Share

Kabanata 11.3

Maxine's POV

Agad ko itong itinulak papalayo at agad na dumampi ang aking palad sa makinis nitong pisngi.

"Walang hiya ka!" Sigaw ko rito at ngumisi lamang ito.

Agad akong naglakad papalayo at ramdam ko ang bugso nang aking dibdib!

Bago pa man ako makapasok sa mansyon ay agad akong napalingon sa aking likuran at agad kong nakita si Joy na nakayuko at halos hindi makatingin sa akin.

Napansin ko pa ang hawak nitong selpon na ngayon ko lamang nakita.

"J-Joy?" Tawag ko pa rito ngunit hindi man lang ito huminto hanggang sa malagpasan na ako nito.

Napapitlag naman ako nang may humawak pa sa aking likuran at laking gulat ko nang makitang si Andrei pala ito kaya bahagya ko pa itong naitulak ngunit agad din ako nitong hinawakan sa aking palapulsuhan.

"Ano ba! Bitawan mo nga ako!" Pagmumumiglas kong sabi ngunit agad nitong tinakpan ang aking bibig.

"Maxine?"

Napahinto kami nang makita si Lawrence sa aming harapan. Nakakunot ang makapal nitong kilay habang nakatingin sa direksyon namin
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status