IVANA rolled her eyes and giving her husband a snort, “Yeah, you always have a good reason to tell,”
“Bakit, totoo naman ang sinabi ko ah,” muling tukso niya rito.
“O siya, bumaba kana at bumalik rito agad,” aniya at tinulak na ito papuntang pinto.
Hinagip ni Brielle ang beywang niya sabay bulong, “Hintayin mo nalang ako, sabay tayong maligo,” bakas ang pilyong ngiti sa gwapo nitong mukha.
Bahagyang tinulak ni Ivana ang asawa, “Ikaw talaga panay iyan lang ang nasa isip mo. Umayos ka nga, pinagod mo na ako kagabi, uulit ka pa talaga,” sa mahinang boses tugon niya rito.
Kinindatan lang siya ni Brielle at agad na itong tumalikod. Paglabas n
NAGULAT pa si Brianna ng mabungaran ang ama sa pintuan. Niluwagan nito ang pinto para makapasok si Brielle.“Morning dad!” bati nito habang naglakad pabalik sa kama.“Morning princess,” sa mahinang boses balik-bati ni Brielle sa anak. Agad niyang napansin ang tulog pa sa kama na si Brendon. Kahit madalas nag-aaway ang kambal hindi naman ito naghihiwalay sa higaan. Tanging isang malaking kama lamang ang nasa loob ng kwarto ng kambal.Sumampa ulit ng kama si Brianna at humiga. Sumunod si Brielle dito at umupo sa gilid ng kama. Dumukwang siya at hinalikan sa pisngi ang anak.“Daddy, naman ang aga mong nanggulo, inaantok pa ako,” reklamo ni Brianna habang nakapikit ang mata.
NAMUMUTLA si Brendon matapos lumabas sa kwarto ng magulang. Lalo pa siyang nagulat ng makasalubong si Brianna sa punong hagdan.“Saan ka galing? Umakyat ako ulit kasi inutusan ako ni Daddy Lo na tawagin ka,” tiningnan niya ito ng pailalim.“May… may pinaayos si Daddy sa akin sa mismong laptop niya,” dumulas sa bibig ni Brendon.“Eh, ano iyon?” tila imbestigador itong nagtanong sa kuya niya at napuna pa nito ang namumuong pawis sa noo ni Brendon.“Halika na, bumaba na tayo,” hinila na ni Brendon si Brianna.“Ang weird ninyo ngayong araw. Kanina si Daddy ang agang nanggising tapos may inutos sa iyo,” angil nito habang hila-hila ito ni Bre
HALOS mapugto ang hininga nilang pareho bago naghiwalay ang labi nila.“Bakit sobrang lambing mo ata nitong mga nagdaang araw?” puna ni Ivana sa kanya. Sinusundan niya ang bawat kilos nito.Umahon na mula sa bathtub si Brielle at kinuha ang towel sa lagayan.Nagpunas muna siya, nagsuot ng roba, bago lumingon sa gawi ni Ivana. Nakangiting bumalik sa tabi nito. Pinisil ang magandang mukha ng asawa, “Bakit ka naman nagtatanong ng ganyan? Ayaw mo bang lambingin kita,”Bahagya siyang natawa sa tanong nito, “Wala lang napansin ko lang sobrang lambing mo talaga,” ulit niya sa sinabi niya rito.Brielle gently pinched her chin and then kissed her lips again, “I ju
“Three months ago. He even stays at the house Simon gifted him. But after a month, Reymond disappeared without a word. Ang akala ko naman bumalik na siya ng London at di na nagawang magpaalam sa akin,” tugon ni Samantha.“Paano naman naisagawa ni Reymond ang pagtangay sa anak ni Brent? Bakit wala namang balita tungkol sa pagkawala nito?” nagtatakang tanong ni Catherine.“Sa araw mismo ng engagement party, biglang naglaho ang anak ni Brent Santillian. Naroon din ako ng araw na iyon, at kumbinsido rin akong si Reymond nga ang salarin, nakita siya ng anak kong si Nate sa mismong comfort room ng venue. Binilinan pa niya ang anak ko na huwag banggitin na nagkita sila,” paliwanag ni Samantha.“My god! What had Reymond done this time? Hindi ko lubos maisip na may
BRENDON halted his pace, turned around and looked at his mom. Gusto niyang balikan ito at tanungin ng harap-harapan kung bakit nito nagawang traydorin ang daddy niya ngunit mas pinili niyang manahimik nalang at hayaan ang ama niya na tanungin ang ina.“Mommy halika na, pasok na tayo sa loob,” tawag niya sa ina, seryoso ang mukha niya na nakatingin rito.“Coming!” Ivana stood up quickly and followed her son.Nakapasok na si Brendon sa loob ng bahay habang si Ivana naman ay naglakad papasok ngunit ginugulo ng isip niya sa mga sinabi nito kanina.“My son is really full of wisdom. He even told me about loyalty, it drub my heart badly,” she murmured.
PARANG tumalon ang puso ni Brielle sa sobrang kaba ng marinig ang sinabi nito sa kabilang linya. Pamilyar sa kanya ang nasabing pangalan ng golf club. Ang buong akala niya naipasara ito ng gobyerno ng makulong si Simon.Hindi siya pwedeng magkamali, ang nasabing pribadong villa at golf club ay pinagawa noon ni Simon at Hendric Huo. At bahagi ng investment ng nasabing proyekto ay galing sa ninakaw ni Hendric Huo na pera ng ama ni Ivana.Paano nakalusot at nagpatuloy ang operasyon ng proyektong iyon na hindi niya nalaman? Ganon na ba talaga kalawak ang impluwensya ni Simon noon at nagawa nitong mailusot ang nasabing negosyo?“Brielle, are you listening to me?” Mr. Yang’s voice rang, bringing Brielle’s attention to reality.&l
AKMA niya itong babatukan ng biglang tumunog ang cellphone niya. Pangalan ni Anton ang nakita niyang lumabas sa screen. Saglit niyang iniwan si James at bumalik siya sa mismong lamesa niya.Leaning his back, he answered, “Hello,”“Sir papunta na kami dyan, mga kalahating oras lang nandyan na kami. Late ko ng nabasa ang message mo dahil kumain pa kami ng tanghalian. May importanteng ibabalita rin ako kay Sir Brielle kaya tamang-tama lang ang pagpapapunta mo sa akin,” tugon nito sa kabilang linya na ngayon at nakaupo na sa harapan ng manibela.“Bilisan mo Anton, tumatakbo ang oras,” nagmamadaling tugon ni Harold.“Oo, sir. Bye for now!”Nawala na sa kabilan
NAPAAWANG ang labi nito at nagtataka ng marinig ang sinabi ni Anton. Gustong matawa ni Anton sa naging reaksyon ng dalaga. Hindi niya mapigilan ang sarili na humanga sa taglay nitong ganda at halos ilang taon niya na ring nakikita ito rito sa loob ng kompanya ngunit ngayon lang niya natitigan ito ng malapitan dahil tinawag siya nito at hinarang ang pagpasok nila.“Ah...numero ko po ba?” kandautal na tanong nito at alanganing tinanggap ang telepono ni Anton.“Ah hindi...telepono ng kompanya, kung ayaw mong ibigay ang numero mo,” asar na tugon ni Anton. Nagtawanan ng malakas ang mga kasamahan niya. At isa sa mga ito ay lakas loob na nagbiro.“Miss receptionist, huwag kang mag-alala binata iyan. Saka malaki sahod niyan, kayang-kaya kang buhayin,”