공유

Kabanata 9.1

Maxine's POV

Nakatitig lamang ako sa salamin nang makita ang aking sarili. Halos hindi ako makapaniwala na ganito pala ang itsura ko kapag mayroong make-up.

Nakakulot ang mahaba kong buhok habang suot ang kulay asul na lace long dress na binili ni Irene. Siyempre, flat shoes lamang ang aking gamit dahil baka madulas pa ako kapag high heels ang aking suot.

"You're so beautiful, hija!" Komento ni donya Sylvia nang makita ako.

Saglit akong napakurap at napapahiyang ngumiti sa harap nito.

"C'mon, nariyan na ang mga bisita!" Aniya at inalalayan ako nito sa aking paglalakad.

Parang kailan lang ay halos kamuhian namin ang isa't-isa. Ngunit, tingnan mo nga naman ang pagkakataon. Wala atang araw na hindi ako nito inaalagaan.

"Ma? Papa?" Masaya kong saad nang makita ko sila.

Nakuha ko naman ang atensyon nilang dalawa at kaagad na lumapit sa akin. Marahan akong niyakap ni mama at matapos ay pinakatitigan ako nang mabuti.

"Naku, ang ganda mo anak!" Masaya nitong saad kaya natawa na lamang
잠긴 챕터
앱에서 이 책을 계속 읽으세요.

관련 챕터

최신 챕터

DMCA.com Protection Status