Maxine's POV Hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin ako sa ikinikilos ni mama. Ano naman kayang naisip n'ya at gusto n'yang sa Maynila na lang kami tumira? Samantalang noon pa man ay ayaw n'ya ng umalis rito sa El Fuentes dahil ang sabi ni papa ay nandito ang mga magagandang alaala ni mama at ni.. ni ninong Ignacio na tunay kong ama. Akala ko noon ay sa mga palabas lamang nangyayari ang ganoong mga istorya, pati rin pala sa totoong buhay. Pero sadyang mapagbiro ang tadhana, nangyari ang mga bagay na iyon na para bang nakaplano na. "Ma'am Maxine? G-Gusto mo bang.. kumain sa labas?" Napahinto ako dahil sa narinig mula kay Andrei na kasalukuyang nagmamaneho nang sasakyan. Saglit ko itong tinitigan mula sa likuran at napapaisip. Gusto kong kumain dahil nakaramdam ako ng pagkagutom. Ngunit, ayokong kasama si Andrei lalo na sa mga ganitong bagay dahil baka kung ano pa ang isipin ng iba. "Okay lang ba, ma'am? Medyo.. g-gutom na rin ho kasi ako. Hindi pa ho ako kumakain magmula kaninang
Maxine's POV Ilang araw ko ng iniiwasan si Andrei. Hindi na rin ako halos lumabas ng kuwarto lalo na kapag wala si Lawrence. Minsan kasi ay napapansin ko ang mga pasimpleng paghawak nito sa akin. Tulad na lang noong nakaraang araw, umaaga iyon at kamuntik na akong madulas.. mabuti na lang at nandoon si Andrei upang masalo ako. Hindi pa ito nakontento at binuhat ako upang maihatid sa kuwarto. Nakita ko pa si Joy sa isang sulok na may kakaibang tingin na ipinukol sa akin kaya naman namamalagi na lang ako rito sa aming kuwarto. Ayokong madagdagan pa ang mga bagay na maaari n'yang gawin. "Hon?" Napahinto ako nang makita si Lawrence na kakapasok lang sa aming kuwarto. Agad nitong hinubad ang kanyang coat at bahagyang niluwagan ang neck tie. Matapos nang ilang araw ay ngayon lang kami muling nagkita dahil abala pa rin ito sa kanilang kompanya. "Damn, I'm so tired.." bulong nito nang mahubad ang medyas na suot at agad na nahiga sa malambot na kama. "Wait? Masama ba ang pakiramdam mo?
Maxine's POV Agad ko itong itinulak papalayo at agad na dumampi ang aking palad sa makinis nitong pisngi. "Walang hiya ka!" Sigaw ko rito at ngumisi lamang ito. Agad akong naglakad papalayo at ramdam ko ang bugso nang aking dibdib! Bago pa man ako makapasok sa mansyon ay agad akong napalingon sa aking likuran at agad kong nakita si Joy na nakayuko at halos hindi makatingin sa akin. Napansin ko pa ang hawak nitong selpon na ngayon ko lamang nakita. "J-Joy?" Tawag ko pa rito ngunit hindi man lang ito huminto hanggang sa malagpasan na ako nito. Napapitlag naman ako nang may humawak pa sa aking likuran at laking gulat ko nang makitang si Andrei pala ito kaya bahagya ko pa itong naitulak ngunit agad din ako nitong hinawakan sa aking palapulsuhan. "Ano ba! Bitawan mo nga ako!" Pagmumumiglas kong sabi ngunit agad nitong tinakpan ang aking bibig. "Maxine?" Napahinto kami nang makita si Lawrence sa aming harapan. Nakakunot ang makapal nitong kilay habang nakatingin sa direksyon namin
Maxine's POV"Magandang gabi ho, donya Sylvia. Kami po ang hahawak sa kaso ni Don Ramon Francisco. Upang mas mapabilis itong kaso, nais lang namin kayong hingian ng testimonya para sa ikakausad nang kaso." Saad ni Officer Niccolo. Isa s'yang tanyag na pulis rito sa El Fuentes. Marami na itong naresolbang mga krimen at wala ata ni isang hindi nakakakilala sa nasabing pulis. Nakaupo kami ngayon sa isang sofa, kasama sina Joy at manang Jocelyn. Maging si Andrei ay bumalik rin para sa interogasyon na putok ang labi at may iilang galos sa mukha. "Ang sabi ninyo ay may tumawag sa inyo na doktor at sinabing patay na ang asawa mong si Ramon Francisco. Maaari bang malaman kung nagkaroon kayo ng pagtatalo nitong mga nagdaang araw?" Seryoso ang boses nito at kahit hindi ikaw ang salarin ay talagang makakaramdam ka nang kaba sa iyong dibdib. Matalas ang mga mata nito na para bang sinusuri na ang buong pagkatao mo. Nakita kong napaayos ng upo si donya Sylvia. Mugto pa ang mga mata nito sa kaka
Maxine's POVAraw ngayon ng lamay at napakaraming pumunta. Halos hindi na magkandaugaga sina manang Jocelyn at Joy sa kakaasikaso kaya naman maging ang ilan nilang katiwala ay pinapunta sa mansyon. Ilang araw na rin akong walang maaayos na tulog dahil hindi ako kumportable sa ganitong sitwasyon. Halos wala atang araw na hindi ko nakikita o naririnig na umiiyak si donya Sylvia. Habang si Lawrence naman ang humaharap sa ilang mga bisita at aakyat lamang ito sa kuwarto upang magpalit ng damit pagkatapos ay bababa rin agad. Napahikab ako nang mabasa ang reply ni mama na baka hindi sila makapunta sa lamay ni Don Ramon. Ang dahilan nito ay masama raw ang kanyang pakiramdam kaya naman gusto ko itong puntahan. Napapitlag ako nang makita si Lawrence na nagmamadaling pumasok sa aming kuwarto. Mukha pa itong nagulat nang makita akong nandito ngunit kumalma rin naman at tinungo ang drawer kung nasaan nandoon ang mga gamot na iniinom n'ya. "Lawrence, ayos lang bang dalawin ko si mama ngayon?
