Share

Kabanata 16.2

Maxine's POV

HALOS hindi ako makagalaw nang makilala ang taong tumawag sa aking pangalan!

Agad na nangilid ang aking mga luha sa hindi malamang dahilan. Halo-halong emosyon ang aking nararamdaman sa mga oras na ito.

Hindi ko matukoy kung masaya ba ako o malungkot. Basta ang alam ko lang, may taong natira pa sa buhay ko.

"M-Maxine, anak!"

Mas lalong walang lumabas na salita mula sa aking bibig dahil sa narinig. Kung g-ganoon..

Agad ako nitong niyakap ng mahigpit. Ramdam ko ang labis nitong pangungulila at pagsisisi. Tuluyan nang naglandas ang aking mga luha habang nasa bisig ng aking tunay na ama!

"Sobrang saya ko.. sobrang saya kong kasama kita sa mga oras na ito. Ngunit, kalahati ng puso ko ang namatay dahil sa.. dahil sa nangyari kay Maribeth at Arnolfo! Lalong-lalo na kay Lutcho at sa mga apo ko!" Madamdamin nitong saad kaya napahagulhol na lamang ako.

Agad akong kumalas sa pagkakayakap. Kitang-kita ko kung paano sunod-sunod na naglandas ang mga luha nito pababa sa kanyang pi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status