Share

31: Hoping Something

Nagluto ako ng paborito nilang sinigang. Napag isip ko na rin naman na hindi ko na kailangang pahabain pa ang galit kay Luke.

Bakit nga ba ako magagalit? Ano ba ang dapat kong ikagalit?

Nakarinig ako ng yabag at nilingon ko kung sino ayon. Nakita ko si Luke habang nagkukusot ng kanyang mga mata.

Tuloy-tuloy lamang ito sa paglalakad hanggang sa marating niya ang pwesto ko at hindi ko naman inasahan ang kanyang ginawa.

Niyakap niya ako mula sa aking likod at isinubsob niya ang kanyang mukha sa aking leeg. Ramdam ko rin na kanyang inaamoy ang parte na yun kaya pumitlag ako.

"Stop." Yun lang ang lumabas sa bibig ko at mabilis naman na lumayo sa akin si Luke.

Tinitigan ako ni Luke na parang kahit siya ay hindi din niya nagustuhan ang kanyang ginawa.

"I-I'm s-sorry." Hingi niya ng paumanhin at binigyan ko lang siya ng isang tipid na ngiti at nauwi naman yun ngiwi.

"No, it's okay. Maupo ka na doon at maghahayin na ako sa mesa." Suhensyon ko sa kanya. "Tulog pa rin ba sila?" Pagtukoy
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status