Maxine's POV "Ganito ba kaseryoso ang pag-uusapan natin at kailangang dumistansya tayo kay mama at papa?" Nagtataka kong tanong dahil nandito kami sa likod ng bahay. Wala man lang nagbago sa ekspresyon ng mukha nito at seryoso lamang na nakatingin sa akin. "Mas mabuti pang sumama ka na sa amin sa Maynila, ate." Deretsyahan nitong saad kaya bahagyang napaawang ang aking labi. "S-Sana noon pa man, hindi ko hinayaang makasal ka kay Lawrence." Nakakuyom ang kamao nito na ikinagulat ko. A-Anong.."Ano bang pinagsasasabi mo?" Pinilit kong tumawa ngunit hindi nakatulong iyon upang mabawasan ang tensyon sa pagitan naming dalawa. Bahagya pa akong napalunok dahil napakaseryoso nito. "S-Si.. si L-Lawrence-"Nawala ang atensyon ko kay Lutcho nang marinig na tumunog ang selpon na hawak ko. Si Irene ang tumatawag kaya sumenyas muna ako kay Lutcho na sasagutin ko muna ang tawag. Nakita ko pang may pag-aalangan sa mga mata nito ngunit wala na itong nagawa nang makausap ko si Irene. "Hel-""M-
Maxine's POV Dahil madalas silang abala at ayaw naman ni Lawrence na tumulong pa ako sa ginagawa nila sa lamay ay nanatili lamang ako sa kuwarto. Ang totoo n'yan ay nababagot na ako at parang gusto kong dalawin sina mama at papa. Pero, lagi namang may inuutos si Donya Sylvia kay Tino kaya wala akong makakasama sa pag labas. Hindi rin ako pinapayagan ni Lawrence dahil nag aalala ito sa akin lalo na't hanggang ngayon ay wala pa rin silang matibay na ebidensya. Napahinto ako nang may kumatok sa labas ng pinto kaya marahan akong tumayo at agad na binuksan ito. "Manang Jocelyn?" Untag ko pa ng makita ito sa aking harapan. "Naku, ma'am? Naistorbo ba kita? Magpapaalam sana ako sayo.." nahihiya nitong saad kaya napabitaw ako sa pinto ay humakbang papalapit sa kanya na naguguluhan. "M-Magpapaalam? T-Teka,.. b-bakit?" Naguguluhan kong tanong at ngumiti lamang ito. "Kasi ma'am.. uuwi muna ako sa probinsya. Tatlong taon ko na kasing hindi nakakasama ang pamilya ko kaya naisip kong.. b-bak
Maxine's POV Lumipas pa ang mga araw at pakiramdam ko ay mas lalong gumugulo ang mga bagay na sana ay hindi ko na lang nalaman. Halos hindi ako makatulog sa gabi sa dami nang pumapasok sa aking isipan. Kahit gaano kalaki itong mansyon, pakiramdam ko ay paliit ito nang paliit. Napahinto ako sa pag-iisip nang makarinig ako ng mahinang kaluskos sa labas. Napatingin ako sa orasan at pasado alas-dos pa lamang ng madaling araw. Mag isa lamang ako rito dahil maraming inaasikaso si Lawrence matapos mailibing si Don Ramon. Napalunok ako nang marinig ko ang iilang yabag kaya dali-dali akong napabalik sa kama at agad na ipinikit ang aking mga mata. Ramdam ko ang kabog ng aking dibdib at para bang ito ang nagsilbing musika sa buo kong paligid. Narinig ko ang marahang pag bukas ng pinto kaya naman hindi ako gumalaw. Pinakiramdaman ko ang aking paligid at muli ko na namang marinig ang mahinang yabag na para bang papalapit sa akin. Huminto ito at narinig ko ang pagkalansingan ng mga susi at m