Maxine's POV Dahil madalas silang abala at ayaw naman ni Lawrence na tumulong pa ako sa ginagawa nila sa lamay ay nanatili lamang ako sa kuwarto. Ang totoo n'yan ay nababagot na ako at parang gusto kong dalawin sina mama at papa. Pero, lagi namang may inuutos si Donya Sylvia kay Tino kaya wala akong makakasama sa pag labas. Hindi rin ako pinapayagan ni Lawrence dahil nag aalala ito sa akin lalo na't hanggang ngayon ay wala pa rin silang matibay na ebidensya. Napahinto ako nang may kumatok sa labas ng pinto kaya marahan akong tumayo at agad na binuksan ito. "Manang Jocelyn?" Untag ko pa ng makita ito sa aking harapan. "Naku, ma'am? Naistorbo ba kita? Magpapaalam sana ako sayo.." nahihiya nitong saad kaya napabitaw ako sa pinto ay humakbang papalapit sa kanya na naguguluhan. "M-Magpapaalam? T-Teka,.. b-bakit?" Naguguluhan kong tanong at ngumiti lamang ito. "Kasi ma'am.. uuwi muna ako sa probinsya. Tatlong taon ko na kasing hindi nakakasama ang pamilya ko kaya naisip kong.. b-bak
Maxine's POV Lumipas pa ang mga araw at pakiramdam ko ay mas lalong gumugulo ang mga bagay na sana ay hindi ko na lang nalaman. Halos hindi ako makatulog sa gabi sa dami nang pumapasok sa aking isipan. Kahit gaano kalaki itong mansyon, pakiramdam ko ay paliit ito nang paliit. Napahinto ako sa pag-iisip nang makarinig ako ng mahinang kaluskos sa labas. Napatingin ako sa orasan at pasado alas-dos pa lamang ng madaling araw. Mag isa lamang ako rito dahil maraming inaasikaso si Lawrence matapos mailibing si Don Ramon. Napalunok ako nang marinig ko ang iilang yabag kaya dali-dali akong napabalik sa kama at agad na ipinikit ang aking mga mata. Ramdam ko ang kabog ng aking dibdib at para bang ito ang nagsilbing musika sa buo kong paligid. Narinig ko ang marahang pag bukas ng pinto kaya naman hindi ako gumalaw. Pinakiramdaman ko ang aking paligid at muli ko na namang marinig ang mahinang yabag na para bang papalapit sa akin. Huminto ito at narinig ko ang pagkalansingan ng mga susi at m
Maxine's POV Ilang oras pa ang hinintay ko upang makalabas ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin sina Donya Sylvia. "Maxine, ang mabuti pa.. magpahinga ka muna sa kuwarto n'yo. Ilang beses ko na ring tinawagan sina Tita Sylvia pero hindi nila sinasagot ang tawag." Untag ni Irene at napalunok na lamang ako. "Gusto kong puntahan ang pamilya ko.." bulong kong saad at napabuntong hininga naman ito. "Alam ko, pero wala tayong ibang puwedeng daanan kung hindi diyan lamang sa main gate na may mga nagbabantay. Mga armado sila Maxine. Baka mapahamak pa tayo.," Aniya at napilitan na lamang akong tumayo nang hawakan nito ang aking kamay. Hindi pa rin ako mapakali. Hindi ko rin mahagilap rito si Joy. Halos wala ngang tao rito kung hindi kami lang ni Irene. Nang makarating kami sa kuwarto ay agad nitong binuksan ang bentilador at naupo sa kama habang ako naman ay nasa sofa. "Bakit hindi na lang natin tawagan si Officer Niccolo?" Suhestiyon ko pa rito at bahagyang napaanga
Maxine's POV NAPAAWANG ang aking mga labi habang nanlalaki ang aking mga mata nang makita ang pulang likido sa aking hita! Natataranta akong hinimas ang aking tiyan at kasabay no'n ay ang paglandas ng aking mga luha! "D-Donya.. Donya Sylvia, t-tulungan mo 'ko? D-Dalhin n'yo 'ko sa ospital!" Pagsusumamo ko rito ngunit parang niyanig ang buong pagkatao ko nang ihampas nito sa akin ang hawak nitong mahabang payong! Tuluyan na akong napasigaw sa sakit na aking naramdaman. Narinig ko pa ang tawanan nila at hindi pa nakontento ang mga ito, dahil muli na naman nila akong hinampas! Ngunit, sa pagkakataong ito ay sa tiyan ko na ito tumama! Mas tumindi ang pagdaloy ng dugo sa aking hita kaya pinilit kong gumapang ngunit agad na hinablot ni Liezel ang aking buhok kaya napangiwi na naman ko sa sakit. "Ano, Maxine? Nasaan ang tapang mo ha?" Nakangisi nitong tanong at muli na naman itong humalakhak! Inalis ko ang pagkakahawak nito sa akin at pinilit na tumayo! Ngunit, muli na naman ako nitong
