Share

32: Gamble

Mas nadagdagan ang tensyon at aking pagkailang ng mag request ang kambal na sa iisa kaming kama matulog. Kahit si Lucas ay nawiwili na at kakampi na rin ngayon ni Luke. Nasa gitna namin ang kambal at kailangan ay nakayakap pa kami sa kanilang dalawa.

“Ayaw mo ba kay daddy, mom?” Napalunok ako sa sinabi ni Lucia.

“Hindi naman sa ganun, princess.” Naiilang na sagot ko.

“Bakit hindi mo rin po siya yakapin?” Tanong pa nitong muli.

Napapitlag naman ako ng hawakan ni Luke ang aking braso bago ipinatong naman ni Luke ang braso niya sa braso ko.

“I love you mommy, I love you daddy.” Imik pa ni Lucia. Parang may humaplos sa puso ko dahil sa kanyang binitawan na salita.

Hindi ko rin sila masisisi. Sa tagal ng panahon ay kami lamang tatlo ang laging magkasama. Halos si Harold na din ang kilalanin nilang ama pero iba na ito. Iba sa ngayon ang nararamdaman ko lalo na’t ang tunay nilang ama ang nakakasama nila ngayon.

Lumipas ang ilang minuto ng mapansin ko na malalim na ang kanilang paghing
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status