilay nitong pa
“Hey!”, pukaw ni Dylan kay Daniella mula sa kanyang pagkakasandal sa railings ng view duct facing Taal Lake na kung saan may mga mumunting kumikislap na mga ilaw dito. Dumirecho kanina ang dalaga dito upang magpahangin at magcool down dahil sa pag-iinit ng kanyang ulo. Tinignan lang niya si Dylan pagkatapos ay walang imik na ibinalik ang mata sa napakagandang view.“Pasensiya ka na kay Lorin, masyadong mataas ang pagtingin niya kay Wolverine kaya nabigla siguro siya ng sagutin mo ng pabalang.”, maya maya ay turan ni Dylan sa kanyang pananahimik. Wala siyang balak sagutin ito ngunit narinig niya tumawa iyon ng mahina.“When I first saw you, you were just simple, kind, and charming. Today, you seem like a jealous wife and ready to bite.’, narinig niyang turan ulit ni Dylan at hindi niya napigilang nginitian ito ng pagkasarkastiko.“Tomorrow, you will hear in the news that I killed somebody.”, saad niya at tumawa iyon.“I understand your feeling.”, nakatawang pahayag nito at hindi niya n