Maxine's POV NANLUMO ako sa aking nakita nang makarating kami sa bodega. Pakiramdam ko ay gumuho nang tuluyan ang mundo ko dahil ng maabutan ang pamilya ko na nandito. "M-Mama?" Awtomatikong nangilid ang aking mga luha at kasabay no'n ay ang pangangatal nang aking bibig. Pinilit nitong tumingin sa direksyon ko kaya patakbo akong lumapit sa kanila kahit na halos mag kandadapa-dapa ako sa pagtakbo! "Papa?!" Tawag ko rito nang mahaplos ko ang pisngi nito ngunit mas natigilan ako nang maramdaman ang malamig nitong pisngi! Ramdam ko ang pagbilis nang tibok ng puso ko at halos mabaliw ako sa aking nasaksihan! Nakadapa na sa semento si Lutcho kasama ang dalawa nitong anak kaya napaluhod na lamang ako. "H-Hindi.. h-hindi ito totoo! Hindi ito totoo!" Napahawak ako sa aking tenga habang paulit ulit na sumisigaw. Nakita ko ang pag hagulhol ni mama na mas ikinadurog ko pa! "Mama!" Sigaw ko at hindi ko alam kung paano iibsan ang sakit na nasa puso ko. "Pa! Lutcho!"Para akong isang batan
Kabanata 15.2 Pagtakas Maxine's POV NAPASINGHAP ako nang maramdaman ang malamig na likidong bumuhos sa aking katawan. Nanlalaki ang mga mata kong napatingin sa sahig at doo'y nakumpirma kong malamig na tubig nga ito na may kasamang bloke blokeng yelo! "Good morning, sleeping beauty!" Salubong sa akin ni Liezel habang may ngisi sa kanyang labi. "Mukhang, napasarap ang tulog mo ah?" Napalunok ako nang makita ang hawak nitong latigo! Nanginginig ang aking buong katawan dahil sa lamig, at hanggang ngayon ay masakit pa rin ang buo kony katawan! "Ano na namang kailangan mo?" Madiin kong tanong at mahina itong natawa. Sa itsura pa lang nito ay halatang may gagawin na namang hindi maganda. Gusto ko s'yang sakalin dahil sa ginawa n'ya sa pamilya ko. Pare-parehas talaga silang mamamatay tao! "Well, nabitin kasi ako sa ginawa ko kahapon. Oh, wait! You know what? Ang sarap ng tulog ko kagabi, kasi.. napatay ko ang pamilya mo at may nangyari rin sa amin ni Lawrence!" Puma
Maxine's POV LAKAD at takbo ang ginawa ko para lang makalayo! Ngunit, hirap na hirap ako dahil pakiramdam ko ay napakabigat ng katawan ko. Napahinto ako at napalingon sa aking likuran nang makarinig ako ng isang malakas na putok ng baril! "MAXINEEE!!!" Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ang malakas na sigaw ni Lawrence! Halos hindi ako magkandaugaga sa kakatakbo para lang makalayo! Kasabay ng aking pagtakbo ay ang pagbuhos ng napakalakas na ulan! Para bang maging ang panahon ay nakikisimpatya sa akin. Kailangan kong makalayo! Gusto kong pag bayaran nila ang lahat ng mga ginawa nila sa pamilya ko! Hinding-hindi ako papayag na hindi ko makamit ang hustisya na nararapat para sa pamilya ko! Lalong-lalo na ang kahayupang ginawa nila sa akin at sa anak ko! Dahil maputik at madulas ang daan, aksidente akong dumausdos pababa! Mangiyak-ngiyak akong tumayo dahil ramdam ko ang pag hapdi ng aking hita! "Maxine? Maxine?"Napalunok ako nang marinig ang boses ni Liezel! Animo'y para bang nak
Maxine's POVHALOS hindi ako makagalaw nang makilala ang taong tumawag sa aking pangalan! Agad na nangilid ang aking mga luha sa hindi malamang dahilan. Halo-halong emosyon ang aking nararamdaman sa mga oras na ito. Hindi ko matukoy kung masaya ba ako o malungkot. Basta ang alam ko lang, may taong natira pa sa buhay ko. "M-Maxine, anak!" Mas lalong walang lumabas na salita mula sa aking bibig dahil sa narinig. Kung g-ganoon..Agad ako nitong niyakap ng mahigpit. Ramdam ko ang labis nitong pangungulila at pagsisisi. Tuluyan nang naglandas ang aking mga luha habang nasa bisig ng aking tunay na ama! "Sobrang saya ko.. sobrang saya kong kasama kita sa mga oras na ito. Ngunit, kalahati ng puso ko ang namatay dahil sa.. dahil sa nangyari kay Maribeth at Arnolfo! Lalong-lalo na kay Lutcho at sa mga apo ko!" Madamdamin nitong saad kaya napahagulhol na lamang ako. Agad akong kumalas sa pagkakayakap. Kitang-kita ko kung paano sunod-sunod na naglandas ang mga luha nito pababa sa kanyang pi