Maxine's POV MAKALIPAS ang mahigit isang buwan. Wala ng mababakas na sugat o pasa sa aking katawan. Nakakabawi na rin ang aking katawan mula sa pangangayayat at kahit papaano ay nakakasabay na ako sa bawat pag atake na ginagawa ni Rusty! "Iyan lang ba ang kaya mo?" Bulalas nito kaya mas nakahigpit ang aking pagkuyom sa aking kamao. Ilang linggo na rin simula noong mag umpisa itong turuan ako ng mga self-defense. Noong una ay halos puro tumba at ngiwi lamang ang nagagawa ko pero ngayon ay nakikipagsabayan na ako sa bawat pag atake nito. Agad itong nakailag sa aking pagsipa at s'ya naman ang sumugod ngunit naiwasan ko rin ang bawat suntok nito. Agad akong umikot upang bigyan ito ng malakas na sipa ngunit nahuli lamang nito ang aking paa kaya muli kong binigyan ng puwersa ang pagkakalapat nang aking kamay sa lupa at naramdaman ko ang kamay nitong mas humihigpit pa ang hawak sa aking mga paa ngunit ginamit ko agad ang pagkakataon na iyon upang makawala. Nang tuluyan kong maikot ang
Maxine's POV Isinuot ko ang isang simpleng itim na blusa at maong na pantalon. Matapos ay isinunod ko namang suotin ang aking manipis na medyas at sapatos. Sinulyapan ko ang aking sarili sa salamin at marahang muling sinuklay ang aking buhok. Napahinto ako nang maramdaman ang kabang namumuo sa aking dibdib sa mga oras na ito. Ngayon ang araw na maghaharap kami ng mga Francisco. Ngayon ang araw na pinakahihintay ko upang maipagpatuloy ang laban na kanilang sinimulan. Kailangan kong ikalma ang aking sarili kaya naman huminga ko nang malalim at ibinuga ang hangin gamit ang aking bibig. Matapos kong manalamin ay agad kong dinampot ang shoulder bag na ibinigay sa akin ni Lexi. Nandito ako sa isang apartment kung saan ito ang napili ni Rusty na aming rentahan upang pansamantalang palabas sa mga Francisco. Sa aking katapat na apartment ay ang isang private apartment na inuupahan rin ni Rusty. Nais lamang ni papa na makasigurado na magiging ligtas ako rito kaya naman naisip n'yang kunin
Maxine's POV Napailing na lamang ako nang aking mapagmasdan ang sarili sa harap ng salamin. Ngayon ang unang araw ko sa trabaho kung saan madalas na pumunta sina Donya Sylvia at Liezel. ZnV Jewelry Corporation. Ayon kay Lexi, pag-aari ito ni papa at Rusty. Kaya nga Zapanta at Verano ang ibig sabihin ng mga initials na iyon. Isa lang naman sa pinakasikat na negosyo ang ZnV Jewelry at talagang maraming tao ang tumatangkilik sa mga alahas na gawa sa nasabing kompanya dahil nga maganda ang kalidad. Agad kong sinuto ang isang kulay asul na coat nang masuot ko na ang kulay puting polo na pangloob. Pencit cut rin ang style ng palda kaya naman pormal na pormal ang datingan ko para sa trabahong ito. Gustuhin man ni papa na ipaalam sa lahat na ako ang anak n'ya, ngunit tulad ng aming napag-usapan, hangga't hindi pa maayos ang lahat mas mabuting wala munang ibang nakakaalam. Matapos kong maiayos ang aking mga gamit, binitbit ko na ang aking shoulder bag at nagmamadaling lumabas ng apartmen
Maxine's POV "Tell me, paano ka nakapasok rito?!" Nanlilisik ang mga mata ni Liezel at kulang na lang ay sakmalin na ako nito. Gusto kong matawa ngunit nanatili akong pormal dahil napatingin na rin sa aming gawi ang aming supervisor na si Mr. Co."What's happening here?" Napabuga ng hangin si Liezel at agad na dumistansya sa akin ng dumating si Mr. Verano.. si papa. Agad s'yang pumagitna sa aming dalawa at nagtataka na tumingin kay Liezel. "May I know what's the problem, Miss Madrid?" Pag uulit pa nito at agad namang ngumiti si Liezel na para bang walang nangyari. "She's someone I know. She's not even a degree holder pero nakalusot rito sa kompanya? Paano nangyari iyon?" Untag naman ni Donya Sylvia at mukhang plano talaga nila akong ipahiya sa maraming tao. Maging ang supervisor namin ay lumapit na sa amin upang malaman kung ano nga ba ang nangyayari. Narinig ko ang bahagyang pagbuntong hininga ni papa dahil sa sinabi ni Donya Sylvia. "Mrs. Francisco, we're giving a chance to
Maxine's POV NAGING usap-usapan ang mga naging pasaring sa akin ni Donya Sylvia at Liezel sa buong kompanya. Hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng pagkailang dahil halata sa aking kasamahan na may mga opinyon ito patungkol sa mga nangyayari. "Maxine?" Pagtawag sa akin ni Aria kaya naman agad ko itong nilingon kahit na abala ako sa aking binabasa. "Totoo ba talagang naging asawa mo si Mr. Lawrence Francisco?" Muli na naman nitong tanong na ikinabuntong hininga ko na lamang. Panay kasi ang tanong nito sa akin kung totoo ba talaga ang bagay na iyon. Mukhang hindi kapani-paniwala para sa kanilang lahat ngunit iyon ang katotohanan. Isa pa, si Donya Sylvia naman ang nagpakalat ng bagay na ito. Talagang gumagawa s'ya ng paraan para masiraan nila ako sa ibang tao ngunit wala akong pakialam. Hahayaan ko silang gawin ang gusto nilang mangyari. "Siguro kailangan ko na lang irecord ang sagot ko sa bagay na iyan, ano?" Naiiling kong tugon kaya napangisi naman ito dahil sa narinig. Wala nama
Maxine's POV MATAPOS ang pag-uusap naming iyon, saka naman silang sabay-sabay na umalis dahil may mga kanya-kanya pa raw silang kailangang gawin. Isa pa lang modelo si Lexi kaya naman nagpaalam na rin ito dahil may photoshoot pa raw silang magaganap. Habang si Attorney Dominguez naman ay may ilan pang rereviewhin at isasaayos na mga papeles kaya halos kasabayan lamang ito ni Lexi na nakalabas. Si papa naman ay mayroong meeting sa ilan pang kasosyo nito kaya naman ako at si Rusty na lamang ang naiwan rito sa opisina n'ya. "B-Babalik na ako sa trabaho." Mahina kong saad dahil wala na rin naman akong iba pang gagawin dito. Isa pa, baka maabala ko lang si Rusty sa mga ginagawa n'ya lalo na ngayon na mukhang marami itong kailangang gawin. Napakalinis ng opisina nito at bukod roon ay napakabango. Halatang araw-araw atang nililinis ito at ni isang kalat ay wala kang makikita. Mamahalin rin ang mga gamit dito at mukhang magaganda ang kalidad. Tumalikod na ako at agad na naglakad. Panan
Maxine's POV INIHINTO nito ang sasakyan nang makalagpas na ito sa sementeryo. Dead end na nga itong lugar na ito dahil wala ng ibang madadaanan at talagang walang katao-tao. Tanging kumpas ng mga dahan ng puno lang ang naririnig kong ingay at marahas itong bumaba ng sasakyan at nakuha pa nitong pumunta sa puwesto ko at marahas na hinatak ang aking damit kaya bahagya pang napunit iyon! "Baba!" Sigaw nito kaya naman agad akong bumaba at walang kaimik-imik habang nakatingin sa maitim at mataba n'yang mukha. "Ngayon, hubarin mo iyang mga suot mo!" Nakangisi nitong utos at pinasadahan ng tingin pababa ang aking katawan. Naiiling akong tumitig rito at saka mahinang natawa. Ang haba kasi ng nguso nito at sobrang itim pa! Halatang malakas manigarilyo dahil amoy na amoy ko rito ang sigarilyo na nagmumula sa kanya. "Hoy! Anong nakakatawa? Susunod ka ba o sasaktan muna kita?!" Mababakas na ang iritasyon sa pagmumukha nito ngunit mas lalo akong natawa. Bakit ba kasi ganyan ng nguso n'ya? T
Maxine's POV NILINGON ko ito dahil maging ako ay interesado sa kung ano mang paliwanag ang sasabihin nang lalaking ito. "Bago pa man sila dumating sa private cemetery nandoon na 'ko," seryoso nitong pahayag at nagawa pang sumulyap sa akin. "Doon kasi ang madalas kong puntahan kapag exhausted ako masyado. Literal na katahimikan yung gusto ko." "Sino ang bumugbog sa lalaking ito?" Agad naman akong tinuro ng matabang lalaki at nanginginig pa ang katawan nito. Mukhang sobrang natakot ata dahil sa inabot n'ya mula sa akin. Hindi ko naman kasalanan iyon. Binigyan ko s'ya ng pagpipilian pero masyado n'yang pinairal iyang asal n'yang hindi maganda. "Self-defense lang ang ginawa n'ya. Buti nga at hindi na kita binugbog eh!" Muli pang sabat nito. Matapos ang ilan pang tanong ay nakalabas naman kami agad at tulad ng inaasahan, nakulong nga ang lalaking iyon. Sobrang dami atang nangyari sa buong maghapon na 'to at malamang bukas ay mag uusisa na naman sa akin si Aria kung bakit hindi ako na